Chapter 24

2.9K 83 0
                                    

"Good morning, anong oras kayo uuwi ma?"tanong ni Jema


"Ayaw mo ba kaming nakikita dito anak?"


"Hindi naman sa ganun ma"

"Si ate Jovi mo lang pinauwi namin anak"

"Bakit naman pa?"

"Ah kasi wala si Deanna umuwi ng Cebu di na nakapagpaalam pa kagabi nakalimutan ata niya"


"Pano yun pa? Pvl na kaya hindi ba siya maglalaro?"


"Babalik siya 3 days lang ata niya dun"sagot ni Mafe


"Akala ko nak hindi sinabi sayo ni Deanna?"


"Nag iwan siya ng note sa may pintuan ko ma kaya kanina paglabas ko nabasa ko agad".

Pagkatapos ng agahan ay nagprepare naman ang mga ito dahil nagkayayaang kumain sa labas. Sinama narin nila si Cy at napansin ni Jema na parang may iba sa  kilos ni Mafe at ng katabi niya.

"Tita namiss ko po kayo. Bait naman ni lodicakes at inampon niya tung dalawang anak niyo. Naawa tuloy ako sakanya dahil kumuha lang siya ng sakit sa ulo"

"Hoy Cy ! Grabe ka naman huwag mo ko idamay si Ate Jema lang naman ang sakit sa ulo ni Deanns eh"

"Oppss. Jema oh nilalaglag ka ni Mafe"

"Tumahimik kayong dalawa kumain nalang kayo. At yang kasama mo Mafe pakainin mo at baka mamatay yan sa gutom"

"Luh pati sakin ate nagsusungit ka na?"tanong ng katabi ni Mafe

"Uy la hindi ah. Pano yang dalawang kumag imbis na kumain daldalan pa buti sana kung di ko naririnig ang pangalan ko"

"Babe try mo to oh masarap"wika ni Mafe sa katabi niya napansin naman yun ni Jema at napakunot nalang ang noo niya.

Maghapon silang nasa labas at napapansin ni Jema ang pagiging clingy ng dalawa napaisip tuloy siya kung bakit ganun ang ginagawa ng kapatid niya pero ayaw naman niyan magconclude dahil ayaw niyang mag away sila ni Deanna. Gabi na ng makauwi sila sa bahay ni Deanna si Cy na ang naghatid sa kasama ni Mafe.

"Jema anak pwede ba tayong mag usap?"

"Sige pa. Ano po yun?"


"Dun tayo sa garden. Walang susunod ha dito lang kayong lahat"

"Pa anong pag uusapan natin?"

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa anak bakit ba ganyan ang pinapakita mong ugali kay Deanna? Nak please be nice naman sa tao wala namang ginawang masama sayo yung tao para tarayan mo ng tarayan"


"Pa kasi"

"Saglit lang nak may kukunin lang ako sa Ref"pagbalik ng tatay niya ay inabot nito ang isang can ng beer

"Pa sorry po, itratry ko pong maging mabait sakanya"

"Don't try nak gawin mo. Madali lang naman ang pinapagawa ko sayo eh."natahimik nalang si Jema sa sinabi ng tatay niya. Naka 3 cans narin siya at halata mong tipsy na ito.

"Pa nagusap po kami ni Fhen sinabi ko sakanya na hindi ko siya kayang mahalin."


"Bakit nak? Ang tagal nanligaw sayo nong tao. Ni minsan ba hindi mo siya minahal?"

"Pa minahal ko siya, pero nawala lahat yun dahil sa isang tao. Dahil sa isang tao na kahit kailan mali na mahalin ko siya"

"Anak hindi mali ang magmahal, nagiging mali lang ito pag may masasaktan ka dahil sakanya"


"Yun nga po pa, maling mahalin ko siya dahil may masasaktan ako. Ang tanga tanga ko lang pa kasi sa maling tao pa ako nagmahal sa maling tao pa ako nahulog"bumuhos naman na ang luha niya at agad naman itong niyakap ng papa niya

"Anak sino ba siya?"

"Si Deanna pa. Oo pa si Deanna may gusto ako sakanya, lagi ko siyan sinusungitan dahil ayokong mahulog ako ng tuluyan sakanya. Ayaw ko pong tumira dito kasama niya dahil pa masakit po eh. Masakit na makita ko silang dalawa ni Mafe na sweet sa isat isa. Masakit dito pa!"sabay turo ni Jema sa kanyang puso

"Alam mo ba anak matagal ko ng alam na may gusto ka sakanya. Napapansin ko naman yun sa mga kilos mo anak kita at nababasa ko ang mga galaw mo"

"Pa ang tanga ko kasi sa maling tao pa ako nagkagusto"

"Pa sana satin lang tong dalawa. Pa salamat sa pakikinig sorry po kung naging masamang tao ako sakanya dahil po sa gusto ko siya"


"Anak ang mapapayo ko lang sayo aminin mo sa kapatid mo yang nararamdaman mo, dahil siya lang ang makakasagot sa mga sakit na nararamdaman mo"

Sana ako nalangWhere stories live. Discover now