II

1.8K 49 0
                                    

—Felix—

Present day...

Habang nakatayo ako sa labas ng café ay hindi ko naiwasang magmuni-muni.

Katulad ng mabilis na pagdating ni Kino ay ganoon din kabilis siyang umalis. Ang buong akala ko ay nagbalik siya para sa akin. Ngunit ako lang pala ang nag-isip niyon.

He only came back to close a chapter in his life because there was an untold part of it he had to tell. Hindi sa akin kundi para kina Rei at Choi.

Hindi pala ako nag dahilan ng kanyang pagbabalik. Asumero lang talaga ako.

Pero ganoon nga yata siguro talaga kapag umaasa na sana maging kami uli.

Subalit malabo at malayong mangyari na ang bagay na iyon.

Nagbalik lamang pala siya para maging tulay sa tuluyang pagbabalikan nina Rei at Choi. At nangyari naman iyon. Nagbalik lamang pala siya para pormal ng magpaalam sa akin. Handa na kasi siyang simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay—buhay na kasama ang bago niyang pamilya.

Gustuhin ko man siyang pigilan ay ayaw kong maging maramot at makasarili. Wala na siyang nararamdaman para sa akin. Bagkus ay mahal na niya ang babaeng pinakasalan niya at ang kanilang anak.

Ayaw ko namang makasira ng isang bagong pamilya.

Kaya kahit masakit ay tinanggap ko na ang katotohanan.

Kusang napahawak ako sa aking dibdib. I was trying to assess my feelings. Kung naroroon pa ba ang sakit at lungkot dahil sa kanyang pag-alis.

Ngunit hindi ko na maramdaman ang lungkot na mayroon dati doon.

Kung sabagay, I thought, matagal na din mula ng umalis siya at sa tingin ko ay naka-move on na ako.

Humigit ako ng malalim na hininga.

I felt... relieved.

Kasalukuyang nasa loob na ng café ang buong tropa—sina Bullet, Uno, Rei, Choi, Calix at Flame—kung saan napili naming mag-hangout habang ako ay naririto pa sa labas. Nagpagkasunduan naming mag-celebrate dahil tapos na ang finals week at handa na kami para sa bakasyon.

Hinihintay ko si Kisha. Siya ang aking girlfriend... or that's what at least my friends and my twin brother thought.

Baka si Kisha ang dahilan kaya naka-move on na ako?

Napailing naman agad ako.

Hindi naman kasi totoo ang relasyon namin. Palabas lamang ni Kisha iyon para pagselosin at gantihan ang aking kakambal. Calix dated her as he faked his identity by used mine to get close to her.

Certified playboy ang aking kakambal pero nang makilala niya si Kisha ay sinikap nitong magbago. Ang kaso ay lapitin pa din ito ng tukso. Bukod pa doon ay ginantihan ito ng mga ex-girlfriend nito at sinet-up siya kaya nasira ang relasyon nila ni Kisha.

Maybe it's a lesson that hit him hard or other would say it's his karma for breaking hearts.

Kinakuntsaba ako ni Kisha para makaganti din kay Calix. Alangan ako noong una ngunit napapayag din niya ako pagkatapos niyang i-assure na wala siyang gagawin na masama para ipahamak ang kakambal ko.

How Can I Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon