XXV

639 21 0
                                    

—Quijano—

[Flashback]

Nakasandal ako sa pader at kasalukuyang nagbabawi ng hininga at lakas matapos makipag-pambuno kay kuya Yuri. Nakasalampak ito sa sahig at walang malay.

Hindi pa rin ako makapaniwala na tinangka talaga akong patayin ng kapatid ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ipagtanggol ang aking sarili at labanan siya.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para kalabanin siya. Ang tanging nasa isip ko lamang ay mailigtas ang aking sarili. Lalo pa noong marinig kong may inutusan siya sa cellphone na hanapin si Felix at saktan.

"Felix!"

Napalingon ako sa may pintuan ng lugar na iyon. Nakita ko si dad Azuko na papalapit sa akin kasama ang mga tauhan niya at may pulis din.

Nilapitan ako ni dad Azuko. "Ayos ka lang ba?"

"I'm sorry, d-dad. Wala akong magawa kundi labanan si kuya. Gusto niya akong saktan. I'm sorry."

Hinawakan niya ako sa pisngi. "Naiintindihan ko," tumango siya. "Patawarin mo din ako."

Magkasabay kaming napalingon nang damputin ng mga pulis si kuya Yuri na nagkakaroon na din ng ulirat.

Nanlilisik ang mga mata nito nang makita kami. "Puta! Ako ang anak mo, Pa! Ako! Hindi ang bastardong iyan! Bakit mo ako pinapahuli?! Bitiwan ninyo ako! Bitiwan n'yo ako!!!"

"Yuri, anak..." tinangka ni dad Azuko ang lumapit.

"Ako ang anak mo! Pati ba naman ikaw? Si mama kinalimutan n'ya ako! Anak n'yo ako pero bakit 'yang lalaking iyan ang pinagtutuunan n'yo ng pansin?! Kailangan ko ng pera! Kailangan ko ng maraming pera at mawala ka sa landas ko, Quijano!"

Dinala na ito ng mga pulis palabas ng lugar na iyon sa kabila ng pagwawala nito. Nagsisigaw ito na parang wala sa sarili.

Dinala ako sa pinakamalapit na ospital para ipagamot ang mga sugat na natamo ko. Hindi ko namalayan na nawalan pala ako ng malay. Nang magising ako ay naroroon na din si dad Azuko.

"Dad, si kuya..." ang naghihina kong sabi.

Hinawakan niya ang balikat ko. "Ang totoo ay hindi ko alam. May kasalanan siya sa batas pero kailangan din niyang magpagamot. He needs to be cured from his addiction."

Muli akong nakaramdam ng pagkahilo.

Naalimpungatan ako nang mapanaginipan ko ang sinabi ni kuya Yuri. Sasaktan saw niya si Felix.

Wala akong nadatnan sa aking silid sa ospital na pinag-confine-an sa akin.

Bumangon ako at tinanggal ang suwerong nakakabit sa akin. Hinanap ko ang mga damit ko sa cabinet sa silid. At nang makita ko ay nagbihis kaagad ako.

How Can I Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon