Chapter 3

21.5K 560 13
                                    

CHAPTER 3

Kinabukasan nga ay sinorpresa ni Yi Jeong si Gail sa mga plano niya. At unang stop nila, sa mall. 

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong pa ni Gail. 

"Like I said, stop asking okay?" Wala pa sa loob niyang hinawakan ang kamay ni Gail papunta sa ladies section. 

At wala na ngang nagawa si Gail kung 'di sundin ang kagustuhan ng amo. Ito pa mismo ang namili ng mga damit para sa kanya. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang mga iyon. Sobrang sexy at classy ang mga damit. Bagay na never pa niyang nasubukang isuot sa talang buhay niya. 

"Hindi ko po yata kayang isuot 'to..." Iiling-iling pa niyang ibinabalik dito ang ilang piraso ng damit. 

"Stop being so stubborn, Gail. Just fit it." Tinanggihan pa niyang tanggapin ulit ang damit at sa halip ay pinilit niya itong pumasok sa fitting room. "Fit it!" Pautos pang sabi nito sabay sarado ng pinto. 

Walang naging choice si Gail kung 'di ang sumunod. Alanganin man ay isa-isa niyang isinukat iyon at ipinakita kay Yi Jeong. Nang makapamili ay sa isang sikat na salon naman sila nagpunta. Si Yi Jeong din ang nag-instruct sa stylist ng tamang ayos kay Gail. Halos dalawang oras din ang ginugol sa pag-aayos dito. Nang makatapos ay ipinasuot na din ang dress na pinili mismo ni Yi Jeong. At nang lumabas si Gail suot ang damit ay gan'un na lang ang pagka-mangha ng lahat. Napakaganda pala nito kapag ganoong naayusan. Parang artista at sadyang napaka-kinis din ng balat. Hindi tuloy naiwasan ni Yi Jeong ang humanga dahil mas lalo pang lumabas ang ganda nito sa suot na cocktail dress. Kulay itim iyon na lalong nagpatingkad nang kaputian ni Gail. 

"You look very beautiful..." Nakangiting sabi pa niya sa namumulang babae. 

"T-thanks..." Hindi naman niya matagalan ang titig na iyon. "Saan ba tayo pupunta?" 

"Come..." Ginagap pa nito ang nanlalamig na kamay ng babae. "It's time for a party." 

"Party?" Taka pa siyang napasunod na lang sa lalaki. Hindi pa rin niya alam kung ano bang plano mayroon ito.

At ganoon na lang ang gulat ni Gail nang dalhin siya ng lalaki sa Cool Party Bar and Resto kung saan madalas na tumatambay ang nobyo. 

"Anong ginagawa natin dito?" Alanganin pa siya at hindi niya kakayanin na makita pa si Dino. Masyado nang masakit ang naiparamdam nito sa kanya. 

"Relax.  Akong bahala sa'yo." Kinindatan pa niya ito sabay hawak ulit sa kamay nito. 

Kabado man ay napasunod na lang siya sa kagustuhan ng lalaki. Parang tinatambol ang puso niya sa kaba.  

Maraming tao sa loob. Halos hindi pa nga niya makita ang mga mukha nito sa dilim. Pero habang tumatagal ay tila nakapag-adjust na rin ang kanyang mga mata at unti-unti'y naaaninag na niya ang mukha ng mga nasasalubong. Hindi man niya gustong hanapin ay agad niyang nakita ang lalaking nanakit sa kanya. At tulad nang inaasahan ay may kaakbay pa itong babae. 

"That was him, right?" Tila napansin din ni Yi Jeong ang tinitingnan ng babae. 

"Ano po bang ginagawa natin dito?" 

"Stop inserting 'po' puwede?" Pabulong pang sabi nito. Ilang saglit pa ay nagliwanag na ang buong paligid. Panandaliang huminto ang musika.  

Hindi nagtagal ay nagsalita ang host. 

"We were very sorry for the interruptions. But the famous son of a very wealthy tycoon in the country has a very important announcement to make. Please take the center stage sir Yi Jeong." Ang laki nang ngiti nung babaeng host at hindi maikakailang super kinikilig sa kagwapuhan ng lalaki.  

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now