Chapter 16: Back to Normal
HAILEY
• • •
All things happen for a reason.
'Yan ang natutunan ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Nagkagulo-gulo man, sa huli tama pa rin ang nanaig. Talagang blessing in disguise ang nangyaring terrorist attack sa White Division, dahil sa pamamagitan no'n ay napatunayan namin sa lahat ng tao dito sa Voidezzare na hindi kami ang kalaban.
Naipakita namin sa lahat na kami ay may iba't ibang ipinaglalaban at gustong tumulong para makamit ng lahat ang pantay-pantay na trato at karapatan.
Sa ngayon ay hindi na kami mailap sa batas dahil tinanggal na ni Mayor Suarez ang kaso namin, babalik na kami sa pagiging normal, pero hindi pa rin tapos ang laban. Dahil si Mayor Suarez mismo ang susunod naming target.
Alam naming napilitan lang siya sa pagtanggal ng kaso namin dahil maraming tao ang nakapagpatunay at pumanig samin, alam niyang hindi siya sasang-ayunan ng mga tao kapag nalaman nilang ipapakulong niya kami. Thanks for the people who appreciated our deeds kaya wala siyang choice kundi ang palayain kami, at ang pagkakataong ibinigay niya samin ngayon ang magpapabagsak sa kanya at sa kanyang mga tauhan, pagsisisihan niyang pinalaya niya pa kami dahil ilalabas namin ang lahat ng baho niya.
"Kamusta ka na?" wika ko kay Skull na ngayon ay pinilit bumangon mula sa pagkakahiga, limang araw na siyang naka-confine dito sa ospital at alam kong gustong-gusto niya nang makalabas. Marami nang nangyari nung mga araw na wala siya sa headquarters.
"Yieehhh! Sobra ka namang mag-alala Hailey!" pang aasar ni Ash dahil sa sinabi ko kaya naman nagsitawanan ang lahat. Ngayon kasi ang paglabas ni Skull dito sa ospital kaya nandito kaming lahat para sunduin siya.
LUH? Tinanong ko lang kung kamusta yung tao? Big deal agad? Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong mga 'to baka kanina ko pa sila nasapok.
"Ayos na ako, huwag kanang mag-alala sa 'kin. Ito na nga oh, makakalabas na ako." wika ni Skull habang nakapinta sa mukha niya ang isang ngiti, ang pogi naman talaga ng minahal ko, parang mahihirapan yata akong magbantay dito sa ibang mga babae. Lalo na ngayon at kami ang tinitingnang bayani sa buong lungsod, tiyak na maraming mga babae na ang makakakilala sa kanya.
"Futuristic ka na naman masyado Hailey," wika ni Caleb kaya natauhan ako sa mga iniisip ko.
Bakit ba lagi kong nakakalimutan na may kakayahan siyang makarinig ng mga iniisip namin? Nagtaka silang lahat kung bakit nasabi 'yon ni Caleb.
"Ahaha! Ibig sabihin ni Caleb ano-" napakapa ako ng idadahilan.
"Kasi 'di ba hindi na tayo wanted ngayon? So pwede na tayong magsimula nang bagong buhay, alam niyo 'yon 'yung hindi na tayo magtatago sa mga tao." wika ko para ibahin ang usapan, agad naman silang kumagat sa palusot ko.
"Pero 'di ba hindi pa tapos ang misyon natin?" tanong ni Kira habang seryosong nakatingin kay Skull. I think she's confirming it.
"Yes, may misyon pa tayong natitira. But I have to agree with Hailey, actually isa rin yun sa mga naisip kong tactics para akalain ng mga natitira nating kalaban na tapos na ang misyon natin, pero ang hindi nila alam ay palihim tayong kikilos para pabagsakin sila. Let us live normal again" sagot ni Skull sa tanong ni Kira at para maliwanagan ang lahat.
"Pero hindi ibig sabihin no'n ay ligtas na tayong lahat dahil paniguradong marami pang mga natitirang kalaban na gusto tayong iligpit para hindi makahadlang sa mga masasamang plano nila." wika naman ni Wyatt.
"You're right Wyatt, we're not totally safe afterall. Kailangan parin nating mag-ingat, Pero simulan muna nating ipakita sa kanila na wala na tayong pakialam, we need to act that everything's fine within us and the whole city of Voidezzare." dagdag ni Skull.
"What if we continue our studies? Atleast sa pamamagitan no'n iisipin nila na normal nalang tayong mga kabataan." suggest ko naman sa kanila na agad nakakuha ng atensyon nilang lahat. Dahil hindi na namin kailangan magtago ngayon, pwedeng-pwede na naming ipagpatuloy ang pag-aaral namin.
"Nice idea Hailey, actually naisip ko na rin 'yan, but are you all guys willing? Tutal pare-pareho naman na tayong 3rd year college 'di ba?" tanong ni Skull na nakakuha ng pag-sang ayon mula sa iba naming mga kasama.
"Oh my god! I love it! Gustong-gusto ko nang makabalik ulit sa studies ko!" masayang wika ni Kira na tila gusto nga ang suggestion ko.
Napansin ko rin ang pag-sang ayon ng lahat sa ideya kong bumalik na kaming lahat sa pag-aaral. Kaya si Skull na ang nagpatibay ng desisyon.
"Ok, it is settled." huling sambit ni Skull at biglang bumukas ang pinto.
Iniluwa nito ang imahe ng isang doktor na may kasamang isang nurse, Mukhang ito na ang hudyat para makalabas na si Skull dito sa ospital..
• • •
Matapos makalabas ni Skull sa ospital ay inanyayahan kami ni Mayor Suarez sa Waltz Granstand para parangalan at ipaalam sa mga tao sa lungsod ang kabayanihang ginawa namin.
Isa-isa kaming tinawag para umakyat sa entablado at ipinakilala ni Mayor Suarez sa mga taong nanunuod sa amin ngayon, nakita ko si mama na nakatayo sa lugar kung saan naroroon ang mga panauhing pandangal at kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang mga labi at ang pagpalakpak ng kanyang mga kamay dahil sa parangal na natanggap namin.
Sinabitan kami ng tag-iisang medalya na nag-sisimbolo sa kagandahang loob na ipinakita namin sa paglaban sa mga terorista, Pagkatapos ay hiningan kami ng mga salitang maghihikayat sa mga iba pang kabataan na nanonood samin ngayon upang magbigay ng inspirasyon na kahit na ang isang munting kabataan na tulad nila ay may magagawa para makatulong sa kanilang bayan.
Maya-maya ay biglang nagsalita sa mga utak namin si Caleb. "Guys watch out! Nakita ni Kira na may mga nakatutok na baril satin mula sa malayo." nagulat ako sa sinabi niya pero agad kong kinalma ang sarili ko para hindi ito mahalata.
Sabi ko na nga ba, isa itong patibong para patayin kaming lahat. Mabuti nalang at may ten times clearer vision si Kira kaya nakita niya ang lokasyon ng mga taong tinututukan kami ng baril mula sa malayo, siguradong naghihintay na lang sila ng senyas mula kay Mayor Suarez para barilin kami.
"Maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat!" huling sambit ni Mayor Suarez na umalingaw-ngaw sa buong grandstand, tiyak na ito na ang hinihintay na senyas ng mga tauhan para patayin kami.
Maya-maya ay nahagip ng mga mata ko ang mga balang papunta sa bawat isa sa 'min pero sa isang iglap ay nagbago ito ng direksyon.
Isa-isang nagtumbahan ang mga tauhan ni Mayor Suarez na nandito sa entablado. Nagkagulo ang lahat at nagulahan sa mga nangyayari, nabalot ng takot ang lahat ng nga tao dito grandstand kaya kaagad nagsi-alisan ang mga ito.
We need to save ourselves kaya mabilis din kaming tumakas.
Malinis na ang mga pangalan namin sa puntong ito, pero totoong hindi pa rin kami ligtas. Tuloy pa rin ang laban namin ngayon kahit babalik na kami sa pamumuhay ng normal.
•
Votes and comments are highly appreciated!!
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...