special announcement :'>

1.7K 38 31
                                    

hi ulit, hello~

may pasingit ulit dito dahil i want to share something great with you guys. mga october pa ito naganap pero ngayon ko lang mas naharap kaya ngayon ko lang din siya pwedeng ma-announce xD ayun pasensya na, life happened and i got sick and stuff. 

pero i is okay naman na at nagawa ko na ring ayusin ang need ayusin. so, ano nga ba dis special announcement. ano po, one day isang araw, someone messaged me sa Wattpad at laking gulat ko pa haha xD asa trabaho pa ako nun nung v-in-iew ko at medyo a day late ko pa siyang na-view. ayunnn, i got a publishing offer po for Location Unknown :> and mapupublish po siyaaa under Lifebooks. hurray to Averill and Ginoo!!!

LU has been my longest novel to date. marami akong napagdaanan sa buhay habang sinusulat ko siya at nakailang beses na akong nag-isip kung worth pa ba ang ginagawa ko o hindi. nadaan na din ako sa madaming puyat para lang ma-hit ko yung word count ko na 2k-3k every day para lang talagang matapos siya. at matagal ng na-imbyerna ang plano kong tapusin siya within two months dahil madaming paths ang gustong patunguhan ng story. nakakaiyak na nga dahil habang sinusulat ko siya kasi hindi ko alam kung matatapos ko ba talaga siya, kung kaya ko ba talaga siyang panindigan. 

madami na ring beses na gusto kong 'wag na siyang ituloy kasi all in all, di ko pa naman siya pino-post. ang siste ko kasi ay tapusin muna bago mag-post para tuloy tuloy at para 'di siya maapektuhan ng mood feels. pero mukhang lumalaban pa rin ang LU at kahit medyo mahirap na siyang tapusin ng pahuli na, pinush through ko pa din. malaking savior din talaga na may outline ako kaya kahit may days na nag-pause ako magsulat ay nagagawa ko pa ding bumalik sa flow ng story.

at himala, cha-chan! natapos ko na siya :> to be honest, may mga need pa akong idagdag and such o bawasan, pero proud na talaga ako nung natapos siya at pinaper edit ko na lamang :> medyo Herculean task din kasing magedit ng manuscript na aabout ng 124k word count.

pero with this opportunity, babalikan ko ulit ang LU and would do my best to present you with new content sa book version :> also to brush up dis and dat. 

iyon lang, currently po, wala pa pong publishing date but will keep you guys posted for any updates. also, at some point, i would have to erase some content here as per agreement :> pero hindi muna, so enjoy reading pa din po habang andito pa :> alsooo, i want to take this opportunity to thank the ones who believed in me, sa mga iba pang unang naging readers ng LU, sa mga consistent kong supporters, sa mga new readers, sa mga silent readers at sa mga loud readers at pati na po sa editor ng Lifebooks who reached out to me at kay manager ko kuno haha xD because of you guys, LU exists and LU will continue to exist in print form in the future. iyon lang, labyu guys <3 salamuch ulit ng marami at i hope you always have a good day ahead!

Location Unknown #Wattys2019WinnerHisFic ꞁ  [ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS  ]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon