Chapter 7

18.7K 476 10
                                    

CHAPTER 7 

Lumipas ang mga araw na nagagawa niyang hindi magpakita kay Yi Jeong. Sa totoo lang napakahirap din para sa kanya na gawin iyon. Kaya lang ay wala siyang choice. Matapos ang isang gabing kahibangan niya, wala na rin naman siyang mukha pang maihaharap. Sa pakiwari niya'y ginawa lang niya katawa-tawa ang sarili. 

"Jandi!" Tawag pa niya sa kaibigan na noo'y papunta sana sa tambayan nila. 

"Uy Gail!" Matamis na matamis pa ang pagkakangiti nito. Simula kasi nang magwalk-out siya sa pre-pageant, medyo iniwasan muna niya ang kaibigan upang makapag-isip isip ito. 

"Hello, I missed you..." Mahigpit pa niya itong niyakap. 

"I missed you too, friend." Ginantihan naman din niya ang yakap na iyon. "So, kamusta na?" Makahulugan pang tanong nito. 

"I'm okay!" Pinilit pa niyang pasayahin ang tono.

"Are you sure?" Duda pa itong tumitig sa kaibigan.

"Yes I am." Ngiting-ngiti pa ring sagot niya. "Nagising na ako sa katotohanan.  Kung talagang para kami, kami talaga hanggang sa huli. Pero sinurrender ko na lahat ng hopes ko. I am back to old me." Mapait pa siyang ngumiti. 

"What if magkrus ulit landas n'yo?" 

"Wala lang," Kibit balikat pa siya. "Basta sa ngayon, hindi ko na ipipilit sarili ko." 

"Kahit papunta siya ngayon dito at lapitan ka pa?" 

"Kahit pa!" Siguradong sagot pa niya. 

"Then here he comes..." Halos pabulong na sabi pa niya dito. Ni hindi napigilang matawa nang makitang namula pa ang kaibigan. 

Hindi naman malaman ni Gail kung papaano ba mag-react. Tamang nakaplano na ang lahat sa kanya. Pero kapag pala actual na, iba pa rin ang kaba niya. Pinilit pa rin niya ang magpaka-kaswal kahit na panay na naman ang kabog ng kanyang dibdib. 

"Gail..." Mahinang tawag pa sa kanya ni Yi Jeong na noo'y nasa likuran na pala niya. 

Nagkunwari siyang walang narinig at sa halip ay hinaltak ang kaibigan palayo. 

"Wait! Please..." Habol pa ni Yi Jeong. 

Hindi na ginawa pang lumingon ni Gail. Pinanindigan na niya na wala siyang nakita at narinig.  

"'Yan ba talaga ang plan mo?" Paniniguro pa ni Jandi habang naglalakad sila patungo sa kung saan. 

"Wala na din akong maisip na iba pang paraan e. Mahal ko siya, Jandi."  Pinaglabanan niya ang maging emosyonal.

"Hanggang kailan mo kakayanin 'yan?" 

"Ewan ko," Napabuntong-hininga pa siya. "'Wag mo na akong intindihin okay? Kaya ko 'to." Pinisil pa niya ang pisngi ng kaibigan. 

Humugot lang din ng isang malalim na buntong hininga si Jandi at tumingin sa kawalan. 

"Alam mo, Gail...mahal na mahal ka ni Jake. Sayang at 'di mo siya natutunang mahalin." Siya rin ang saksi sa matiyagang panliligaw ni Jake dito.  

"I know." Mapait pa siyang ngumiti. "Pero hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko." 

"Kung sabagay, mahirap turuan ang puso kung minsan. Kahit na parang nagpapakatanga ka na lang 'no?" Nakangiting patama pa niya dito. 

"Heh!" Irap pa niya dito. "Tanga na kung tanga 'no?  Mabait naman si Yi Jeong. 'Di pa lang niya natatagpuan ang babaeng mamahalin n'ya." 

"So, your saying na may chances pa 'ding hindi ka tumigil sa kalokohan mo?" 

HEAVEN WILL ONLY KNOWWhere stories live. Discover now