01 | averill [ 1 / 2 ]

2.7K 66 305
                                    

[ averill | 2016 ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ averill | 2016 ]

Kanina pa ako nag-dra-drawing sa notebook ko, small doodles lang habang nakikinig kay Ma'am Vuentes, ang prof namin sa Philippine History. Dahil natural akong visual learner, laging may kasamang doodle ang mga notes ko. At sa dami nang sinasabi ni Ma'am, mahirap isulat ang lahat ng iyon habang sinusundan ang pace niya. So, I drew.

The Philippine History is probably my most favorite subject. Emphasis on probably. Probably, dahil kailangan ko ring malaman kung ano ang mga magaganap sa past. Mostly, about sa Philippine Revolution sa panahon ng American occupation.

Sadyang ako lang siguro ang nakikinig. Yung iba ko kasing mga kaklase ay mukha nang matutulog anytime. Well, pagbigyan sila, I'm a year older than they are and they're probably just green to the College Life. Slightly green at second year na kami.

Ang magaling kong katabi naman ay kanina pa pasilip-silip sa kung anong dino-doodle ko sa notebook na kulang na lang ata hilahin niya na para mas makita niya yung drina-drawing ko. Hindi naman siya distorbo so pinayagan ko na lang siyang makitingin.

Baka may matutunan naman siya sa notes ko kahit puro doodles lang naman iyon. Although, mas may use nga lang sa akin iyon kaysa sa kanya. Soon though, pati ako tinamaan na rin nang pagkawala nila ng atensyon at iba na ang drina-drawing ko. A field of black lilies, considering na black ang bolpen ko. On top of that, a man with half-opened eyes staring at the vast darkness of a sky without stars.

"Wow... sino 'yan?" Sa sobrang bored ng katabi ko, ginulo na niya ako. Hindi ko siya pinansin. Instead, inubos ko na lang ang black bolpen ko sa pagsha-shade ng puting space sa aking notebook hanggang sa mawalan na ng white space ang drawing ko.

Naghintay naman ng sagot si Seatmate at nang hindi siya nakakuha sa akin, nagtanong siya ulit. "Pwede mo ba akong i-drawing?"

"Kaya mo ba akong bayaran?"

"Sus, close naman tayo. Magkatabi na tayo since start ng sem."

Hindi ko siya pinansin at himalang hindi naman na siya nanggulo. Nag-drawing ulit ako sa susunod ng mga detailed na version ng lilies. Pinagtiyatiyagaan kong i-shade ang bawat petal at 'di nagtagal, sumuko na talaga ang bolpen ko sa akin at wala na akong nai-drawing sa susunod. Sakto namang tumunog na ang bell, tapos na naman ang isang subject ko sa isang araw.

Isinara ko na ang notebook ko at inilagay ko sa bag, bago tahimik na sumabay sa paglabas ng mga kaklase ko. I blended in at sumama sa agos ng mga mukhang kilala ko pero hindi ko alam ang pangalan.

Just a typical day for Averill Montenegro.

/ ~ /

"Ikaw na ang magsabi," malakas na sabi ng isang tao sa table na malapit sa akin. Asa canteen ako at nagdo-doodle na naman gamit ang kabibili kong bolpen. Nagmu-multitask ako sa pagkain ng binili kong siomai at pagdra-drawing. This time, gumawa ako ng portrait ng parehas na lalaki na drina-drawing ko nung History, nakapikit na siya ngayon at peaceful ang mukha niya.

Location Unknown #Wattys2019WinnerHisFic ꞁ  [ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS  ]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon