Kabanata 5

5.2K 79 6
                                    

Pagkagising ko ay agad na akong nagtungo sa banyo para maghanda na para makapunta kila Ryo. Winaglit ko muna sa isipan ko 'yong mga nasaksihan ko kanina at saka lumabas ng bahay. Bahala silang mabulok dyan. Lumindol sana.

Mag-eenjoy muna ako ngayon at makikipag-bonding sa mga kaibigan ko. Yong pagkakaibigan namin nabuo since fourth year kami. Syempre, ayaw naming mawalay sa isa't isa kaya nagdesisyon kaming mag-aral sa iisang school. Although, nahiwalay sina Blue at Carter sa course at least nagkikita-kita pa din kami.

Si Alice Vergara, siya ang una kong naging kaibigan dahil bukod sa parehas kaming pasaway may pagkakatulad din kami ng mga hobbies sa buhay.

Si Blue Eliens, Fil-Am pero huwag ka fluent yan magtagalog. Palibhasa hindi lumaki sa America. Namatay na kasi yong Amerikano niyang tatay kaya dito sa sila sa Pilipinas nadestino.

Si Carter Eliens, pinsan ni Blue. Bale yong papa ni Blue at papa ni Carter magkapatid. Ewan ko ba sa dalawang iyan, may kaabnormalan din sa buhay.

Si Ryo Montecarlos, brother-in-law ko. Chickboy yan, manang-mana sa kuya. Pero mabait din, siya pa nagpangalan sa amin na wonder pets kuno. Naging crush ko din siya dati pero simula nung mas nakilala ko ang kuya niya natuon na ang atensyon ko sa kuya niya.

Nang makarating ako sa garahe ng pamilya Montecarlos ay nakaramdam ako ng kaba. Baka kasi magtanong sila sa estado ng relasyon namin ni Kiyo at hindi ko alam ang isasagot. Nakita ko narin dito ang sasakyan ni Alice.

"Good Evening ma'am Kendall.." bati sa akin ng katulong nila.

Nginitian ko naman siya. "Magandang gabi din po. Nasaan po sila Ryo?" Tanong ko.

"Ay nasa kwarto niya ma'am. Tawagin ko ho ba?"

Pinigilan ko si ate sa paglalakad at saka nagsalita.

"Huwag na po. Pupunta na lang po ako dun.."

Yun lang at nagsimula na akong pumanhik patungo sa kwarto niya.

Saktong liliko na sana ako ng makasalubong ko si Tito Jeron na kasunod din ang asawa. Napalunok naman ako ng matindi. What to do?

"Oh hija, nandito ka pala. Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni tito.

Itinuro ko naman ang pinto ng kwarto ni Ryo.

"Magandang gabi po. Pupuntahan ko ho sana sila Ryo pati si Alice, may group research ko kasi kami.." ani ko ng nakangiti. Ang hapdi pa din ng pisngi ko buti na lang may concealer at natakpan ang pagkakapula non.

"Kanina ka pa nila inaatay. O'sya sige, mauna na kami sa iyo at may aasikasuhin pa kami.." ani tita na ikinangiti ko.

"Sige po.."

Tatalikod na sana ako ng nagtanong pa si tito na ikinabahala ko.

"Kumusta na kayo ng panganay ko?"

Napakagat labi ako sa tanong niya at saka sila hinarap wearing my smiley face. Syempre, I need to pretend.

"Okay lang naman po kami. Busy lang po talaga sa klase, hihe. " ani ko at napakamot sa ulo.

Natawa naman ng mahina si tita saka hinampas sa balikat si tito.

"See? Magkakasundo talaga sila!"

Sana nga po, tita.

Nginitian ko na lang sila at nagpaalam na. Parang hindi ko kakayanin ang atmosphere. Ayoko din kasing tumagal ang pakikipagplastikan ko sa kanila baka makahalata.

Wala ng katok katok na pumasok sa kwarto ni Ryo habang sapo ang dibdib.

Napaexhale ako ng wala sa oras.

Nagtataka naman silang dalawang nakatingin sa akin na para akong sinabihan na anong-ginagawa-mo-look?

Nakaupo si Ryo sa kama niya na busy sa mga papel habang si Alice naman ay busy sa pagkukutikot sa laptop niya.

"Nagsimula na ba kayo?" Tanong ko. Umiling naman silang dalawa.

Lumapit ako kay Alice na nakaupo sa sahig habang suot kanyang salamin. Yes, nakasalamin siya dahil sanay niya iyon kapag nagbabasa or gumagamit ng gadgets. Ewan ko ba dyan, abnormal din.

"So ang napag-usapan namin kanina ni Alice. Ikaw ang.." hanggang sa nagtuloy-tuloy na iyon.

Nagpapalitan pa kami ng mga komento para na rin sa research. May kanya-kanya naman kaming role sa paggawa nun.

Isinulat muna namin sa yellow paper bago iyon i-print para bawas hassle.

Natigil lang kami sa pagiging seryoso nang may kumatok sa pinto.

"Mag-dinner muna kayo, tara na sa baba.." paanyaya ni tita Azzir.

"Oh sige mom, susunod na kami" ani nama Ryo.

Nang makaalis na si tita ay niligpit muna namin ang mga gamit bago napagpasyahang lumabas na.

"Alam mo ba ang storya ng parents mo Ryo?" Tanong ni Alice nang makarating kami sa hagdan pababa.

"Hindi. Ayaw nilang ikwento, bakit?"

"Wala lang. Ganon din kasi sila mommy, ayaw ikwento. Nakakatampo. Ikaw Kendall, kwenento nila sa inyo ni kuya mo?"

Napailing naman ako. "Gaya ng parents niyo ayaw din nila. Ang chochoosy eh.."

Natawa naman sila sa sinabi ko. Anong nakakatawa?

"Oo nga. Ang chochoosy, siguro masyadong chessy ang story ng lovelife nila kaya ayaw nila ikwento!" Ani Alice saka natawa na naman.

Natigil lang ang usapan namin ng makarating kami sa hapag-kainan. Agad naman kaming pinagsilbihan.

"How's your studies?" Pambabasag ni tito sa katahimikang bumabalot sa amin habang kumakain.

"Okay lang naman po.." sagot namin ni Alice kaya nagkatinginan kami sabay tawa ng mahina. Sabay pa talaga eh.

"Ikaw Ryo? Hindi ka na naman ba nagdadala ng kung sinong babae sa school niyo?" Mataray na tanong ni tita sa anak. Strikto din kasi lalo na pagdating sa mga anak.

Napailing naman si Ryo. "Mommy naman, wala po.."

"Make sure kundi makakatikim ka sakin.."

Sumimangot naman si Ryo na ikinahagikgik namin ni Alice.

Natuloy ang usapan nila pero tungkol lang sa trabaho nila at tahimik lang naman kami ni Alice. Nagsisimula naman na akong kabahan ng mapunta ang usapan nila tungkol kay Kiyo. Pati ang kondisyon ng lola niya sa kasal namin. Which is 'yong mana nga daw niya.

Parang sinisilaban ang pangupo ko lalo na ng magtanong sila about sa amin.

"Hindi naman nagsusungit sa iyo si Kiyo hija?" Tanong sa akin ni tita saka sumubo ng ulam.

Gusto ko sanang sabihin hindi lang masungit kundi nananakit pa pero syempre ayaw ko naman siyang siraan.

Ngumiti ako. "Okay lang naman po. Hindi naman po siya masungit at saka gaya nung sinabi ko ho kanina parehas kaming busy kaya ayon, hihe.."

"Mabuti naman kung ganon, malilintikan din yon sa akin.." ani tita saka natawa ng mahina.

Matapos nang kainan na iyon ay pinagpatuloy na namin ang research. Hindu namin iyon natapos pero nainsist na si Ryo na siya na daw tatapos at magpapatulong na lang kay tiya. Of course, teacher ba naman.

Nagpaalam na rin kami at umuwi na. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong sumalampak sa sofa. Magaalas-otso ng makita ko ang orasan. Bago pa ako dumiretso sa kwarto ko ay sumilip muna ako sa kwarto ni Kiyo. Baka kasi wala siya.

Pero ang nadatnan ko ang magulong kama at may dalawang magkayakap doon na tila ayaw bitawan ang isat isa.

Umalis na ako doon bago pa man nila maramdaman ang presensya ko. Bahala sila dyan, mabulok sana sila.


Itutuloy...

Pain and Regrets [MSeries #2]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant