Chapter 25

3.1K 78 0
                                    

After 2 months napansin ni Jema na laging magkasama si Mafe at si Sheena. Di maman na ito nakapagpigil na tanuning ang kapatid niya.

"Mafe pwede ba tayong mag usap?"


"Sige ate, anong pag uusapan natin?"


"Anong meron sa inyong dalawa? Alam ba ni Deanna yang ginagawa mo ha? Alam mo ba nong birthday mo napansin ko na kayong dalawa eh."


"Oo ate alam niya. Happy pa nga siya kasi kahit papano pag hindi man niya ako masamahan atleast may isang tao pa akong pwedeng tawagan."



"Mafe huwag mong lolokuhin si Deanna ha? Maswerte ka dahil mahal ka nong tao huwag mong abusuhin ang kabaitan niya."


"Abat anong mabuting hangin ang dumapo sayo ate at naging ganyan ka kaconcern sa mararamdaman nya."



"Nag usap kasi kami ng tatay at natauhan na ako. Gusto ko nga sana siyang kausapin pero di ako makakuha ng tamang timing"


"Ate may tanong ako sayo."


"Ano yun?"


"Gusto mo siya no? Nagseselos ka ba ate?"


"HOY MARIA FE! hindi ko gusto yung bestfriend mo besides nililigawan ka niya at alam ko kung gaano ka niya kamahal"

"Pano mo alam na nililigawan niya ako ate eh wala naman kaming pinagsabihan?"


"Ah eh kasi narinig ko kayo non na nag uusap. Di ko naman non sinadya eh"


"Tama ako ng hinala simula nong ntapos ang birthday ko at nag uusap kami ni Deanna yun din ang araw na nagpakalasing ka. Ate sorry ha pero may araw non na pinuntahan ko non si ate Fhen napansin ko kasi na hindi na kayo nagsasamang dalawa at dun ko nalaman sinabi niya sakin lahat. Ate hindi mo naman kailangang iwasan yung tao eh"


"Hindi ko pwedeng hindi siya iwasan dahil mahuhulog at mahuhulog lang ako sakanya. Sobrang mali Mafe, ako lang naman kasi tong tangang nahulog sa taong mahal ng kapatid ko. Sorry di ko sinasadyang mahulog sakanya. Hayaan mo iiwasan ko siya isasantabi ko ang nararamdaman ko para sayo. Sorry kong naging masungit ako sakanya ayoko lang na tuluyan akong mahulog sa bestfriend mo"agad namang umalis si Jema na tumutulo ang mga luha niya. Naiwan nalang si Mafe na may ngiti sa mukha niya


"Ate kong alam mo lang"bulong ni Mafe sa sarili niya.


"Mafe bat yun umiiyak? Nag away na naman ba kayong dalawa? Ikaw talaga di ka na nasanay sa ate mo, huwag mo munang aawayin yun at ongoing ang season baka mawala yun sa focus"


"Hindi ko siya inaway nagdrama lang siya."


"So sinabi na niya problema niya?"



"Hmpp Oo. Pero sabi niya rin na huwag kitang lolokuhin napansin niya raw kasi ang pagiging clingy namin ni Sheena."



"Don't tell me di mo pa nasasabi sa ate mo that you two are dating?"



"Wala akong balak sabihin sakanya di naman nakinig sakin eh. Iniwan nga ako di man lang pinakinggan yung side ko"


"Abat nagtatampo ata ang bunso haha"


"Oo nakakatampo dahil sarili niya lang sinasaktan niya kahit di naman siya dapat masaktan. Nakakainis ang ate ko napakaduwag kung alam niya lang sana edi sana di na siya nagiging ganyan ngayon"

"Hayaan mo na yang ate mo. Maging happy nalang tayo para sakanya"

Sana ako nalangOù les histoires vivent. Découvrez maintenant