Chapter 9

21.6K 443 5
                                    

CHAPTER 9 

At tulad nga ng sabi ni Yi Jeong ay pumunta ito sa America at doon naman nagpatuloy nang pag-aaral. Gulilat man ang magulang sa desisyon nitong magpunta sa America ay hindi na rin ito kinontra pa. Alam nilang may magandang plano na ang anak nito sa buhay. At si Gail ang isang taong higit nilang pinapasalamatan sa mga pangyayaring iyon sa buhay ng kanilang anak. 

Nakalipas ang dalawang taon nang halos wala man lamang na tawag o kahit ano pa mang paramdam na natatanggap si Gail mula kay Yi Jeong. Hindi na nga lang siya nagsasabi sa ina dahil ayaw niyang maawa ito sa kanya. Pero ang dalawang taong ipinaghintay niya ay hindi niya alam ang kahahantungan. Hindi man niya aminin sa sarili ay patuloy pa rin siyang umaasa na babalikan nga siya ng lalaki. 

Kasalukuyan siyang nagtuturo ngayon sa pre-school kids. May kung ilang buwan pa lang din siya nagsisimula pero talagang nae-enjoy na niya ang pagtuturo kahit na nga super kukulit ng mga estudyante niya. 

"Um...hello, excuse me. I am looking for Ms. Gail..." Ngiting-ngiti pang tanong ng isang lalaki sa isang bata. 

"Do you came from the United States of America?" Tanong pa ng bibong batang lalaki. 

"Y-yes..." Taka pa ito. 

"Do you go there to study?" Tanong pa ng isang batang babae. 

"Yes..." Hindi ata siya makapaniwala sa mga naririnig. "How did you know?" 

"Have you left someone here?" Tanong naman ng isa pa ulit bata. 

"Y-yes..." Tatango-tango pa niyang iginala ang tingin sa mga bata. 

"So, you must be our teacher's boyfriend!" 

Sigawan ang tila excited na mga bata. Lalong nagulat si Yi Jeong. Hindi siya nagkamali. Hinintay pa rin ni Gail ang pagdating niya. 

"Our teacher has gone home just now. She's not feeling well." Sagot pa ng isang bata. 

"Oh, okay..." Isa-isa pa niyang nilapitan ang mga bata at siya naman ang nagtatanong dito bago tuluyang umalis. Kataon kasi na wala pa ang sub teacher kaya't nakapagkwentuhan pa sila ng mga bata. Kaya naman pag-alis niya doon ay halos di matanggal tanggal ang ngiti niya sa labi. 

Samantala, sa bahay ay walang kaide-ideya si Gail na dumating na pala si Yi Jeong. Kaya't ganoon na lang ang gulat niya nang makitang may malalaking maleta sa may sala.  

"Gail!" Ngiting-ngiti pang tawag sa kanya ng Senora. 

Mabilis din naman siyang lumapit dito. 

"I would like you to meet someone." Halos pabulong pa nitong sabi. Pagkunwa'y iniharap siya sa isang pagkaganda-gandang babae. Maputing maputi ito at talaga namang mukhang mayaman. Napaka-amo din ng mukha nito at talaga namang napaka-sexy din. "Gail, this is Claire. Claire, this is Gail..." Pagpapakilala pa nito sa dalawa. 

Halos parang bomba namang sumabog sa kanyang tainga nang marinig ang pangalan nito. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon mismo ang babaeng kinukuwento sa kanya ng Senora. Ang ex ni Yi Jeong! 

"Hello there, Gail." Inilahad pa nito ang kamay. "It was so nice meeting you." 

"N-nice to meet you too." Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maging reaksyon. 

"I am with Yi Jeong. Haven't you seen him?" Ngiting-ngiti pa nitong tanong. 

Hindi siya makapaniwalang kasama ni Yi Jeong ang ex nito. 

"N-no." Umiling siya at tila kinukurot ang puso niya hindi pa man.

"He was so excited to go home. We even forgot some of our belongings in New York." Maikling kuwento pa nito. 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now