[ averill | 2016 ]
Nagising ako kasi kanina pa ako tinatahulan ni Pomie. Pinapasok ata siya ni Tito sa kwarto ko para lang may manggising sa akin. Buti na lang maliit siya at hindi niya kayang umakyat sa kama dahil kung hindi baka aksidente ko siyang itapon. Hindi pa naman maganda ang mood ko kung ginising lang ako ng ibang tao na wala man lang pa-abiso.
Ang sabi ni Tito baka dahil puyat daw kasi ako ng puyat or mababa lang ang blood levels ko. Hindi ako nagpa-checkup kaya hindi ko alam. I sighed and turned over my bed. Ikinulong ko rin ang ulo ko sa unan. Pero parang mas na-encourage pa ata ang energetic na aso at mas nilakasan niya pa ang pagtahol.
"Goodness gracious, Pomie," I cursed bago tuluyan nang bumangon at binuhat ang makulit na aso. Tuwang tuwang nag-ala humming bird na naman ang fluff ball niyang buntot. Sinubukan niya rin akong abutin para dilaan. I keep him at bay at pinanood ang excited niyang mukha. Buti pa ang isang ito, parang lagi sigurong good ang morning sa kanya. "Fine, Pomie, you win. Hapon pa ang klase ko at dapat ten pa ako magigising pero fine, I'll play with you."
Ibinaba ko na siya at nagsimulang maglakad. Nahirapan pa nga ako at ginawa niyang obstacle course ang paa ko sa pag-ikot ikot niya roon. Himalang hindi ako nadapa hanggang sa nakarating ako sa sala. Wala si Tito. In his stead was a plastic-covered meal composed of pasta and a note.
May sudden appointment ako, Rill. Kaya ikaw na lang muna diyan at si Pomie. Eat your breakfast, okay. Babalik rin ako para ihatid ka.
See you later.
- Tito
I nod at the note at kinuha ko ang pagkain para i-reheat sa microwave. At habang naghihintay, dinala ko si Pomie sa couch at nag-scroll na naman ako sa social media. There's this page na f-in-ofollow ko na usually, araw-araw mag-update. They post pictures about people relieving older cultures and some people na nag-co-cosplay ng uniform ng mga Philippine Soldiers noon. Idagdag mo pa kasi na naging patok pa rin ang Heneral Luna after release.
May bago silang post. It was of a man who was wondering in Baguio. Nakasuot daw ito ng parang real-life talagang uniform ng isang soldier noon. At bukod roon, he was bloodied. Literally bloodied. Kaya ang nakakita sa kanyang admin ng page ay hindi napigilang hindi siya picture-an.
Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig o biglang nakuryente nang makita ko ang picture. I know this guy. It's Elias. I checked the photo's date, it was posted three days ago.
I can't believe it.
Tinignan ko ulit ang photo at paulit-ulit ko pang ni-refresh ang page pero hindi nawala o nagbago ang picture. It was undoubtedly Elias. Hindi ako pwedeng magkamali. I grew up with this guy. Siya talaga ito. His back looks a little wider in this picture though. Pero kaparehas niya ng tangkad ang asa picture. Parehas rin sila ng hawi ng buhok. At ito rin ang uniform na suot niya sa scenario na lagi kong naabutan sa current time travel ko.
BINABASA MO ANG
Location Unknown #Wattys2019WinnerHisFic ꞁ [ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS ]✓
RomancePUBLISHED JUNE 24, 2021 BY LIFEBOOKS :> available in shopee __ For Averill, it was constant and it was routine to stand over a field of dead bodies during the 1899 Tirad Pass War. Since, namatay na ang lalaking palagi niyang binibisita sa 18th ce...