XVI

776 24 1
                                    

—Felix—

Naghahabol pa rin ako ng hininga dahil sa totoo lamang ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng aking puso. My lips locked on Quijano's lips.

Hinalikan niya ako!

At natagpuan ko ang sarili kong tumutugon sa mga halik niyang iyon.

Damang-dama ko ang init at lambot ng kanyang mga labi. It wasn't just a kiss because I felt the sincerity as it happened.

Tila ba nalunod ako sa isang nakakabaliw na sensasyong noon ko lamang naramdaman.

And it damn felt so good! Gustuhin ko mang itanggi ngunit hindi ko magawa. Hindi ko alam kung papaano natapos ang halik na iyon—kung sino ang unang bumitaw. Ngunit kapwa kami kinakapos ng hininga pagkatapos.

Damang-dama ko ang pag-iinit ng aking mukha. Kitang-kita ko naman ang sinseridad sa kanyang mga mata.

Ipinilig ko ang mga mata ko para itaboy ang alaala ng nangyari kanina dahil nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Saglit akong napahinto sa paglalakad para maghabol ng hininga. Sinulyapan ko si Quijano na nahuhuli sa paglalakad dahil sa sugat niya sa paa. Ibinalik ko ang mga mata ko sa unahan at humakbang para maglakad.

"Felix, saglit! Hintayin mo ako," he said as I started to continue walking.

Napahinto tuloy ako. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para kalmahin ang aking sarili.

Kasalukuyan kaming naglalakad pababa ng bundok. Hindi ko lamang alam kung tama ba ang tinatahak naming direksyon. We're just following the trail.

"Felix!"

Hindi naman ako masamang tao at binabagabag na ako ng konsiyensya ko dahil alam kong nahihirapan siya sa paglalakad mag-isa. Idagdag pa doon na dala niya ang backpack ko.

I sighed heavily to calm down and organize my thoughts. Tumalikod ako paharap sa direksyon ni Quijano at pinuntahan siya.

"Bakit naman ang bilis mong maglakad? Alam mo namang hindi ako makalakad ng maayos—"

Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at hinawakan ang kanyang kanang braso para isampay sa aking balikat. Inalalayan ko siyang makapag-lakad.

He seemed surprised as I was. Pero hindi ako nasorpresa sa ikinilos ko kagaya niya kung hindi dahil sa pamilyar ngunit kakaibang sensasyong nararamdaman ko sa tuwing magkadikit ang aming mga katawan.

Nagsisimula na namang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Subalit kaagad kong kinalma ang aking sarili.

Think clear, Felix, ang sabi ko sa aking sarili. Hindi ito ang panahon para ganitong bagay.

I guided him as we walked.

Mukha naman siyang natauhan at nagbawi ng tingin sa akin. He cleared his throat.

"S-salamat," ang sabi niya pagkakuwan.

Umiling ako.

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo..." sinikap kong huwag siyang sulyapan para hindi na naman magulo ang aking isip. "...for taking care of me last night."

Ramdam ko ang bigat niya habang inaalalayan ko siya. Medyo mahirap pero kinakaya ko para makabawi man lang ako sa pag-aalaga niya sa akin.

"A-and I'm sorry for pushing you out of the bed earlier," ang mahina kong pahayag. "I was just... caught off guard... Especially that we're both... naked."

I felt my cheeks warmed as my ears did. Lalo pa at sumagi na naman sa aking isip ang nakita ko kanina noong magising ako bukod pa sa ideyang nagpalipas kami ng gabi na magkatabi at walang suot na kahit ano.

How Can I Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon