XXX

537 19 0
                                    

—Felix—

"So, bro, nagustuhan mo ba ang surprise ko para sa'yo?"

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa tanong ni Calix sa akin. Tumingin ako sa kanya. He was anticipating my response, obviously.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

Tumahimik bigla. Napansin ko rin ang ibang mga matang nakatutok sa akin.

Rei, Choi, Uno and Bullet were looking at me.

Iyon ang unang pagkakataon na nakumpleto uli kaming magkakaibigan ilang linggo pagkatapos kong makabalik sa campus.

"Ano'ng ikaw lang? Tayo kaya ang naghanda n'on para kay Felix," ang sabi naman ni Flame na dumating dala-dala ang mga inumin namin na nakapatong sa tray. Isa-isa nitong ibinigay ang mga iyon.

"Kamusta na kasama mo na uli si Kino?" tanong ni Flame para ipunto ang tinutukoy ng kakambal ko.

Lalo tuloy akong na-pressure.

I was assessing the current situation if I should be honest or not.

Simple lang namang 'oo' o 'hindi' ang sagot. Ang kaso ay batid kong higit pa roon ang kahulugan sa tinatanong nila sa akin.

Pero isa ang sigurado ko, wala na akong nararamdaman ko para kay Kino.

Tila ba napakahaba ng mga segundong lumilipas. Hindi ko rin magawang sagutin ang tanong nilang iyon.

Idagdag pa ang atensyon ng lahat ng mga kaibigan kong nakatutok sa akin.

"Ah, 'yung lemonade drink ang sa akin," ang pagbasag ni Rei sa katahimikan.

"Cola sa akin," segunda naman ni Bullet.

"Nakakainip yung isang subject kanina," sabi naman ni Choi.

Tumango-tango si Uno. "Sinabi mo pa, bro. Dapat hindi ko na kinuha iyon."

Pinitik ni Bullet ang tainga ng nobyo. "H'wag kang magda-drop out d'on ha."

"Opo. Opo."

Kinausap naman ni Rei si Calix para mabaling ang atensyon ng huli sa ibang bagay.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nang makahanap ng tyempo ay binigyan ng nagpapasalamat na titig sila.

Ang akala ko ay nakalusot na ako pero hindi pa pala nang muling magsalita si Calix. "You did not like that Kino's back, right, Felix?"

Muling natahimik ang lahat.

Hinampas ni Flame ang braso ng kakambal ko. "Itatanong pa talaga. Obvious naman kaya nga hindi siya makasagot kanina."

He sighed. "I'm sorry, bro. Gusto ko lang na maging masaya ka uli."

"Calix," saway ni Flame. "Pasensya na, Felix. Nag-effort lang talaga ang kakambal mo na matulungan si Kino na makabalik dito pagkatapos niyang malaman ang panloloko n'ong babaeng akala n'ya ay nabuntis n'ya."

I sighed too and nodded. "Pasensya na din, Calix, Felix. It's not that I didn't appreciate what you did. I'm actually happy that you helped Kino to be free from from the responsibility that wasn't his in the first place...

"...It's just that..." bumuntong hininga uli ako. "When he said his goodbye to me before, my feelings went away also... Hindi ko na siya mahal kagaya ng dati."

Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan.

"Is it because of that Quijano guy?" tanong ni Calix.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko inaasahan na magiging emosyonal ako nang may taong muling nagbanggit ng pangalang iyon.

How Can I Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon