CHAPTER 28

23 2 0
                                    

CLAIRE'S POV

Sakay ng itim na kotse, mabilis naming tinahak ang daan sa hotel na tinutuluyan ni Tita Andi.

Mabilis ang mga kilos naming bumaba sa kotse matapos itong iparada sa parking. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa hotel at nagsisitanguan ang mga tauhan na nadadaanan namin.

Bakas sa postura naming tatlo ang pagiging seryoso kaya parang natatakot ang nasa paligid namin. Wala sa sariling inilibot ko naman ang paningin ko at nahinto iyon sa lalaking nakatingin sa akin mula sa isang couch, isang pamilyar na lalaki. Dahil hindi ko matandaan kung sino ito ay ibinalik ko ang paningin ko sa dinadaanan namin.

Nang makalapit kami sa elevator ay naroon na ang dalawang tauhan ni Tita para salubungin kami.

"Your highness, naayos na po namin ang inyong silid." nakatungong sabi ng dalawa.

"Okay. Thank you po. Kumain na rin po kayo." sagot ko saka kami nagtuloy na pumasok.

Pinindot ni Tita and top floor.

Mabibilis ang kilos na naglakad kami patungo sa kwarto.

"Wala na bang tao rito, maliban sa amin?" tanong ni Kuya Lohrid sa isa pang tauhan na nakabantay sa labas ng kwarto.

"Wala na po." sagot ng tauhan.

"Okay, Kuya, pakitawag niyo na lang po ang lahat ng mga kasama niyo po, kumain na po kayo." pormal na sabi ko.

Nakangiting tumungo ang tauhan at umalis.

"Come in." si Tita Andi.

Ng makapasok kami ay nagmasid pa si Tita Andi sa labas bago tuluyang pumasok at isara ang pinto.

"Tita, may pagkakakilanlan na po ba?" agad na tanong ko.

"Mayroon kaming pinaghihinalaan, pero wala kaming ebidensya." pormal na sagot ni Tita.

Napabuntong-hininga ako.

"Knight?" baling ko kay Kuya Lohrid.

"Sorry, Princess. Gaya ng sinabi ni Lady Andriez, wala pa kaming ebidensya."

"Tsk!" napasinghal ako. "I think we need to tell this to Ate Max and Ate J, what do you think?" tanong ko na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"P-pwede. Baka makatulong sil—"

"Ahh! Oo, makakatulong sila, parehas silang bihasa sa paggamit ng makabagong teknolohiya!" naputol ang sasabihin ni Kuya dahil sa mabilis na pagsabat ko.

"Sorry, Princess. I didn't mean to interrupt." hinging paumanhin ni Kuya.

"Oh! I'm sorry, Kuya. Hindi ko sinasadyang putulin ang sasabihin mo, naalala ko lang po kasing may alam sila Ate J at Ate Max sa mga ganoong bagay. Sorry, Kuya." lumapit ako para yakapin siya.

Tumikhim si Tita kaya bumaling kami sa kaniya. "Hindi ba magiging delikado ang buhay nila kapag sinabihan natin sila?" seryosong tanong ni Tita.

"I think so.. pero paano sila makapaghahanda kung hindi nila alam kung anong nangyayari?" magalang na tanong naman ni Kuya ng bumitaw kami sa pagkakayakap.

"You're underestimating them, you two," isinenyas ko pa silang dalawa, "didn't you know? Ate Max was trained, Ate Journey is a tech savvy, hindi niyo sila mapapantayan kapag nag-tag team sila." nakataas ang kilay na sabi ko.

Totoo naman! Si Ate Max ang depensa at strategy, samantalang si Ate J ang bahala sa lahat ng visuals. Sa pamamagitan n'on, malalaman ni Ate Max ang kilos ng mga kalaban, dahil kayang i-monitor iyon ni Ate J.

The Royale's Daughter(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon