Chapter 19: Chasing Evidence
HAILEY
• • •
"Guys, nando'n siya!" wika ko nang mahagip ng mga mata ko yung clerk na naglalakad papunta sa isang silid. Siya 'yung nag-utos do'n sa isang part-timer na lasunin ako kanina.
Kinuwento ko sa kanilang lahat ang nangyari, at ngayon ay kailangan naming mapagsalita 'yang clerk na'yan laban kay Mayor Suarez.
Kapansin-pansin ang kaba na nararamdaman niya dahil tumitingin-tingin siya sa kung saan. Hindi ko alam kung may tinataguan ba siya, o may humahabol sa kanya. May kinalaman kaya ang inaasal niya ngayon sa pagpalpak ng plano nilang paglason sakin?
Maya-maya ay binuksan niya ang pinto ng isang silid na hinituan niya at agad siyang pumasok sa loob, sinigurado niya munang walang tao na nakakakita sa kanya bago niya isinarado ang pinto.
Hmm. Talagang kahina-hinala ang mga ikinikilos niya.
Agad kaming nagtungo sa harap no'ng silid at nabasa namin ang nakapaskil sa pinto nito —Stocks room pala ang silid na 'to.
Kinatok ni Skull 'yung pinto pero ilang saglit ang lumipas pero hindi ito bumukas. Inulit pa ito ni Skull pero mukhang ayaw niya talagang buksan.
Agad lumapit si Kira sa door knob, kinuha niya ang hairpin sa buhok niya at ipinasok sa keyhole. Nag-click ito at kaagad bumukas ang pinto.
Woah! Ang astig talaga ng lockpicking ability ni Kira, bukod sa sobrang linaw ng paningin niya ay napakahusay niya ring magbukas ng mga naka-lock na pinto. Sana matutunan ko rin kung paano niya ginagawa 'yon.
Pumasok kami sa loob at isang kahindik-hindik na senaryo ang aming namasdan. Napatakip ako ng bibig ko dahil kung hindi ay tiyak na masusuka ako sa sinapit ng clerk ng cafeteria.
Nakabitay siya sa ceiling gamit ang isang makapal na lubid. Maputla na ang balat nito at wala nang anumang natitirang senyales ng buhay. Mas kinilabutan ako nang makita ko ang mga mata niyang nakamulat pa.
Sinong may gawa nito sa kanya? At paano nila nagawa 'yon sa gano'ng kaiksing oras? Isang ideya ang umalingaw-ngaw sa utak ko.
"Do you guys think that it's Mayor Suarez again?" tanong ko sa kanila at agad silang napatingin sa 'kin na para bang gano'n din ang iniisip nila.
Napakuyom ako ng kamao, wala talagang konsensya ang Mayor na 'yon! Hindi ko na talaga alam kung tao pa ba siya o demonyo e!
Nahagip ng mga mata ko ang badge na naka-dikit sa uniform niya, nabasa ko ang salitang din Alfonso Reyes. Geez! 'Yan siguro ang pangalan niya.
"Naunahan niya tayo," wika ni Skull habang lumalapit sa bintanang nakabukas.
Tsk! Diyan siguro lumabas 'yung mga taong gumawa nito sa kanya. Alam ni Mayor Suarez na maaring magsalita 'yung clerk laban sa kanya kapag nahuli namin siya, kaya siguro ipinapatay niya na ito.
Tsk! Wala talagang puso, pagkatapos niyang gamitin at pakinabangan 'yung tao, pinatay niya na lang nang basta-basta? Pero sa kabila no'n masasabi kong mautak siya dahil sinisigurado niya talagang walang makakapagpatunay sa mga ka-demonyohang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
GENIUS IN A GANG (Defying Trilogy #1)
Mystery / ThrillerNine peculiars and gifted members of a gang. They're not your typical trouble makers, instead they fight for what is right. But did you know what make these teens more special? - Highest Ranking Achieved: [05-22-2020] • #29 in Gang • #39 in Sci...