CHAPTER SEVENTEEN

16 0 0
                                    

MAX'S POV

Pagkatapos naming maging audience kanina ay dinala kami ni Journey sa isang maganda at malaking silid na may dalawang kwartong magkasalungat. Pinili ni Journey ang sa kaliwa, kaya sa kanan ako. Bago makapasok sa kwarto ay may magarang sala ang sasalubong sayo, kapag lumagpas doon ay ang malinis na kusina, na may veranda sa dulo.

'Grabe! Ang laki ng palasyong 'to.' Dumeretso ako sa veranda at dumungaw roon.

Tanaw mula rito ang malawak na lupain, na sigurado akong sakop ng kaharian nila.

Suminghap ako ng malalim para maamoy ang sariwang hangin. Nakapikit kong inamoy ang sariwang hangin. Nakagagaan ng pakiramdam. Nakangiti akong nagmilat, ngunit para lamang magulat sa lalaking nakangiti sa akin.

Mabilis akong lumayo. Alistong nagmamasid. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya.

"Sino ka?" nawala ang ngiti niya at nangunot ang noo niya. Hindi ako naintindihan.

Tumikhim ako at umayos ng tayo. "Who are you?" formal ang boses na ginamit ko.

Yumuko siya at ngumiti muli sa akin. Pinanatili ko ang business face ko.

"My pleasure to meet you, gorgeous lady. I am Lohrid from the house of Trelawney. Lorhid Mazerill Klyde Dennis Azrell Trelawney, Miss." Nakangiting pakilala niya.

Napaawang naman ang labi ko. Grabe! Gan'on kahaba ang pangalan niya? Sino ba namang tao ang nasa tamang pag-iisip na bibigyan ng ganoon kahaba ang pangalan ng anak niya. Susmaryosep!

Itinikom ko ang bibig ko. "I-I see. Your name's too short." ibinulong ko ang huling sinabi ko.

He chuckled. I stilled. Ang gwapo niyang tumawa. He has a rounded face that suits his brushed-up hair. Fair skin, pointed nose with an additional dimples that suits his perfect lips. And his blue-eyes that you can stare in a long time.

"May I know your name, Miss?" nakangiti paring tanong niya.

"I'm not telling you. Leave me alone." tumalikod na ako at naglakad deretso sa kwartong naiwan para sa akin.

Dinampot ko ang tuwalyang naroon sa kama at nagdere-deretso ako papuntang banyo.

Paglabas ko ay natigil ako sandali sa pagpunas ng buhok ko.

Sa kama ko ay naroon ang isang simple black cocktail dress na may halong ginto. Isang black long dress, isang black fitted jumper, isang black loose pants and a croptop, Dalawang pares ng black and gold boho dress at may apat na pares ng pantulog. Naroon rin ang mga palamuti na babagay sa itim at gintong mga damit na narito. Sa baba naman ng kama ay naroon ang mga sapatos, sandals at heels.

Nang makabawi sa pagkabigla ay sumilip ako sa pinto at tinignan kung may bantay ba roon.

Meron naman. Kaya binuksan ko ang pinto ng kaunti.

"Excuse me, I just want to ask, who delivers these clothes?"

Lumingon ang unang sekyo.

"Miss Di, the mayordoma did."

"Okay." Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita ulit ang sekyo.

"Miss,.." tumigil ako at tinignan siya na parang 'bakit?' "..The mayordoma also told me that you need to wear sweaters, if you have. We have low temperature, you might get a cold." Magalang na sabi niya.

Tumungo ako. "Thank you."

Pagkabihis ko ay saktong may kumatok.

"Max? It's Andi, I need to talk to you, can I come in?" malakas na sabi niya pagkatapos kumatok.

The Royale's Daughter(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon