Chapter 19

2.7K 71 0
                                    

Samantalang nasa bar naman sila Jema. Medyo tipsy na ito ngunit ni isang salita ay wala paring lumalabas sa bibig niya samantalang patuloy parin sa pagkanta ang dalawang nasa tabi niya. Di niya napapansin na unti-unti nalang pumapatak ang mga luha niya.

"Jema. Ready na? Share mo na oh"

"Cy ang sakit! Bakit? Bakit di niya ako kayang mahalin?"


"Kasi Jema hindi ikaw andito kundi si Mafe"turo ni Cy sa puso niya


"Bakit ba kasi nagmahal ako sa imposibleng tao pa?"


"Jema pano si Fhen?"tanong ni Kyla

"Triny ko namang mahalin siya pero wala talaga akong feelings sakanya. Hindi mali pala nawala agad ang feelings ko sakanya"


"Jema para di ka nasasaktan nang ganyan iwasan mo nalang silang dalawa hanggat kaya mo. Nandito lang kami ni kayla ibaling mo sa iba yang nararamdaman mo sakanya."

"Thank you guys"

"Ubusin nalang natin to guys. Uwi na tayo at baka mapagalitan ako sa kapatid mong dragon"wika ni Kyla.

"No! Last two bottles for me. Akin lahat yan! Please ngayon lang! Akin lang yan!"

Nang matapos na si Jema ay agad naman na itong ihinatid ni Kyla pinaalis niya narin agad si ito dahil madaling araw na at may training pa sila kinabukasan. Agad niyang hinanap ang susi ng apartment ngunit di pala niya ito dala tanging cellphone lang niya ang dala niya kaya agad naman siyang kumatok sa pinto dahil nakaramdam ito ng hindi maganda. Sunod sunod na katok ang ginawa niya agad namang napatayo si Deanna sa gulat kaya dali dali niyang tinanung kong sino ang nasa labas agad nang sumagot si  Jema. Pagkabukas ng pinto ay bigla nalang siyang nasuka sa harap ni Deanna.

"Oh shit Jema ! Amoy alak ka"

"Dun ka muna sa sofa!"inalalayan ito agad ni Deanna at kinatok naman niya si Mafe

"Ate anong ginawa mo ha? Bat amoy alak ka"

"May problema si ate eh"

"Pwede ka namang masabi sakin ha"

"Mafe paabot ako ng timba lagyan mo na ng tubig tabo narin"

"Aanhin mo?"

"Lilinisan ko tung suka ng ate mong magaling"

"Omg ate! Tignan mo nga sarili mo! Ano bang problema bat ka ganyan?"

"Next time nalang tayo mag usap pwede matulog na ako at may training ako bukas?"

"Sorry ate kung iniwan ka namin ni Deanna kanina"

Clueless naman ang dalawa na iniwan ni Jema. Nang natapos ng maglinis ni Deanna ng sahig ay agad na itong pinapasok ni Mafe sa kwarto.

"May maganda palang naidulot ang pagpapatulog ko sayo sa sofa"

"I'm really bothered. Anong kayang problema ng ate mo"

"Hayaan mo masasabi niya rin yun. Kilala ko si ate"





Fastforward

Buong training ay tahimik lang si Jema alam narin naman ng mga kateammates niya ang nangyari open kasi silang lahat sa bawat isa wala sila ritong itinatago ganun kasi ang payo sakanila ni coach para mas maging matatag ang pagsasama nila as a team. Nagyaya naman si Aly na kumain sila sa labas kaya agad namang nagsipagtalunan ang mga kateam niya.

"Guys malapit na ang season goodluck sa ating lahat no injuries"

"Oo ate ly"

"For pvl championship"wika ni Jia

"For coach Thai"wika naman ni Sato

Nang matapos silang kumain ay agad namang nagsiuwian ang lahat. Maaga pa naman kaya nagpunta muna si Jema sa grocery store tumungo narin ito sa bar para magpareserve ng isang room. Bali ang bar kasing ito ay may mga vip rooms at sa gitna naman ay ang mga per table. Pagdating niya sa bahay ay agad namang nagsabi si Mafe na nagugutom na ito kaya naman ipinagluto niya ito ng pagkain nang matapos silang kumain ay agad namang itong nagpunta sa kwarto para matulog muna. Tinexts niya si Fhen na magkita sila ngayon 7 pm sa SACHI bar.

Sana ako nalangOù les histoires vivent. Découvrez maintenant