III

1.4K 36 0
                                    

—Felix—

Kagaya ng pakiusap ni Kisha ay ipinahatid ko sa aming mga kaibigan ang mensahe na pag-alis nito. Maging sila ay nagulat kagaya ko. Samantalang si Calix ay tahimik lamang.

Maybe it's my instinct as his twin brother that I knew somehow that he's hurting inside. Kahit pa poker face ito.

Inamin ko na din sa kanila na hindi talaga kami ni Kisha. Mukha namang hindi na sila nagulat.

Alam kaya nilang nagpanggap lang kami?

Anyway, the rest of the night was fun.

Sanay na akong makitang sweet ang mga magkakasintahan sa magkaka-ibang paraan.

Ang kina Uno at Bullet kasi ay parang cariño brutal. Hindi naman talaga sila nagsasakitan ng pisikal pero dahil puro kalokohan si Uno at very expressive ay animo'y laging salubong ang kilay ni Bullet para itago ang pagkakilig. Kita sa mga mata ni Bullet gustung-gusto nito ang sinusuyo.

Sina Choi at Rei naman ay sweet na sweet sa isa't-isa na marahil ay pinupunan ang mga panahon kung saan matagal na hindi sila nagkasama bilang magkasintahan. Masaya ako na nagbalik na ang alaala ni Choi, hindi man lahat pero malaking parte niyon ay naaalaala na niya. Hindi man lubusang naaalaala ng isip niya pero hindi nakalimot ang kanyang puso sa pagmamahal kay Rei.

Sa isang banda naman, bukod sa pagiging tahimik ay dumadaldal din si Calix. Iyon ay kapag nangungulit si Flame. May pagka-overprotective ang kakambal ko sa bagong miyembro ng grupo.

Hindi pa ako ganoon kasanay sa presensya ng bagong kasama namin pero masasabi ko namang mabait ito.

Dahil sa kalungkutan ko noon—ah, mas tamang sabihin na sa kalagitnaan ng pagmu-move on ko—mula sa mga pangyayari ay hindi ko na nabigyan masyado ng pansin ang pagpasok ni Flame sa buhay ng aking kakambal.

Isa pa ay naging abala din kasi ako nitong huling semester sa pag-aaral para makahabol ang grado ko.

On the other hand, minsan naman ay si Flame ang overprotective kay Calix. Para bang may pinanghahawakan siya sa aking kapatid at napapasunod niya ito. Kung anuman iyon ay hindi ko alam. Mukha namang harmless siya para dito.

At saka mabuti na din iyon dahil wala na akong nababalitaang mga babaeng bigla na lamang pupunta sa Nam College at iiyak sa akin dahil napapagkamalang ako si Calix.

Sa madaling sabi ay ako lamang ang walang kapareha sa grupo.

Subalit isinantabi ko na iyon.

Ayaw ko ng umasa muna.

Okay na ako na mag-isa.

"'Nga pala, guys, saan kayo magbabakasyon?" pagkakuwan ay tanong ni Choi na halatang excited para sa nalalapit na summer vacation.

Nagkatinginan kaming lahat.

Uno nudged Bullet and the latter said, "s-sa US... Kina Uno ako magbabakasyon."

His cheeks blushed.

"Nice, may pamamanhikang mangyayari," pumalakpak si Uno kaya nakatikim ito ng mahinang hampas sa ulo mula sa nobyo. "Aray naman, labs!"

"Tse! Sabi mo kasi gusto kasi akong makilala ng family mo... At saka..." bigla itong nalungkot.

Nakatingin kaming lahat sa magkasintahan.

Napakamot sa ulo si Uno. "Well..." tumikhim ito. "I accidentally outed Bullet to his parents when he visited them. Nagpilit kasi ako na sumama... Kaya hayun hindi siya makauwi sa kanila. They don't accept our relationship."

How Can I Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon