Chapter 18: Poisoning
HAILEY
• • •
Mabilis na lumipas ang oras, pagkatapos ng subject kong Literature at Chemistry ay nagkaroon ako ng free period.
Tutal wala naman akong ginagawa ay agad akong nagtungo sa cafeteria ng school para tumambay. Agad akong naghanap ng mapupwestuhan at pinili ko 'yung section na nasa bandang dulo.
Umupo na ako at inilabas ang notes ko sa Chemistry kanina para i-review. Actually hindi ko naman kailangan pero wala akong magawa habang hinihintay kong matapos yung isang oras na break ko.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may umupo sa seat na katapat ko. Sa isang table kasi ay pwedeng ma-occupy ng apat na tao. Wala naman akong kasama at napansin ko na wala naman nang iba pang available seat bukod dito. Kaya hindi ko nalang siya pinansin.
I'm not familiar with this guy. Well, siguro naman normal lang 'yon dahil unang araw ko pa lang naman dito sa Thylomac High at wala rin naman akong balak kilalanin lahat ng tao dito.
"Hi, I'm Sylas Brioso, classmate tayo sa Chemistry," pagpapakilala niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
Classmate ko siya sa Chemistry? Oh I see. Hindi alam kung anong naisip niya para makipag-usap sa 'kin at ipakilala ang sarili niya.
But I have trust issues kaya isang tango na lamang ang isinagot ko sa kanya, medyo rude naman kasi if ever hindi ko siya pansinin.
Imbis na sumagot ay pinagmasdan ko lang ang kamay niya na nakalahad sakin. Hindi sa pagiging snob pero ayoko lang kasing basta basta magtiwala sa kung sino.
"Wait, you're Hailey right? One of the famous hero of our city." Wika niya at ibinaba niya na ang kamay niya. Nakaguhit sa mukha niya ang isang ngiting nagpapahiwatig na gusto niya pa akong makilala.
"Uhm, Thanks" matipid kong sagot sa kanya, at ibinalik ang atensyon ko sa binabasa ko.
Maya-maya ay bigla siyang tumayo, hindi ko alam kung saan siya nagpunta, nag-focus na lang ako sa pagbabasa hanggang sa bumalik siya na may bitbit na dalawang milktea, iniabot niya sa 'kin 'yung isa at agad niyang ininom yung kanya.
Tiningnan ko lang yung iniabot niyang milktea sa 'kin dahil hindi ko alam kung iinumin ko ba 'yon para lang hindi mag-mukhang snob or hindi talaga at all. Siya ang nag-offer no'n kaya nakakahiya naman kung tatanggihan ko.
"Huwag ka nang mahiya, drink it as if you have bought it for yourself." wika niya kaya agad akong napangiti sa sinabi niya.
Iinumin ko na sana 'yung milktea na offer niya sa 'kin nang bigla siyang mangisay, natumba siya sa kinauupuan niya at napahandusay sa sahig. Nakita kong bumula ang bibig nito habang tumitirik ang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari, kaya agad kong binitawan 'yung milktea na hawak ko at tumayo para puntahan siya. Pinagtinginan kami ng mga tao dito sa cafeteria dahil sa nangyari.
Sa gitna ng paghy-hysterical ko ay dumating na ang mga rescuers. Binuhat nila si Sylas at dinala sa Clinic habang ako ay naiwan sa Cafeteria. Nag-alisan din kasi 'yung ibang mga estudyante dito sa Cafeteria nung mangyari iyon kay Sylas. May mga nag-panic, 'yung iba naman naki-usyoso sa nangyari kay Sylas.
Kung hindi ako nagkakamali, nalason siya.
Pero ang tanong ay kung sinadya ba 'yon o nagkataon lang? Agad kong napansin 'yung isang clerk na lumapit para kausapin 'yung isang part timer na nasa loob ng counter.
Lumabas sila ng Cafeteria kaya agad kong binitbit yung bag ko para sundan silang dalawa. Maya-maya ay huminto sila sa isang pasilyong wala masyadong taong dumadaan.
"Bakit ibang tao ang nilason ninyo!?" mahinang wika nung lalaking clerk pero rinig ko pa rin 'yung sinabi niya, nagtago kasi ako sa likod ng isang poste malapit sa kinaroroonan nila.
Nanlaki ang mga mata ko, sila ang responsable sa pagkalason ni Sylas Brioso? Omygod! Paano nila 'yon nagawa?
Tama nga ang kutob ko, hindi lang nagkataon ang lahat. Sinabi no'ng clerk na bakit daw si Sylas ang nalason nila, ibig sabihin may iba silang taong balak na lasunin bukod sa kanya, pero ang tanong ay sino ito at bakit?
"Mahigpit na bilin ni boss na wala dapat ibang estudyanteng madadamay, Si Hailey Delgado lang ang pinapa-trabaho ko sa inyo pero iyon lang ay hindi niyo pa nagawa ng maayos!" Iritableng wika nung clerk sa isang part timer ng Cafeteria.
Tuluyan nang naging malinaw sakin ang lahat, balak nila akong lasunin nung pumunta ako ng Cafeteria, inisip nilang o-order ako ng kahit ano para maisakatuparan ang plano nila pero hindi ako um-order. Si Sylas lang ang um-order, nakita siguro nila na tumabi sa 'kin si Sylas kaya inisip nila na ang isa sa milktea na in-order niya ay para sa 'kin, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, yung milktea na may lason ang nainom ni Sylas na dapat sana ay para sa 'kin.
Napahampas ako sa noo ko dahil sa mga napagtagpi tagping kong pangyayari.
Hindi pa ein talaga kami ligtas kahit nandito kami sa loob ng school, dahil meron pa ring mga masasamang tao na gusto kaming ipapatay.
Sigurado akong tauhan sila ni Mayor Suarez, dahil sinabi nung clerk na may boss pa raw sila. Kailangan malaman 'to ni Skull at ng grupo.
Agad akong umalis sa pinagtataguan ko at nagtungo na sa susunod kong subject na I.C.T, hindi ako masyadong nakapag-focus dahil iniisip ko pa rin ang mga nangyari.
Ngayon na nalaman kong may mga banta pa rin sa buhay namin kahit nandito kami sa school ay dapat talagang labis na mag-ingat kami at hindi agad-agad magtitiwala sa kahit sino. Dahil sa dulo, wala kang magiging kasangga ku 'ndi ang sarili mo.
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang I.C.T period ko at next na ang subject na Social Studies, ang nag-iisang subject na magkakaklase kaming lahat.
Agad akong nagpunta sa 4Y-SS room at agad kong nakita silang lahat na nasa loob na ng room. Wala pa ang Prof namin kaya pwede pa kaming tumakas at mag-skip ng subject.
Sabay-sabay silang nagsitayuan at lumabas ng room ng makita nila ako, "Anong nangyari?" tanong ni Skull ng makita niya ang seryosong reaksyon ko.
"Tara guys sa Gym, I have something to tell you!" wika ko at agad kaming tumakbo papunta sa gym.
Pagbukas namin ng pinto ay agad kaming sinalubong ng katahimikan sa loob, perfect timing! walang gumagamit ng Gym kaya pwedeng-pwede kaming mag-meeting.
Agad kaming pumasok sa loob at umupo sa bleachers para mag-usap. "So what's the matter Hailey?" tanong ni Tori nang makaupo na kaming lahat sa bleachers.
"One of my classmate was poisoned that was supposed to be me. And guess who's behind it?" wika ko at agad silang napaisip sa tanong ko.
"Tskk! Hanggang dito ba naman sa school may tauhan siya?" wika ni Wyatt at napahampas sa noo niya nang mapagtanto ang sinabi ko.
"Kilala natin si Mayor Suarez, gagawin niya ang lahat para mawala tayo sa landas niya" wika naman ni Skull na binigyan kaming lahat ng seryosong tingin.
"Good thing dahil kilala ko na kung sino ang tauhan niya dito sa loob ng campus. Pwede natin siyang gamiting ebidensya laban kay Mayor Suarez" wika ko na agad nakakuha ng atensyon nilang lahat.
"Yess!, may panibago nanaman tayong misyon!" wika ni Benj na mukhang excited na sa susunod naming gagawin.
• • •
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...