Kabanata 38

6.6K 127 26
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas noong umalis sila Cresia. Aaminin kong hinahanap ko ang presensya nilang dalawa pero wala naman akong magawa. Gusto ko ng makausap si Mia pero sa ngayon ay hinahayaan ko munang huwag nila akong kausapin. Gusto ko mang marinig ang salitang daddy mula kay Mia pero hindi pwede dahil binibigyan pa ako ng space ni Mia at hindi pa ako tinatawagan.

Napatingin ako sa salamin. Hindi na ako bumabata para makahanap ng pwede kong makasama. Nakaramdam ako bigla ng paghihinayang.

Bakit ko nga ba siya hinayaan umalis? Bakit hindi ko agad nalaman kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya? Tapos ngayon, ako ang nasasaktan. Ako ang nagdurusa.

Kinuha ko ang telepono ko sa lamesa at may tinawagan.  Agad naman nitong sinagot. 

"Yes sir?" Aniya. 

"Nakuha mo na ba?" Tanong ko saka uminom ng kape.

"Ay oo nga pala sir. Good news po,  nasa Akin na 'yong copy ng cctv footage noon. Mabuti nga raw po at mayroon pa iyon. "

I smiled. 

Bakit nga ba ngayon ko lang naisipan kunin ang cctv footage ng hotel kung saan sila nag-check in five years ago?  Ang tanga ko. 

"I'll wait you here at my office."

Yun lang at pinatay ko na ang tawag.  Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang nangyari noong mga panahong iyon. 

Pati numero ngayon ni Kendall ay pinakuha ko sa hired investigator na hinire ko. Ayoko namang kunin kila mom dahil mkakahalata sila. Alam nilang may feelings ako kay Kendall at hindi ko na itatanggi iyon. Noong mga panahong nawala siya, naging miserable ako. Lalo pa ng malaman kong buntis si Cresia at sinasabing ako ang ama ni Mia.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at bumulaga roon ang investigator.

Nakangiti siya habang nakatingin sa akin at saka inilagay ang envelop sa lamesa.

"Yan na sir. Kumpleto."

"Thank you."

Yun lang at lumabas na siya. 

Hindi ko pa binubuksan ang envelop dahil kinakabahan ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago iyon buksan. Naroon ang isang flashdrive at mga papeles na hindi ko alam kung ano ang laman.

Una kong kinuha ang papeles at saka iyon binasa.

Annulment Paper.

Nagulat ako dahil bakit pati annulment paper namin ni Kendall ay nasama. Muli kong inexamine ang papel na iyon at isa lang ang napagtanto ko.

She gave me this paper to realized how stupid I am years ago. I admit it, okay? I'm stupid for letting her go.

Yup, babae ang investigator and she's my freaking cousin. Bwesit talaga 'yon.

Isinantabi ko ang annulment paper at kinuha ang flashfrive. Isinaksak ko iyon sa aking laptop at pinanood.

Nangunot ang noo ko nang makita ang sarili sa harap ng room ni Kendall. Natagalan pa iyon ng kaunti bago ako pumasok. Nanginginig ang kalamnan ko habang naghihintay ng susunod pang pangyayari. Bawat minuto, segundo at oras ay hindi ko pinalagpas hanggang sa may dumating.

There's a guy na akay-akay si Ryo at sapilitang ipinasok sa room kung nasaan kami ni Kendall. Sapilitan niyang binuksan ang kwarto. Nakahoodie jacket ang lalaki at naka-cap kaya hindi mahahalata ang mukha nito.

Pagkalipas ng ilang minuto ay ako naman ang akay na ng lalaki, nakadamit at kumpleto ang itsura.

Hanggang sa halos isang oras lang ang nakalipas ng makita kong lumabas si Ryo na tila kinakabahan. 

Pain and Regrets [MSeries #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon