Kabanata 19

5.4K 95 18
                                    

Dahan dahan kong binuksan ang main door namin sa bahay at saka sinwitch on ang ilaw. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig saka iyon ininom.

Dito ako sa amin umuwi dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Kiyo. Lalo na dahil sa ginawa niya kanina sa hospital. Bakit ba siya nandoon. Kinulit ako ng kinulit ni Lee kanina bakit daw ako ako niyakap ni Kiyo at saka ibang course daw galing iyon, ba't daw ako nilapitan.

Imbes na sagutin ko mga tanong niya dinaan ko na lang sa tukso. Sabi ko bakit siya puro tanong nagseselos ba siya. Ayun, nanahimik. Aish.

"Oh, bakit ka nandito kapatid?"

Napatalon ako kaunti at nagising sa pagkakatunganga sa biglang pagpasok ni kuya sa kusina.

"Good morning.." bati niya.

Napatingin ako sa wall clock. It's 2:27 am.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang pitsel ng tubig saka uminom din sa mismong baso ko. Ganito kami ni kuya ei, share kami sa lahat pero sa problema ko di ko mashare sa kanya. Baka kasi maiyak pa ako sa harapan niya.

He's my hero. Since elementary until now, pero hindi ko masabi sa kanya ang problema ko.

"Oh, bakit ka ganyan makatingin. May sasabihin ka ba?" Untag sa akin ni kuya.

Umiling lang ako saka ngumiti. "Wala po. Saka bakit, ang aga mo nagising kuya?"

"Anong maaga don. Di nga ako nakatulog." Natatawang ani niya.

"What? Bakit naman?" Tanong ko.

Naglakad siya papuntang sala kaya sinundan ko siya. Umupo kaming dalawa sa sofa saka tumunganga doon. Puro hininga lang namin ang maririnig. Agad ko siyang niyapos ng yakap na ikinagitla niya.

"Ano na naman yan, Dall.." aniya saka ako pinalayo sa kanya.

"I miss you, kuya." Tipid na ani ko saka ulit siya niyakap ng mahigpit.

Napabuntong hininga siya saka ako niyakap pabalik.

"I miss you, too. May problema ka ba? Magkwento ka kay kuya. Tungkol ba sa inyo ni Kiyo? Pagpasensyahan mo na sila papa at ipinagkasundo ka roon. Kailangan kasi ei.." lintanya niya na ikinatahimik ko.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng umayos na ako ng upo saka siya hinarap.

"Ikaw kuya. Bakit hindi ka nakatulog, anong oras na ah?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May pumunta dito kaninang babae."

"Oh, tapos?"

"Nabuntis ko raw."

Ano raw? Nabuntis? Nakabuntis si kuya?

"ANO!?"

Gulantang ang buong pagkatao ko sa sinabing iyon ni kuya.

Nagkibit balikat lang siya.

"Sigurado ba siyang nabuntis mo siya kuya? Sino 'yon?" Gulat na tanong ko saka umayos ng upo ulit at saka hinarap ang buong katawan sa kanya.

Gusto ko siyang magkwento hanggang sikatan kami dito ng araw.

"Hays.." aniya. "Kaninang hapon, may pumunta ditong babae at nanggulo dyan sa labas. Hinahanap daw ako. Wala ako dito kanina kasi nasa kompanya ako. Si mama ang nakaharap niya.."

"Oh anong nangyari?" Excited na ani ko.

"Bakit para kang excited? Tss. Problema na nga yon ei." Ani kuya.

"Wala lang. Gusto ko siyang makilala." Sagot ko. "Ano na? Tuloy mo na kuya."

"Nagsisisigaw daw siya labas kanina at binabanggit ang buong pangalan ko sa labas. Tss. Noong lumabas si mama puro raw siya sorry sa ginawa niyang kaguluhan sa labas. Ito namang si mama, naawa ata at pinapasok 'yong babae dito sa bahay at nagtanong kung bakit siya nandito. At sinabi nung babae na nabuntis ko raw siya. Aish! Ano ba naman, problema ko na naman 'yong babaeng 'yon!"

Lintanya ni kuya na napatunganga sa akin. Di talaga ako makapaniwala na nakabuntis si kuya.

"Kilala mo ba 'yong babae kuya?"

Umiling naman siya.

"Eh si mama, kilala ba niya. Natanong ba niya kung anong pangalan?"

"Hindi ko alam."

"Pero. Pero, ano.." nahihiyang ani ko.

"Ano?" Tanong niya saka umiwas ng tingin.

"May naaalala kang nakasama mo kuya?"

Doon siya nanahimik. Hindi ko mabasa kung ano nasa isip niya ngayon pero may nabubuo sa utak ko. Meron siguro.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at muli ko siyang hinintay magsalita.

"Kuya sagutin mo 'ko. May nakasama kang babae nitong nadaang araw?" Tanong ko ulit.

"Noong september." Tipid na aniya.

Napanganga ako sa nalaman. Last september pa? Eh november na ngayon.

"Anong naalala mo kuya?"

Alam kong awkward pag-usapan 'to pero nacucurious ako.

"Hindi ko alam. Basta paggising ko noon, yon na. Tapos na. Hind ko kilala 'yong babae pero alam ko ang mukha niya."

Nanahimik naman ako.

"Omg, magkakapamangkin na ako kuya?" Natutuwang tanong ko.

Napa-tsk naman siya. Mukhang ayaw talaga pag-usapan. Nakita kong mapahikab si kuya at ewan para akong nahawa at napahikab din.

"Tulog na tayo." Ani kuya.

"Hmm. Goodmornight, kuya." Paalam ko.

"Goodmornight din. Mamaya na ulit tayo mag-usap kung bakit ka nandito."

Ay oo nga pala, hindi nila alam na uuwi ako ngayon dito. Tss, bahala na dyan.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at payapang nahiga doon nang basta-basta na lang pumasok sa isip ko si Kiyo saka 'yong nabuntis raw ni kuya. Excited akong makita 'yong babae. Sana naman mabait yon at hindi ako sungitan kasi excited na talaga akong makilala siya, pati na rin 'yong pamangkin ko! Ahh!

Si Kiyo naman, isa pa 'yon. Hayst.

Nagising ako kinabukasan dahil sa naamoy na mabango. Napatingin ako sa wall clock. 10:42 am. Tanghali na pala.

Inaantok akong tumayo saka nilibot ang paningin sa buong kwarto ko. Tatlong buwan na din pala noong huli ko itong natulugan. Ah, nakakamiss lang. Magbubuhay prinsesa na naman ako ngayon dito.

Matapos kong maghilamos at ni-bun ko ang buhok ko saka lumabas na. Nagulat pa si mama nang makita ako.

"Goodmorning ma. Where's kuya?" Tanong ko.

Hindi naman siya agad nakasagot dahil siguro sa gulat bakit ako nandito.

"Goodmorning, anak. Halla, ikaw ba talaga yan? Hindi ba ako nananaginip at nandito ang prinsesa ko sa mansyon?" Tanong ni mama na parang mangiyak-iyak pa.

Lumapit ako kay mama saka siya nginitian at niyakap.

"I super duper miss you mom.." madamdaming tugon ko.

"Daddy!!" Sigaw ni mama mismo malapit sa tenga ko.

"Daddy 'yong prinsesa natin bumalik na dito sa bahay!" Sigaw uli ni mama na ikinangiti ko.

"Omygosh anak. I miss you, too. Okay ka lang ba? Gutom ka ba? Sandale nagluluto pa lang ako ng pananghalian. Pero may ulam pa dyan kaninang umaga. Ay jusko! Ang anak ko nandito na!" Nagkakandaugagang tanong sa akin ni mama at tila hindi alam kung ano ang gagawin.

Napangiti naman ako. Ganyan ako dito. Prinsesa kung ituring, nakakamiss yong ganito. Tuwing kasama ko kasi si Kiyo para akong yaya, alipin kumbaga.

Now I'm home. Susulitin ko na 'to at babalik ako kay Kiyo para tapusin na ang kahibangan ko. Tatapusin ko na 'yong kontrata namin.

That's better, right?


Itutuloy...

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon