Chapter 11

22.1K 426 8
                                    

CHAPTER 11 

Wala pang isang oras ay nakarating rin sila sa mansion. Naabutan nilang nanonood ng telebisyon ang mga magulang ni Yi Jeong sa sala kasama ang ina ni Gail. 

"Where's Claire?" Taka pang tanong ng Senora sa anak. 

"We left her there." Malungkot pa niyang sagot. Hindi mawala sa isip niya ang hitsura ni Claire nang iwan nila ito kanina. 

"What happened?" Kunot-noo pa ito. 

"She's miserable, ma.  She hurt Gail." Maikling kuwento pa niya. 

"What?" Gulantang ito sa ibinalita ng anak at sabay sabay pang napalapit sa kinakalagyan ni Gail. 

Agad ding lumapit ang alalang-alalang ina ni Gail sa anak. 

"Anak, okay ka lang ba?" Hinawakan pa nito ang mukha ng kanyang anak. 

"Okay lang ako, 'nay. 'Wag na po kayong mag-alala." Mapait pa siyang ngumiti. Ayaw rin naman niyang mag-alala ito nang husto. 

"What happened to Claire?" Ang Senor na hindi rin maiwasan ang magtaka. 

"She want us together, papa." Matipid namang sagot lang ni Yi Jeong na bahagya pang sumulyap sa nakayuko lang na fiancee niya. 

"She's out of her mind!" Iiling-iling pa ang kanyang Papa. "I'll send back the private plane. She needs help. Something might happen to her."  Dumial pa ito sa telepono at kinontak ang pilotong naghatid sa kanila. 

"Sige na, magpahinga na kayo." Ang Senora na sumenyas pa sa mga katulong na magdala ng mga gamit ng anak. "Gail, magpahinga ka na muna ha. Kapag may nararamdaman kang hindi maganda, tell us okay?" 

"Opo, Senora." Sagot naman ni Gail. 

"Mama.." Pagko-korek pa niya dito. 

Matamis namang ngumiti si Gail sa sinabing iyon ng Senora. Wala talaga siyang masabi sa kabaitan ng mga ito. 

Bago pa man pumasok ng kwarto si Gail ay mahigpit pa siyang niyakap ng pinakamamahal niyang lalaki. 

"Sorry talaga ha, nasaktan ka ng dahil sa akin." Muli ay pinagmasdan pa niya ang gasgas nito sa pisngi na bahagyang naitago ng make-up. 

"Ano ka ba, 'wag mo na akong alalahanin. Okay lang ako." Tinapik pa niya ito sa pisngi at mabilis na  dumukwang para halikan ito sa pisngi. "Magpahinga ka na din ha." 

Tumango na lang siya bilang sagot at isang matamis na halik ang ipinabaon niya dito bago tuluyang tapusin ang kanilang napakahabang araw. 

Kinabukasan ay pare-parehas silang nagulantang sa balita. Naisugod sa hospital si Claire dahil sa pag-overdose ng sleeping pills. 

"She's insane!" Halos sumabog ang ulo ni Yi Jeong nang makarating sa kanya ang balita. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng dating nobya. 

"Kailangan mo siguro siyang puntahan." Suhestiyon pa ni Gail sa tila naguguluhang lalaki. 

"I can't believe this is happening..." Tutop pa nito ang noo. 

Hindi na lang kumibo si Gail sa nakikitang pag-aalala ng lalaki sa dati nitong nobya. Agad na sumagi sa kanyang isip kung papaano naging miserable ang lalaki sa pag-iwan ni Claire dito. At ngayon ay si Claire ang miserable dahil dito. 

"Can you come with me, love?" Malungkot pa nitong tanong. 

Tumango lang siya bilang sagot. Alam niyang nakakaramdam ito ng guilt sa pangyayaring iyon kay Claire. At maging siya ay ganoon din ang nararamdaman. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon