Kabanata 42

3.7K 74 3
                                    

Unedited

Dali-dali akong bumangon kahit pa sumasakit ang ulo ko. Hindi agad ako naniwala sa sinabi ni tita but when I saw the image captured by her na nasa hospital sila ay doon na ako nagimbal ng sobra. I immediately stood up at nagpalit ng damit.

Nabitawan ko pa ang susi ng sasakyan sa sobrang kaba. "Oh shit!"

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Kendra.

"What the hell?!" Bulong ko at tumingin sa kanya. "Bakit gising ka pa baby? You better go to sleep na."

Tinignan niya ako. "You are going to somewhere mom? Can I go with you? I can't sleep." Nakalabing aniya.

Umiling ako. "No. Go to sleep na."

"Mom, please?"

Oh, gosh.

"Okay, let's go."

Binuhat ko siya. Napahawak siya sa leeg ko at doon sumubsob.

"Where are we going po ba?" She asked.

Binaba ko muna siya para buksan ang kotse. Pagkabukas ko ay pumasok siya, ako naman ay umikot sa harapan para sumakay sa driver seat.

"Fasten your seatbelt baby. We're going to the hospital."

"TITA what happened?" Kaba kong tanong kay tita habang inaalo siya. Naroon rin si tito pati na si Ryo. Nginitian niya lamang ako pero hindi umabot ang ngiti niya sa kanyang tenga. Mas nangamba pa ako ng umiyak si Kendra.

"Kendra, shh. Tahan na.." Pagtahan ko. Sumubsob lamang siya sa aking dibdib at doon umiyak. Takot siya sa hospital kaya siya ganito. Namamanhid ako, hindi ko alam gagawin ko. Jusko po, si Kiyo.

Lumapit sa akin si Ryo at saka ako niyakap. Gusto ko mang umiyak ay hindi ko magawa. Pinangungunahan ako ng takot at pangamba. Ano bang nangyayari?

Tumingin ako kay Ryo nang haplusin niya ang likod ko. "Anong nangyari?"

Ngumiti siyang muli at tumingin sa emergency room. "Lasing si kuya."

Napahawak ako sa sentido ko at tumingin kay Kendra. "Baby, here ka muna kila lola mo ha? Mag-uusap lang kami sandali ng tito Ryo mo, okay?" Hinagkan ko siya sa noo saka pinalapit kay tita.

Lumayo kami ng kaunti sa kanila at umupo.

"Tumawag sa akin si kuya kanina lang, Kendall."

Napahawak ako sa dibdib ko. "Anong.. anong sabi niya?"

Nilabas niya ang kanyang telepono at kinulikot iyon. Maya-maya unti ay itinapat niya ito sa tainga ko.

"—ang s-sakit, haha. Ryo, sabihin m-mo nga, sobrang sama ko na ba?" Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan ang usapan nila.

"Umuwi ka na. Kinakabahan na sila mom sayo." Si Ryo iyon.

"A-ayoko. Sabihin mo m-matanda na ako *hik, s-si Kendall gusto k-ko siyang m-makita. Sila ng a-anak ko.." Nadudurog ang puso ko habang pinapakinggan iyon. Halata sa boses niya ang pag-iyak. "Ryo, ibalik mo sila sa a-akin, haha.*hik Namimiss k-ko na 'yong asawa k-ko."

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Natigil ang audio pero nakatunganga pa rin ako dito. Napatingin ako sa emergency room habang umiiyak.

Kiyo...lumaban ka.

"Nangungusap siya kanina na ibalik ko kayo sa kanya. Wala akong magawa, Kendall. Pinapakinggan ko lang siyang umiyak sa telepono habang sinasambit niya kayong dalawa ng anak niyo."

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon