Chapter 4

25.5K 540 17
                                    

CHAPTER 4

Halos dalawang linggo rin ang nakaraan at hindi man lamang nagtagpo ng landas sina Gail at Yi Jeong. Sa panahon kasi na iyon ay abalang-abala si Yi Jeong sa pagbabalik eskwela niya. At ngayon nga ay sa isang sikat ding kolehiyo siya magpapatuloy nang pag-aaral. 

"Gail..." Si Yi Jeong na inabala pa ang malalim na pag-iisip ng babae. 

Agad namang napalingon si Gail sa lalaki. Miss na miss yata niya ito. 

"Sir, kamusta na?" 

"I'm okay, medyo busy lang lately sa school.  What about you?" Balik tanong pa nito. 

"Busy po sa pagta-trabaho dito." Halos kumabog na naman ang kanyang dibdib sa kaba. Hindi niya lubos maunawaan ang sarili kung bakit ang dali para sa kanya kalimutan si Dino at mukhang nabaling ang feelings niya sa amo. 

"Aren't you planning to go back to school?" 

"Wala pong pera e..." Kibit balikat pa siya. "Nakailang sem lang din po ako noon pero tumigil din po." 

"Why don't you apply for scholarship?"  

"Sinubukan ko na po 'yon kaso kailangan ko pa din ng pera pambili-bili ng gamit at 'yon po ang wala kami." 

"I can help you." Matamis pa itong ngumiti. 

"Hindi na po, sir.  Salamat na lang po." 

"'Wag ka na tumanggi. I'll talk to my parents." 

"P-pero?" Hindi na niya naituloy ang sanay sasabihin dahil agad na tinakpan nito ng daliri ang kanyang labi. 

Natulala naman si Yi Jeong sa pagkakahipo niya sa labi ni Gail. Wala pa sa loob na napatingin dito sabay bawi din agad. 

"I'll get you updated once I talk to my parents okay?" Pilit pa siyang nagpaka-kaswal. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sa dami ng babaeng hinalikan niya, si Gail lang ang hindi mawala sa isip niya. 

"Nakakahiya po yata." Alanganin yata siya.  

"Gail..." Mapang-akit pa itong humarap sa nagulat namang babae. "Nahihiya ka ba or you're afraid na makasama ako sa school 'coz there might be a chance na ma-inlove ka sa akin?" 

"Ha?!" Tuloy bawi naman nang tingin si Gail. "Okay lang po kayo, sir? Mukhang kulang kayo sa kain..." Kuntodo pagtatakip naman niya sa sarili. 

"Are you falling in love with me?" 

"Hindi po ata, sir. Impossible!" Iwas pa niya sa tingin nito. "Sige na po, ang dami ko pang gagawin." 

"You can't fall in love with me, Gail.  You know I am not a one woman man?" 

"Alam ko po yun, sir." Mapait pa siyang ngumiti dito. Alam niyang kapag umibig siya dito ay para lang din siyang kumuha ng batong ipupukpok niya sa kanyang ulo. "Sige na po, sir..."  

"Sige, Gail..." Malungkot pa niyang sinundan nang tingin si Gail. He can't be falling in love with Gail. Never na siyang mai-inlove pa ulit. Hinding-hindi na.

At tulad nga nang ipinangako ni Yi Jeong kay Gail, nagawa nitong ipasok ang babae sa kolehiyong pinapasukan niya. Ganoon na lang din ang tuwa ni Gail dahil suportado siya ng mga magulang nito ultimo sa allowance. Basta lang daw mapanatili niya ang pagiging scholar ay wala nang iintindihin pa si Gail sa kahit na anong gastusin sa school. 

"Bakit kasi hija, hindi ka pa noon nagsabi?" Ang senora. "Kung sinabi mo lang na gustong gusto mo talaga ituloy pa ang pag-aaral mo, sana ay magkasing antas na kayo ng anak ko." 

"Nakakahiya din naman po, senora." Hindi niya alam kung paano pa magreact. 

"Alam mo, Gail...para na ding pamilya ang turing namin sa inyong mag-ina." Panandali pa itong napahinto sa pagsasalita sabay inom sa malamig na orange juice. "Kaya walang problema sa amin kung noon pa lang nagsabi ka na." 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now