Chapter 27

3.2K 83 0
                                    

After ng picture taking ay pumunta agad si Deanna sa dugout at kumuha ng ice bag. Nakita naman ito ng mga teammates niya kaya panay ang panloloko nila dito.

"Ayan kasi istaredown ba naman ang queen falcon."wika ni Jules

"Akala mo naman kasi kung kaya niya si queen falcon, nakablock lang abat inistaredown na"wika ni Ponggay

"Oo ikaw ang royal flash at siya ang queen falcon di ka na natakot na baka tukain ka niya"wika ni Maddie

"Kawawa na nga tong baby natin gaganyanin niyo pa. Sus kayo di na kayo naawa sa bata"sabay pisil ni Bea sa kamay ni Deanna

"Ouch! Ate Bea naman eh! Tskkk. I'll take the shower na nga muna."

"Umamin ka na kasi para di ka niya nasasaktan"sigaw ni Bea, Jules, Maddie at Ponggay

Pagkatapos niya lumabas sa shower room ay nagpaalam na ito sa kanyang teammates pati narin kay coach O. Pagkalabas niya ng dugout ay agad naman siyang sinalubong ni Cy

"Lodicakes nice game."bati ni Cy



"Thank you Lodicakes. Una na muna ako sa car wait niyo nalang si Jema na lumabas."




"Lodicakes mamaya ka muna pumunta sa car mo. May favor naman ako sayo  oh pwede papicture ako kay Bea?"



"Lodicakes mga the moves natin ha? Sige ba wait lang at tawagin ko siya"alam kasi nitong crush ni Cy si Bea



"Ate Bea may gustong magpapicture sayo, pagbigyan mo na at baka di makatulog pag di napagbigyan"


"Uy sino yan ha?"tanong naman ni Ponggay


"Wala ka na dun kahit kailan talaga tsismosa mo noh?"sagot ni Deanna sakanya



"Nga pala ate Bea si Cy kaibigan namin nila Mafe, Cy si ate Bea"nagkamayan naman ang dalawa at pansin mo sa mukha ni Cy ang kilig at saya.


"Thank you Lodicakes. Sige na makakaalis ka na. Ingat sa pagpuntang parking"pagtataboy ni Cy sakanya



"Kuya Cy ikaw muna maghintay kay ate bili lang kami ni Sheena ng makakain nagutom ako bigla eh. Mabilis lang kami don't worry"



"Sige ganyan naman kayo eh, lagi niyo kong iniiwan. Pabili narin ako ng food."

Nang makalabas si Jema sa Dugout ay binuhat naman ni Cy ang kanyang mga gamit. Napansin na naman ni Jema ang pagiging clingy ni Mafe at Sheena naisip niya na baka nagseselos si Deanna kaya hindi nila ito kasabay ngayon.

"Asan pala si Deanna"tanong ni Jema

"Nauna na sa sasakyan"

Pagkadating nila sa parking lot ay nakita naman nila agad ang kotse ni Deanna kumatok si Cy at nakita niya ang icebag na nakalagay sa kanyang kamay.

"Lodicakes napuruhan ba?"

"Oo ata. Pano kasi ang lakas ni Jema galit na galit sakin eh. Ako ang pinunterya"

"Sorry di ko naman sinasadya eh. Ikaw kasi inistaredown mo ko kaya nainis ako sayo."

"Its ok lang naman. I just want a favor i can't drive kasi eh. Pwede ikaw nalang magdrive for us."

"Ay Deanns don nalang kami kay kuya Cy sumakay ha?"wika ni Mafe

"Ok Go. Thank you"alam naman ni Deanna kong anong ibig sabihin ni Mafe

"San tayo? Di ko kasi alam kong san mo kami dadalhin"

"Magdrive ka lang ituro ko sayo ang daan"

"Sorry talaga ha? Sobrang sakit ba?"

"Hindi naman masyado nilagyan ko lang ng icepack para di matuluyan. Lakas mo kasi eh."

"Kasalanan mo rin bat mo sinasalo lahat"

"Siempre sakin nahulog kaya kailangang saluhin ko di ko naman pwedeng pabayaan dahil ako rin ang kawawa sa huli"napansin naman ni Deanna ang pamumula ng mukha ni Jema


"Bakit kailangang may hugot?"tanong ni Jema

"Kasi ganun talaga. Kung gusto mong manalo saluhin mo lahat ng bola hanggat kaya mo. Kasi kung magiging duwag ka sa pagsalo parang sinabi mo narin sa teammates mo na di mo sila kayang tulungan"


"Gulo mo namang kausap"wika ni Jema sakanya pero sa loob nito ay kinikilig na siya


"Jema may tanong ako sayo. Bakit this past months napapansin ko nilalayuan mo ako?"


"Ha? Di naman ikaw lang nagsasabi non"


"Oo kaya. Pag nasa bahay tayo pag magkakasalubong tayo di mo man lang ako pinapansin. Jema may galit ka ba sakin? Dahil ba sa pinilit ko kayong patirahin sa bahay"


"Hindi naman ganun Deanna siguro lang di mo napapansin"

"Ah ok if thats what you say"

Sana ako nalangDove le storie prendono vita. Scoprilo ora