Kabanata 4

5.4K 89 1
                                    

Nagising ako kinabukasan ng makaramdam ng sakit sa katawan, samahan na rin ng sakit sa ulo.

Hangover, argh!

Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga pero napasapo na naman ako sa ulo ko. Tangina, ang sakit. Naramdaman ko din ang hapdi sa mukha ko. Ha, naalala ko yong kagabi.

"Talagang masasaktan ka sa aking lintik ka!"

"Asawa lang kita sa papel, Kendall!"

Napatawa naman ako ng mapait at saka bumangon na sa pagkakahiga sa sahig. Mabuti na lang at sabado ngayon.

Dumiretso ako sa banyo at saka naghilamos. Napadaing namam ako ng maramdaman ko ang hapdi sa mukha. Mukhang napalakas yomg sampal sa akin kagabi, gagaling naman na ito siguro sa lunes at hindi na mahahalata.

Bumuntong hininga na lang ako at lumabas na. Nilibot ko ang paningin sa kwarto niya pero ni-bakas niya wala. Baka sa condo nila ni Cresia siya natulog. Sino ba namamg magtatagal dito kasama ang taong sumira sa relasyon niyo, di ba?

Lumabas na ako at saka nagtungo sa kwarto ko at naligo.

Pagkababa ko nakaramdam na naman ako ng pag-iisa. Namimiss ko sila mama, kahit palagi akong iniinis ni kuya pati siya namimiss ko. Hay..

Pagkatapos kung kumain ay nanood muna ako ng chinese drama para naman hindi ako maboring. Nagorder na rin ako ng pizza para may snack.

A love so beautiful ang pinapanood ko at hindi ko mapigilag kiligin at masaktan at the same time. Parang kami lang ni Kiyo, ang pinagkaiba lang mag-asawa na kami.

Ako itong naghahabol at humihingi ng atensyon niya pero sinasaktan at binabalewa lang niya ako.

Hindi ko na lang namalayan na dumating na pala ang asawa ko. Napatingin ako sa kanya nang makapasok siya sa main door. Sasalubungin ko sana siya at babatiin nang makita kong hindi lang pala siya, meron din si Cresia.

Nagkatitigan kami ni Kiyo pero agad din siyang umiwas saka hinapit sa baywang si Cresia. Nadapo ang paningin ko sa kanya pero nginitian lang niya ako ng malungkot at ramdam ko na nalulungkot siya para sa aming dalawa ni Kiyo. Nalulungkot siya sa routine namin.

Mabait naman talaga siya kaso naging mailap na siya sa akin simula nang malaman niyang ikakasal kami ng boyfriend niya. Sino ba namang hindi magagalit di ba?

Umiwas na lang ako ng tingin at tinuon iyon sa panonood.

Naramdaman kong naglakad na sila at pumunta sa taas. Anong oras na nga ba?

2:18 pm.

Ang tagal ko na palang nanonood ah?

Hindi ko na matuon ang atensyon ko sa panonood at iniisip kung anong gagawin nila sa taas.

Pinilig ko na lang ang ulo saka kumagat sa pizza na hindi ko matapos-tapos kainin. Bakit ko ba sila pinakekealaman eh wala naman silang paki sakin.

Alice Dialing...

"Hello!" Masiglang bati ko sa kanya.

[Yow, sasama ka mamaya?]

Naguluhan naman ako at napaayos ng upo.

"Saan?"

[Kila Ryo, gagawin yong group research natin..]

Bigla ko namang naalala na kami palang tatlo ang magkakagrupo sa research namin.

"Hindi ko alam.." ani ko dahil iniinda ko pa ang hapdi ng mukha ko. Baka hindi ako makangiti at makapagsalita ng maayos mamaya. Mahirap na, baka makahalata sila.

[Anong hindi ko alam? Gaga this! Research yun bhe, research. Buti nga ikaw kasi may tinatagong galing naman unti sa englishan. Kaya kailangan ka namin!]

"Oo na.. oo na.. Kila Ryo lang naman, panigurado makikita ko sila tita Azzir.."

[Tita talaga tawag mo? Hindi mommy or mama?]

"Nahihiya ako saka hindi ako komportable.."

[Hays, bahala ka dyan. Basta pumunta ka 5 pm. Baka gabihin tayo, magdala ka na rin ng extra t-shirt mo, okay?]

"Yes madam.."

[Tse! Oh sige na babye!]

"Goodb---"

Naputol ang sasabihin ko ng makarinig ng kalabog mula sa taas.

[Ano yon? Ang lakas naman ata nyan. May lindol ba?]

Kinabahan naman ako sa ideyang pumapasok sa utak ko. No, hindi yon.

"H-ha? Mukhang may nahulog si Kiyo. Sandali titignan ko. Bye na, okay? Kitakits mamaya!"

Yun lang at pinatayan ko na siya ng telepono. Huminga muna ako ng malalim bago magsimulang pumanhik pataas.

Habang palapit ako ng palapit sa kwarto niya ay siya naman pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sana mali ang iniisip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nagkatotoo iyon.

"Sandali l-lang Kiyo.." Rinig kong ani Cresia. Mukhang hindi nila nasara ng maayos ang pinto dahil sa pagkakaalam ko, sound proof ang kwarto niya.

"Sige na please, Cresia.." pagmamakaawang ani naman Kiyo.

Sumilip ako sa may pinto at muntik na ako mapaupo sa nasaksihan ko. Si Kiyo na topless tapos si Cresia na halos masira na ang damit dahil sa pagpupumilit ni Kiyo. 

Damn, paano nila nagagawa ito samantalang nasa pamamahay naming mag-asawa sila?

"Baka m-marinig tayo ni.... ng a-asawa mo.." nahihirapang ani Cresia dahil nagsisimula na si Kiyo sa pagpapak sa leeg niya.

Napahawak na lang ako sa bandang dibdib ko at saka napasapo ng bibig. Gusto kong umalis sa kinaroroonan ko pero hindi ko magawa. Para akong nanigas doon habang pinapanood ang kalaswaan nilang dalawa na nagaganap mismo sa pamamahay naming mag-asawa.

Kahit kailan hindi niya ako hinalikan. Kahit kailan hindi siya nagmakaawa sa akin. Kait kailan hindi siya dumikit nang ganyan kalapit sa akin.

Nakakainis kasi mahal ko siya. Nakakainis kasi umaasa ako na may mangyayari sa relasyon namin.

Pwede naman nilang gawin iyang bagay na iyan pero sana irespeto naman nila ako, kahit hindi bilang asawa o kaibigan kahit bilang tao na lang.

"Aaaahm.." rinig kong ungol ni Cresia ng patuloy siyang hinahalikan ni Kiyo sa leeg patungo sa mga labi nito.

Inatras ko ang isa kong paa at saka nagtuloy-tuloy na. Nang makalayo ay saka ako humagulgol sa pag-iyak ng dahil sa sakit.

Paano ba niya ako nagagawang saktan ng ganito? Hindi ko naman deserve masaktan! Mas mabuti pa atang saktan niya ako physically, kasi masakit kung mentally eh. Tatatak sayo yong sakit.

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ng mapadaing ako sa sakit.

"Argh!" Nagdabog ako ng makapasok ako sa kwarto ko ng maramdaman ang hapdi sa pisngi dahil sa pagsampal niya sa akin kagabi. See? Kaya niya akong saktan.

Hindi ko alam kung kanino siya nagmana kasi ang sakit ng ginagawa niya sa akin.

Hindi lang ang pamamahay namin ang binaboy nila kundi pati na rin ang pagiging mag-asawa namin.

Ha! Sino nga ba naman ako para magdemand di ba? Sampid lang ako sa kanila.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon pero ang gusto ko lang ay magpahinga.

Kinuha ko ang cellphone ko saka nag-alarm ng alas kwatro. Magaalas-tres pa lang naman, magpapahinga muna ako bago pumunta kila Ryo.


Itutuloy...

Pain and Regrets [MSeries #2]Onde histórias criam vida. Descubra agora