Chapter 1

73.1K 804 37
                                    

I highly recommend that when you read this story at least try to listen to the song entitled "I will take you forever" by chris lawrence and denise laurel because it was my inspiration for writing this.  aside also from the fact that i love this korean character on my cover.  enjoy and be in love!

CHAPTER 1 

Maaga pa lang ay nagkukumahog na si Gail sa pagbangon. Paano kasi'y ngayon ang pagdating ng anak ng kanilang amo na galing ng Korea. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ito sa napakatagal na panahon. Kung kailan lang kasi napagpasyahan ng kanyang ina na ipasok din siya sa pagkakatulong. Napilitan siyang huminto na muna sa pag-aaral sa kadahilanang kapos na sila sa pera. Pero alam ng kanyang ina ang plano niyang magpatuloy sa pag-aaral makaipon lang siya nang kaunti sa pagta-trabaho.

Halos buong maghapon yata silang naglinis ng buong kabahayan lalong lalo na sa kwartong tutuluyan ng anak ng kanilang amo. Maselan daw kasi ang anak nito at ayaw na may makikita kahit na ni katiting na alikabok sa kwarto nito. 

Nakakapagod ang buong maghapong paglilinis nila sa araw na iyon. Pagabi na nang kasalukuyan silang namamahinga noon ng kanyang ina nang biglang may bumusina sa gate. Ang kanilang amo! 

"Gail buksan mo!" Ang kanyang ina na halos liparin ang daan papunta sa kusina. 

Agad din namang sumunod si Gail sa utos ng ina. Sa totoo lang ay medyo nae-excite siyang makita ang kanyang amo. Nakita na kasi niya iyon sa isang malaking picture frame sa sala at talaga namang namangha siya sa taglay nitong kagwapuhan.

Nang buksan niya ang gate ay agad na pumasok ang limousine kung saan sakay ang kanyang amo at ang kaisa-isang anak nito. At isa-isa ngang lumabas ang kanyang amo. Pinaka-huli dito ang kanina pa niya hinihintay. 

"Magandang gabi po...ma'am, sir..." Bati pa niya sa mababait na amo.  

"Hello Gail. Are the foods ready?" Ang Senor Bernard na kahit na may edad na ay kitang-kita pa rin ang gandang lalaki nito.  

"Y-yes sir..." Wala pa siya sa sariling nabaling ang paningin sa anak nito.  Hindi niya mapigilan ang sobrang pagkamangha.

"Oh by the way..." Napansin din naman ng senor ang paninitig ni Gail sa anak. "Gail, I would like you to meet my son...Yi Jeong." 

Halos matulala si Gail sa pagtitig sa amo. Higit pala itong mas gwapo sa personal. Ang singkit nitong mga mata na sumasabay sa mapanghalinang ngiti nito. Perpektong hugis ng panga, mapulang labi at makinis na balat ay lalong nagpatingkad sa angkin nitong gandang lalaki. 

"Hello Gail..." Agad na nagpakawala naman nang isang nang-aakit na ngiti si Yi Jeong. Hindi talaga niya maialis sa kanyang sistema ang pagiging chickboy. Ang lahing pinanggalingan nila ng kanyang pamilya ay talaga namang plus factor sa kanya para lalong habulin siya ng mga babae. 

"Ang gwapo ba ng anak ko, Gail?" Ani ni senora Leonora na makahulugan pang ngumiti sa natulalang si Gail. 

"O-opo...e!" Agad siyang pinamulahan. Hindi niya malaman ang sasabihin. "Nakahanda na po ang pagkain." Pag-iiba pa niya nang usapan at pilit na inialis ang paningin kay Yi Jeong. Para kasi nitong tutunawin ang puso nya. Hindi man sinasadya ay talagang nakuha nito ang atensyon niya. 

"Ang room ng anak ko?" Naalala pa ng Senora. 

"All set na po, ma'am." Nagpatiuna na siya sa pagpasok sa loob ng mansion. 

Agad din namang nataranta ang mga katulong sa pagpasok ng mga amo.

"Wait ma, pa..." Pigil ni Yi Jeong na may jet log pa. "I need to rest. I wasn't able to sleep early last night." 

"Ayaw mo muna bang kumain?" Ang Senora. 

"Just send it to my room." Sumulyap pa siya sa ikalawang palapag ng mansion. "I just need to take some sleep." 

"Sige, hijo. Ikaw ang bahala..." 

"You have a lot to do, son." Ang Senor. "Don't forget that." 

"I know, papa..." Napapagod na sagot pa niya.  Hindi pa man ay parang gusto na niyang bumalik ulit sa Korea. Papaano kasi'y dito na siya sa Pilipinas pinag-aaral ng kanyang ama. Nabuking kasi nito ang mga kalokohan niya sa Korea kaya't napilitan itong pauwiin siya para dito pag-aralin. 

"I'll see you, later..." Para talagang babagsak ang mga mata niya sa antok. 

At mabilis nga nitong binagtas ang daan papunta sa kanyang kwarto. Matagal ding panahon bago siya nakauwi. Kung tutuusin ay mas gusto niya ang buhay sa Korea. Malayang malaya. Malayo sa mga mata ng kanyang mga magulang na walang ibang gusto kung 'di ang magtagumpay siya. Pero malayo pa ang isip niya sa ganoong sitwasyon. Mas gusto niyang mag hang-out kasama ang mga kaibigan o mga babae niya. At ngayon, hindi niya alam kung ano na lang ang mangyayari sa kanya once na nagpakaseryoso siya sa pag-aaral. Pakiramdam niya ay katapusan na ng lahat nang maliligayang araw niya.

"Gail..." Ang Senora. "Ikaw na ang magdala ng pagkain ng anak ko sa kwarto. Kumatok ka na lang okay?" 

"Sige po, ma'am..." alanganin yata siya. Papaano kasi'y hindi niya maiwasan ang matulala sa mapang-akit nitong mukha. Marahil kung malalaman ng nobyo niya ang pagkaka-crush niya sa iba ay tiyak na mamamatay ito sa selos. 

Agad din namang iginayak ni Gail ang ilang pagkain na kanyang ina pa mismo ang nagluto. Sa totoo lang ay kanina pa din kumakalam ang kanyang sikmura. Hindi lang niya makuhang kumain sa dami nang ginagawa. Maluwag naman ang kanyang trabaho, nagkasakit lang ang kahalinhan niya sa mga gawain kaya wala siyang pagpilian. 

Nang maigayak niya ang mga pagkain ay agad din niyang binagtas ang daan patungo sa kwarto ni Yi Jeong. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok. Naabutan niyang nakahiga ang gwapong amo pero nakadilat pa naman ito. 

"Sir...pagkain nyo po..." Maingat pa niyang inilapag sa side table ang pagkain nito. 

"Thanks Gail..." Tila nang-aakit talaga ang ngiti nito. 

"M-mauna na po ako..." Hindi naman niya malaman kung paano ang gagawing ngiti. Marahil kung sa iba ay mape-preskuhan sa dating ng amo. Pero sa kanya, para lamang itong anghel na ngumingiti sa kanya. Papaano kasi'y mukha namang napakabait nito. 

"Okay..." Tatango-tango pa ito at lihim na sinipat ang magandang kurbada ni Gail. Hindi niya mapigil ang mapahanga dito. Halos hindi kasi niya napansin ang ganda nito kanina. Pero nang mapagmasdan niya ang napaka-inosenteng ganda nito ay halos hindi na niya maialis ang tingin dito. Dagdag pa ang magandang katawan nitong nagtatago sa uniform ng mga maids nila. "Oh wait, Gail!" Pigil pa niya dito na palabas na sana ng kwarto niya. Agad din naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga. "For how long have you been working here?" 

"Mag-iisang buwan pa lang po, sir." Matamis pa siyang ngumiti. 

"Oh I see..." Tumango-tango siya. Muli ay nagpakawala siya nang matamis na ngiti. "How young are you?" 

"21 po, sir." 

"Hmm...magka-edad lang pala tayo." 

"Ah..." Hindi rin naman niya malaman ang isasagot. Ni hindi nga niya magawang makipagtitigan sa mapupungay nitong mga mata. 

"That's all it." Pagtatapos pa nito. "Thanks for bringing my food. It looks good." Sinulyapan pa niya ang pagkaing nasa side table lang. 

"Sige po, sir..." Isang tipid na ngiti ang kanyang pinawalan bago marahang isinara ang pinto. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang naglalakad papalayo sa kwarto nito. Talaga namang ang gwapo ng kanyang amo. Pero hindi naman na siya hihigit sa paghanga. Naging napakatapat ng kanyang nobyo at wala siyang balak na palitan ito sa puso niya kahit na nga minsan ay hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya.

HEAVEN WILL ONLY KNOWМесто, где живут истории. Откройте их для себя