01 | averill [ 2 / 2 ]

1.4K 47 125
                                    

[ averill | 2016 ]

Umiling ako ulit. "Hindi na, Tito. Promise hindi na po ako magta-time travel. I'd stop thinking the magic words. Promise." Dati ang akala namin ay random lang iyon, walang trigger. But when me and Tito started the therapy, doon namin nalaman na may trigger pala. Hindi siya basta basta at hindi siya yung tipong 'di ko naman makokontrol.

Tinignan niya ulit ako at napabuntong-hininga. Pinisil niya ang pisngi ko. "Okay, you promised. Siya, punta ka na sa kwarto mo. Mag-pre-prepare lang ako ng dinner."

"Sige po, Tito."

Dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. I looked at my wall. Dati, plain at dirty white lang siya. Ngayon, may design na. I painted everything during my therapy. May dalawang miniature na taong nakalulan sa isang hot air balloon na nasa itaas ng isang multicolored lily flower field. Iyon ang pinili kong design sa dinami-dami ng mga drafts na dr-in-awing ko. It just fits for some reason.

Tr-in-ace ko ang dalawang miniature at marahang napailing.

Humiga na lang ulit ako at kinuha ang sketchbook ko mula sa bag. Sinimulan ko na namang mag-drawing. This time, isinama ko na ang sarili ko sa tabi ng usual kong subject. Pinalibutan ko ang paligid nila ng mga puting lily at ginawa kong tulog silang dalawa. Mahimbing na parang walang gagambala sa kanila. Just... at peace.

"...Good night, Elias," mahinang sabi ko sa lalaking nasa drawing habang trine-trace ko ang mga linya na bumubuo sa kanya. "Sweet dreams."

/ ~ /

Surprisingly, nagising ako na hindi bangungot ang nag-register sa utak ko. Nice, I guess. Mahirap din namang magising sa bangungot. At dahil medyo weak pa naman ang constitution ko ay kung nagkakabangungot ako ay magigising akong nasusuka. Parang may morning sickness. Heck, I'm not even pregnant.

The dream wasn't that pleasant either. It's a memory. Siguro, totoo nga na ang dreams natin usually ay stored memories lang na nakalimutan na natin. And yep, kulang ata ako ng magandang experiences and stuff that I'm supposed to forget triggers stuff.

I stretch. Tinitigan ko ang pader. The miniatures are still there. I sigh and touch it again, remembering my dream. Matagal na rin since naalala ko iyon dahil isa iyon sa dapat kong kalimutan when I underwent therapy. I close my eyes and remember. Hindi naman siguro matri-trigger.

 Hindi naman siguro matri-trigger

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ averill | 2007 : 1892 ]

A young girl stares at her Mother's grave. Her eyes devoid of emotion. It's raining. For some reason, ever since the empty coffin was to be buried, it will always rain.

She stared up, looking at the angry sky. May problema siguro sa kanya ang ulan. Tiyak na mapapagalitan din siya ng Papa niya kapag nalaman nito na nagpaiwan pala siya roon. Na-imagine niya ang namumula at hapong-hapong mukha ng Papa niya simula nang tanggapin na nito na hindi, ni minsan, babalik ang Mama niya.

Location Unknown #Wattys2019WinnerHisFic ꞁ  [ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS  ]✓Where stories live. Discover now