Chapter 23

2.9K 73 0
                                    

Walang nagawa si Jema kundi sumunod nalang din sa bahay ni Deanna. Maghapon naman silang naghakot ng mga gamit hindi parin niya kinakausap si Deanna. Naalala niya tuloy na sinabi niya sa sarili niya na hihingi siya ng tawad. Hindi narin niya lubos maisip kong bakit ba lagi nalang kumukulo ang dugo niya kay Deanna.

"Mga anak uwi na kami ha? Jema iwasan ang pagsusungit kay Deanna."

"Tita. Please don't go home na its late na oh. Besides pagod pa po si papa baka di makadrive ng maayos. Dumito po muna kayo"

"Hindi na anak may gagawin din ang tito mo bukas eh"

"I dont take no for an answer tita. Pili nalang po kayo diyan ng  rooms niyo."

Wala namang nagawa ang nanay ni Jema kundi sumunod nalang kay Deanna. Tuwang tuwa talaga ito sakanya dahil napakabait nitong bata sakanila at ang swerte ng mga anak niya sakanya. Napansin naman nito na hindi mapakali ang asawa niya ngunit natulog nalang sila dahil pagod narin ito. Narinig niyang lumabas ang kanyang asawa ngunit di na ito nagtanung kong saan pupunta.

"Deanna may beer ka ba?"

"Tito akala ko po tulog pa po kayo."

"Di ako makatulog eh"

"Sige wait lang tito i'll get some beer lang sa ref. Tito don nalang po tayo sa garden baka kasi marinig nila tayo rito sa sala magalit pa si tita."


------

Lumabas si Jema sa kanyang kwarto dahil nauuhaw ito pagkaparating niya sa kitchen ay naaninag niya naman ang papa niya at si Deanna na nagiinuman. Di naman niya balak ngunit ginawa narin niyang makinig sa kwentuhan ng dalawa.

"Deanna anak pagpasesyahan mo na ang Jema ko ha?"

"Ok lang po tito. Pamilya ko po kayo at  kahit ganon pa po yun kasungit sakin di parin po ako magsasawang tulungan sila"


"Deanna hindi ko alam kong pano kami naging deserving ng mga anak ko para makilala ka namin"

"Tito mababait naman po sila, kayo po. Alam ko rin po na si Jema may natitira parin pong kabaitan yan sakin kahit papano. Di ko lang po talaga maisip kong anong nagawa kong kasalanan sakanya para maging mainit ang dugo niya sakin".

"Baka naman kasi inistaredown mo sa loob ng court?"

"Hindi ah. Bait ko kaya sa loob ng court tito"


"Ewan ko ba diyan sa anak ko kung bakit maldita di namin alam kong san yan nagmana"

"Baka naman kasi napulot niyo lang siya tito"sabay tawa ng dalawa

"Hindi naman, ewan ko minsan sumasakit na ulo ko sa batang yan. Sa lahat ng taong nakakasalamuha niya sayo lang siya ganyan napakabait mo namang bata."

"Hayaan niyo tito darating din ang araw magiging mabait din siya sa akin."

"Anak anong ginagawa mo dyan?"tanong ng mama ni Jema

"Ah wala ma."

"Patingin nga"agad namang lumapit ito sa pintuan at nakita si Deanna at ang asawa niya

"Abat ang galing niyong dalawa at talagang nag-inuman pa kayo dito sa labas. Ubusin niyo na yan ng makapagpahinga na at bukas ng maaga eh aalis na tayo mahal"

"Tito i now i know kung kanino siya nagmana"bulong ni Deanna napasmirk naman ang matanda


"Mahal huwag kang maingay nagbobonding lang kami ng anak mo"

"Pasalamat ka talaga nandito tayo sa bahay niya kundi kanina ko pa binato sa labas mga gamit mo"

"Init ata ng ulo ni titang maganda.You want coffee tita?"

"Sige nak bolahin mo lang ako pero sige gusto ko ng coffee"agad naman pumasok sa loob si Deanna para kumuha ng kape

"Anong pinagusapan niyo at parang interesadong interesado si Jema?"

"Pano mo nasabi?"

"Nakita ko siya sa may pintuan kanina nong hinahanap kita mukhang nakikinig sa inyo"

"Makikinig talaga yun dahil siya ang pinag usapan namin"

"Tita oh heres your coffe na po. Nga po pala tita i have a few days pa po before pvl. Uuwi po muna ako ng Cebu tommorrow."

"Alam ba ni Mafe?"

"Hindi ko pa po nasabi tita. Flight ko na po mamayang 6 am."

"Pano yan maaga rin kaming aalis ng tito mo?"

"Itext ko nalang po si Mafe bukas"

Nang natapos nilang ubusin ang mga inumin nila ay agad na silang nagtungo sa  kanilang mga kwarto para matulog. Naisip naman ng nanay ni Jema na hindi na muna sila luluwas ng Laguna hanggat hindi nakakauwi si Deanna ipapaubaya nalang niya kay Jovi ang mga kailangan niyang gawin.

Sana ako nalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon