Kabanata 3

6.1K 102 3
                                    

Pagkababa ko ay agad na nadapo sa akin ang patingin ni Kiyo.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas dahil panigurado naman na papayagan niya akong umalis. Sus, baka magdate pa sila ni Cresia eh.

"Where are you going?" Kalmadong tanong niya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at saka siya hinarap ng nakangiti.

"Ako ba?" Turo ko sa sarili ko. Nagsalubong naman ang kilay niya sa inasta ko.

"Tanga ka ba? Tayong dalawa lang dito!" Sigaw niya agad sa akin.

See? Walag pasensya.

"Ah, sorry. Narinig mo naman siguro 'yong usapan namin ni Ryo kanina? Kailangan kong sundin yong dare nila.." nakangiti pa ding paliwanag ko.

Inismiran naman niya ako. "Anong nginingiti-ngiti mo?"

Umiling na lang ako saka tinuloy ang paglalakad.

Naalala ko, wala nga pala akong nilutong pagkain. Bahala siya magutom dyan. Dun siya sa Cresia niya kumain, bwesit.

Pagkasakay ko sa kotse ko. Yes, may kotse ako pero minsan ko lang gamitin dahil pinagbabawalan ako. Duh, may lisensya na kaya ako saka marunong naman ako noh.

Maaga akong umalis dahil susunduin ko pa si Alice, pinagbabawalan din kasi siya magdrive. Tss.

Yong tatlong lalaki naman ay kanya-kanyang sasakyan patungo sa pinag-usapan naming bar.

Nang makarating ako kila Alice ay agad akong nagdoor bell. Di katagalan ay lumabas yong isa nilang katulong.

Nginitian ko siya at binati.

"Magandang gabi po. Ako po si Kendall, kaibigan po ni Alice. Nandyan po ba siya? Pakisabi po nandito na ako.."

"Pasok po muna kayo.." alok niya pero umiling na lang ako.

"Naku, huwag na po. Pakisabi na lang po kay Alice, salamat.."

Yun lang at pumasok na siya sa loob. Sinandalan ko lang 'yong kotse ko sa harapan saka nagmuni-muni.

Kung tumutol kaya kami sa kasal namin, hindi kaya ako masasaktan ng ganito? Sa tingin ko hindi eh. Ever since naman kasi nagustuhan ko na si Kiyo. Nakakabanas lang dahil may girlfriend siya.

Sa totoo lang, ipinakilala sa akin ni Kiyo dati iyang si Cresia. Masungit siyang tignan pero kapag nakasama mo, mabait din at kwela. Kaya siguro siya nagustuhan ng taong gusto ko.

Grabe, 2 years na ata sila eh. Halos mag-3 years na tapos ako tong sampid lang dito. Pakialamera sa relasyon nila.

"Hoy! Bakit ka umiiyak dyan!"

Nagulantang ako ng biglang may sumigaw at saka agad na pinunasan ang pisngi ko.

Nakita ko si Alice na nakatingin sa akin na puno ng pagtataka.

Actually, alam lang nila na asawa ko si Kiyo. Akala nila nagmamahalan kami, pero hindi eh.  Malayo atang mangyari yun, malabo. Pero alam ni Ryo, kapatid ba naman.

"Luh! Hindi kaya.." tanggi ko.

Hinampas naman niya ako sa braso.

"Tara na at magpakasasa tayo sa alak ngayon, ilabas mo yang problema mo. Nandito lang kaming mga ka-wonder pets mo.." aniya na ikinatawa ko.

Wonder Pets. Yan ang pangalan nila sa squad namin. Ewan ko ba sa kanila, mga abnormal.

"Tara na nga!" Aya ko sa kanya at sumakay na sa kotse.

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon