CHAPTER 25: HAPPY NEW YEAR

7 1 0
                                    

CLAIRE'S POV

"Kumusta na sila?" rinig kong tanong ni Tita Andi kay Kuya Caleb. Mahigit isang linggo na rin ang lumipas matapos ang Pasko.

"Maayos na sila, tsinek ko ang kalagayan nila kanina bago ako dumeretso dito. Ang teorya ko ay mahigit isang linggo silang binugbog, hindi pinakain at naubos ang lakas nila. Kagigising lang nila kanina. Ayon nga at iniwan ko sila kay Doc. Sison dahil off-duty ko na."

"Mabuti kung ganoon. Maaari na ba silang bisitahin sa makalawang araw?"

"Yes, kahit kinabukasan ay maaari na silang bisitahin."

"Sa makalawa na lamang, dahil magse-celebrate tayo mamaya, at sasalubong sa bagong taon."


"Oo nga pala. Magpapahinga lang ako sandali at mamaya ay tutulungan ko si Journey sa kusina."

"Sige, mabuti pa nga."

"Saan po pala kayo pupunta, Tita?"

"Diyan lang sa labas, titignan ko kung bumalik 'yong sinasabi ni Lohrid."

"Sige po."


Narinig ko ang yabag ni Tita Andi kaya nagpanggap akong walang narinig at mabilis na lumabas.

"Oh, Clay, kanina ka pa ba rito? Anong ginagawa mo?"

"Opo. Nagpapahangin lang po."
nakangiting humarap ako sa kaniya. "Aalis po kayo?"

"Ah, oo. Gusto mo bang sumama?"

"Saan po?"


"Mamimili ako ng mga prutas at torotot, kung saan mayroon, hmm.. sasama ka ba?" Tuluyan siyang humarap sa akin.

"Sige po. Sandali lang po at magpapaalam po ako kila Ate at Kuya." Tumango naman si Tita kaya naglakad na ako papasok sa bahay.

'Hmmm.. Sino kaya sila?'

Naalala ko kase noong araw na natagpuan ni Kuya Lohrid iyong dalawang sugatang tao ay pinaakyat ako ni Tita Andi kasama sila Ate Journey at Kuya Caleb. Pero, lumabas ulit si Kuya Caleb dahil nga doktor siya at kailangan nilang dalhin sa ospital ang mga taong iyon. Si Ate Journey naman ay pumasok ng banyo para maligo. Dahil wala akong kasama ay lumabas akong muli ngunit hindi nagpapahalata sa kanila kaya narinig ko ang usapan nila.

FLASHBACK

"Kumikilos na sila." Rinig kong mahinang sabi ni Tita Andi nang makarating ako sa hawakan ng hagdan, umupo ako at doon nagtago.

"Sino ang tinutukoy mo?" tanong pa ni Kuya Caleb.

"Enemies." simpleng sagot ni Kuya Lohrid.

"Magpapadagdag ako ng security sa buong village at sa bahay, paiimbestigahan ko rin ito. Hindi ko alam kung bakit nakapasok sila sa village na ito kahit na napakahigpit ng seguridad." sabi ni Ate Max sa naiinis na paraan.

"Salamat, Max. Lohrid, you need to stay beside the Princess no matter what happens." pormal na boses ni Tita Andi.

Napakunot naman ang noo ko. 'Kaya ko namang lumaban, hay nako, si Tita talaga kahit kailan ay napaka-protective.'

"I will, Lady Andriez." sabi ni Kuya Lohrid sa magalang ngunit may kasiguraduhang paraan.

"Caleb." tawag naman ni Tita kay Kuya.

"Anong maitutulong ko?" tanong ni Kuya Caleb sa pormal na paraan.

"Ikaw si Doc. Sine, hindi ba? Ang pinakatanyag na doktor dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Maaari mo bang tignan ang lagay nila?"

"Yes, Tita. Nasaan ba sila?" halata ang pagmamadali sa boses ni Kuya Caleb.

"Sumunod ka kay Lohrid, siya ang magtuturo sa'yo sa mga pasyente."

"Okay, let's go, Lohrid."

"Madame." paalam ni Kuya Lohrid kay Tita Andi. Narinig ko naman ang papalayo nilang yabag.

"Tita, bukas na bukas ay magpapalagay ako ng mga cctv camera sa bawat sulok ng bahay at village."


END OF FLASHBACK

"Claire? Ano at nariyan ka lang?" boses ni Ate Max ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pinto ng kwarto namin. "Ah, Ate, aalis kami ni Tita Andi."

"Sige, mag-ingat kamo kayo." nagpapaalalang sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay po. May ipabibili ka ba, Ate?" nakangiting tanong ko.

"Wala. Baka si Journey, mayroon. Puntahan mo doon sa kusina." nakangiti niyang ginulo ang buhok ko.

Tumango ako at nagmamadaling bumaba sa hagdan at nagtatakbo pa patungong kusina.

"Oh, magdahan-dahan ka, B. Baka madapa ka. Bakit ba nagmamadali ka?" Naabutan kong naghuhugas ng kamay si Ate J.

"Ate, aalis kami ni Tita Andi, itatanong ko lang kung may ipabibili po ikaw?" hinihingal pang tanong ko.

Ngumiti siya saka nagpunas ng kamay at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi saka bumulong. "Chocolates.."

"Sabi ko na nga ba eh. Hahahaha! Okay po, maraaaaaaaaaaming tsokolate para kay Ate J." natatawang yumakap pa ako bago maglakad palabas.

"Ingat kayo, bunso!" sigaw pa ni Ate J nang makalabas ako.

"Oh? Nakapagpaalam ka na ba?" tanong ni Tita nang makarating ako sa tabi niya.

"Opo. Halika na po."

"Mabuti pa nga, maraming tao mamaya dahil huling oras na ito para mamili. Sigurado akong gagabihin tayo."

Lumakad na kami at sumakay sa sasakyan papunta sa pinakamalapit na convenient store.

"Doon muna tayo sa fruit section. Sandali at kukuha ako ng dalawang big cart."

"Ah, Tita, pupunta na po ako doon sa mga may chocolate. Gusto po ni Ate J ng maraaaaaaaaaaaming chocolate!" Isinenyas ko pa ang kamay ko na naggagawa ng malaking bilog.

"Ikaw talaga. Sige, magkita na lang tayo sa cashier number 8."

"Okay po. Akin na po itong isang malaking basket. Tita, isang ice cream po, pleaseeeeee?" nakataas pa ang hintuturo ko.

"Sige. Iyon ba ang paborito mo? Sana ay sinabi mo para naibili rin kita noong Pasko."

"Hehehe! Okay lang po, ayaw nga po akong pakainin ni Ate Max at Kuya Caleb ng ice cream sa bahay po eh. Kahit na parati po silang nag-uuwi niyon." nakangusong sabi oo pa.

"Cute. Hayaan mo at ikukuha kita ng pang sayo lang." natatawang kinurot niya pa ang kanang pisngi ko.

"Talaga po?" Nagniningning ang mata ko! Hahahaha!

"Oo na, sige na at kumuha ka na ng maraaaaaaaaaaming chocolate, para makapila na tayo."

"Sige po."

Nagtungo na ako sa stand ng iba't ibang chocolate. Nang makarating ako doon ay kumuha ako ng tig-ta-tatlong piraso ng bawat tsokolate na nakikita ko. Kinukuha ko na rin ang mga nagugustuhan ko at mga supplies para sa bahay. Idinamay ko na rin ang kay Kuya Lohrid na gamit. Kumuha na rin ako ng para kay Kuya Caleb.

"Tsk! Ang taas! Waaah! Hindi ko maabot!" nakabusangot pa akong tumutingkayad para maabot ang mga chocolate na nasa pinakatuktok ng stand.

"Excuse me, do you need a hand?"

Napalingon ako ng makita ko ang isang gwapo at matangkad na lalaking nakangiting inaalok ako ng tulong.

"Yes po, I can't reach those chocolates! Please?" itinuro ko pa ang pinakamataas na part ng stand.

"Okay, kukunin ko para sa'yo." nakangiting sabi niya saka tumabi sa akin. "Ilan?"

"Tig-ta-tatlong piraso po lahat niyan." sagot ko.

Natigilan pa ang lalaki saka gulat na tumingin sa akin at sa stand.

"Ahm.. 3 pieces each? K-kaya mo bang ubusin 'yan? Halos puno na iyang cart na hawak mo, oh?" Tinuro pa niya ang cart na hawak ko.

"Hehehehe! Okay lang po. Sige na po, kuha na po kayo!" Tinulak-tulak ko pa siya ng bahagya saka tinuro ang mga chocolate.

"O—okay." Saka niya walang kahirap-hirap na kumuha ng tig-ta-tatlong piraso ng bawat chocolate at ibinibigay sa akin.

"Thank you po." Tumungo pa ako.

"Hindi mo na ko kailangang po-in. I'm only 17." nakangiting nagkamot siya ng batok.

"Oh! Okay lang po, I'm only 16." nakangiting panggagaya ko sa pagsasalita niya.

Natatawa naman siyang naglahad ng kamay. "You're welcome, I'm Clay Zhawn, by the way."

"Oh, what-a-coincidence. My nickname is Clay. Anyways, I'm Claire Audrey, it's nice to meet you. Thanks." tinanggap ko ang kamay niya saka nakangiting tumango.

"Same here." Matagal bago niya bitiwan ang kamay ko nang maramdaman niyang binabawi ko na ito.

"Thanks again. I'll go na po. My Tita is waiting po. Thank you." tumungo ako muli saka kumaway.

"Okay. Take care, Clay." nahihiya at natatawang kinamot niya pa ang kaniyang batok. "I mean Claire."

"You're funny. Thanks." ngumiti ako at nakita ko kung paanong mamula ang kaniyang mukha.

Kumaway pa ako saka tinignan ang basket na bitbit ko at naglakad na. Napangiti pa ako ng makita kong maraming mata ang nakatingin sa akin.

"Grabe, ang dami!"

"Sana lahat ng mahilig sa chocolate ay 'sing sexy niya."

"She's cute."

"Okay, nakakainggit siya. Sino kayang kasama niya."

"Siguro, boyfriend."

'Boyfriend? At this age? Wooowww! Hahahaha.'

"Engs! Nakita mo ba? Mukha pa siyang bata, oh?! Anong boyfriend ang sinasabi mo diyan, loka!"

"Eh, malay ko ba!"

'Hahahaha! Tama po kayo, 16 pa lang po ako! Hehehe!'

Matapos kong makinig sa mga bulungan at mapuno ang cart na tulak ko ay hinanap ko na ang cashier number 8.

Nang makarating ako doon ay naroon na si Tita Andi na itinutulak ang cart na puno at may dalawa pang basket na puno ng prutas sa ilalim at kung ano ano pa.

"Clay! Come here." Itinaas ni Tita Andi ang kanang kamay niya saka nag-wave.

Dumeretso naman ako sa tabi niya.

"Baka kulang pa 'yan?" natatawang tanong ni Tita ng makalapit ako saka itinuro ang cart na tulak ko.

"Opo. Pang-isang linggo lang po ito ni Ate J." natatawang sabi ko naman.

"Hahahahaha!" sabay na kaming natawa, saka umusad ang pila.

Nagulat pa ang kahera ng makita niya ang tatlong mga cart namin.

"M-ma'am. Sandali lang po at tatawag po ako ng makakatulong ko sa pag-ayos niyang pinamili niyo po." sabi ng kahera saka umalis at pagbalik nila ay apat na sila.

Matapos i-scan lahat ng binili namin ay naglabas si Tita ng wallet.

"16,831 pesos po lahat, Ma'am. May card po ba kayo?"

"Ah, no. I'll pay in cash. Here." Nag-abot si Tita ng makapal na tig-i-isang libo.

"Ah, Ma'am sobra po ito. 20,000 po ito." Ibinabalik pa ng kahera ang sobra.

Ngumiti naman kaming dalawa ni Tita.

"No po, it's okay po, apat naman po kayong nagtulong sa mga pinamili namin, you can keep the change po, Miss." Ako na ang sumagot.

"A-ahm.."

"She's right, Miss. Medyo naparami nga ang binili namin, matakaw kasi iyan eh, saka mga ate niya." Itinuro pa ako ni Tita kaya napasimangot naman ako. Narinig ko namang naghagikgikan pa ang mga kasama ng kahera kaya tinignan ko sila.

"Titaaaaa!" nakangusong tawag ko pa.

"Why? I'm not joking." nagpipigil ng tawang sabi ni Tita.

"Eeeehh! Let's go home na po. You're embarrassing me." mahaba ang ngusong nakasimangot pa ako.

"Hahahaha! You're so adorable, I'm just teasing you, bunso." Kinurot pa ang pisngi ko.

"Hmp." nag-cross arm pa ako.

"Hahaha! Pagpasensiyahan niyo na kami nitong baby ko, gutom lang iyan."

"Hahahahaha!" At sabay na nagtawanan pa ang kahera at ang mga kasama nito.

"Anyway, pwede bang makisuyo na makikilagay naman nitong mga pinamili namin sa sasakyan namin? Ah, hindi rin kasi namin kakayaning buhatin lahat ito." magalang na sabi ni Tita.

"Yes po, Ma'am, kami na pong bahala, ituro niyo lang po sa amin ang sasakyan niyo po at kami na po ang maglalagay." Magalang na tumungo ang lalaking kasama ng kahera.

"Okay, salamat. By the way, maaari pala kayong pumunta sa bahay namin mamaya, kung gusto niyo lang naman. Isama niyo na rin lahat ng kasamahan niyo rito." alok pa ni Tita.

"Ah, Ma'am, baka pagalitan po kami ng boss namin." nahihiyang sabi ng isa pang lalaking kasama nila.

"Bakit ko naman kayo kagagalitan?" nakangiting tanong pa ni Tita.

"Okay lang po iyon, hehehehe. Si Tita po ang may-ari nitong convenient store na ito, hindi po siya magagalit sa inyo, siya na rin po kasi ang nag-alok, magtatampo po siya kapag tinanggihan niyo po siya." Singit ko pa.

Nagulat silang lahat at natigilan.

"Kayo po pala, Ms. Javier, pasensya na po at hindi po namin kayo kilala." Tumungo pa sila kaya pinigilan ko na.

"Okay lang po iyon, hindi rin po kasi madalas si Tita sa mga branch at dito sa convenient store kaya hindi po talaga siya kilala ng mga empleyado niya po. Tanging mga head lang po ang nakakakita sa kaniya. Hehehehe!"

"H'wag kayong mag-alala, walang ibabawas sa salary niyo kapag nagpunta kayo sa bahay mamaya. Ipasasara ko ng ang lahat ng branch mamayang alas-nuwebe ng gabi, para makauwi ang lahat ng empleyado ko, para makapag-celebrate sila kasama ang pamilya nila."

"Ganoon po ba.."

"Kahapon ba ay um-attend kayo ng Year-End party sa resort na malapit rito?" tanong ni Tita.

"Opo." sabay sabay na sagot nila.

"Nag-enjoy ba kayo?"

"Sobra po." sabay sabay na sagot uli nila.

"Mabuti kung gan'on, hindi ako nakarating dahil may inaasikaso ako eh. Nako! Mahaba na pala ang pila, pasensya na at natagalan kami." Hinarap ni Tita ang mga costumer na nasa likod namin saka siya humingi ng dispensa.

"Halika na, bunso. Marami tayong gagawin."

"Okay po. Ba-bye po! Thank you po." Tumungo pa ako sa kanilang lahat.

"Salamat po, ingat po kayo, darating po kami mamaya. Salamat po."

"Sige, mauuna na kami."

Binuhat ng tatlong lalaki ang mga pinamili namin at nilagay nila iyon sa sasakyang dala namin. At nagpaalaman pa kami bago bumalik sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay dumeretso kami ni Tita sa kusina. Inayos ko ang lahat ng chocolate sa freezer at ang ibang mga pinamili namin. Ang mga torotot na binili namin ay inilagay ko sa sala at ang mga personal na gamit naman na pinamili namin ni Tita ay iniakyat ko sa kwarto at inilagay sa banyo.

Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya Lohrid ay namangha ako sa sobrang linis. Walang alikabok, at napaka-organize ng mga gamit. Kung tutuusin ang kaunti lang ang gamit rito, pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang picture ni Ate Max na natutulog na nakalagay sa frame. Napangiti naman ako.

'Magugulat si Ate Max kapag nakita niya 'yan.' natawa pa ako sa naisip ko.

Iniwan ko ang mga gamit na dala ko sa maliit na study table na malapit sa kama ni Kuya. Nag-iwan pa ako ng note bago lumabas at pumunta sa kwarto namin.

Kinuha ko ang bathrobe na itim sa closet namin at kumuha ng damit bago pumasok ng banyo para maglinis.

Madilim na ng makalabas ako sa kwarto. Mag-a-alas nuwebe na ng gabi.

Pagbaba ko ay naroon na ang mga empleyado ni Tita Andi. Kumakain.

"Clay, halika na rito at kumain ka na rin." pansin sa akin ni Tita ng mapansin niya ako.

"Halika rito, B. Ayusin ko muna ang buhok mo." si Ate J.

Tuyo na ang buhok ko dahil, pinatuyo ko na muna ang buhok ko bago bumaba kaya madilim na rin ng lumabas ako.

Matapos ayusin ni Ate J ang buhok ko ay pinaupo ako ni Ate Max sa gitna nila ni Tita Andi.

"Kumain lang kayo, alam ko namang aalis rin kayo dahil may mga pamilya kayong makakasama. Sige na at magmadali na kayo. Kapag paalis na kayo ay ibibigay ko ang Year-end bonus niyo." nagtuloy na sila sa pagkain pagkatapos magsalita ni Tita Andi.

Ilang minuto na lang ay magpapalit na ang taon. Nakatutok kaming lahat sa orasan na natatanaw namin mula rito sa bahay. Itong village kasi ay may sariling clock. 'Yung kagaya sa ibang bansa na tumutunog lang kapag saktong 12:00 ng umaga at tanghali. Naroon ang clock sa Mili Building na pagmamay-ari nila Kuya Caleb. Maraming tao na ring nasa labas ng bahay nila kagaya namin.

"Dali at kunin niyo na ang torotot sa sala." nakatutok pa rin sa orasang ani Tita Andi.

Nagmamadali naman kaming pumasok ni Ate J sa loob ng sala at kinuha ang lahat ng pampaingay na inilagay ko kanina sa sala.

"Kuya! Tulong!" sabi ko ng makita sila Kuya Caleb at Kuya Lohrid. Kinuha nila ang ibang bitbit namin ni Ate J.

"Okay! Ready?"

At sabay sabay kaming nagbilang. "5."

"4."

"3."

"2."

"1! HAPPY NEW YEAR!!!" malakas at sabay sabay na sigaw namin kasabay ng pagliwanag ng madilim na kalangitan sa pamamagitan ng mga naggagandahang fireworks.

"Uwaaaahh! Yeppeuda!" namamanghang sabi ni Ate Max.

"Woooowwww!" sabay sabay na banggit pa namin. "This is beautiful!" namamanghang dagdag ni Kuya Lohrid.

Patuloy kami sa paghipan ng torotot habang nanonood ng fireworks display ganoon rin silang lahat at ang mga tao pa sa village namin.

Ilang minuto ang itinagal ng fireworks display at nagpasya na kaming pumasok para kumain muli at maglaro sa loob ng bahay. Nariyang nagsaboy si Tita ng mga barya at si Ate Max naman ay halu-halong candy.

Dahil dalawa lang kami ni Ate J na nag-uunahang kumuha ng mga nagkakalansingang mga barya at naglalaglagang mga kendi.

Tuwang-tuwa akong kinuha ang lahat ng mga kendi, 'yung mga barya ay si Ate J ang
kumuha.

"Hahahaha! Sana pala ay ibinigay na lang namin sa inyong dalawa. Nagpakahirap pa kayong magpulot." natatawang kumamot sila Ate Max at Tita Andi sa sentido nila.

Sabay sabay kaming natawa lahat. Oo nga! Dahil kaming dalawa lang naman ni Ate J ang kukuha at kukuha ng mga iyon dahil hindi makakaagaw sila Kuya Caleb, Kuya Lohrid at Ate Max. Hahahahaha!

Halos mag-a-alas tres na ng madaling araw ng magpasya kaming lahat na matulog na. Dito na sila matutulog.

Si Tita Andi rito sa sala matutulog kasama si Ate J. Ako at si Ate Max sa kwarto at si Kuya Caleb at Kuya Lohrid sa kabilang kwarto.

"Goodnight, Princess." paalam ni Kuya Caleb.

"Goodnight, Kuya!" humalik ako sa pisngi nilang lahat. At lahat sila ay nag-'goodnight' sa akin.

"Magpahinga na tayong lahat," sabi ni Tita Andi habang inaayos ang hihigaan nila ni Ate J. "May aasikasuhin pa tayo bukas." makahulugang sabi pa niya.

Hindi ko na pinansin iyon at pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig na dadalhin sa kwarto at umakyat. Pumasok ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo. Nagpunas ako sa face towel saka pabagsak na tumabi kay Ate Max.

"Goodnight, Bunso." inaantok na sabi ni Ate.

"Goodnight, Ate." inaantok na sagot ko saka nagpalamon sa kaantukan.




AUTHOR'S NOTE: Okay! Sorry late, medyo natatakot akong mag-update eh. Happy New Year everyone! Sana matupad niyo lahat ng New Year's resolution niyo! Hehehe! Kumusta po? God bless sa ating lahat!

Anyways, next chapter will be the start of the bumpy ride!

Still Claire's POV.

YOU CAN TALK TO ME AT THE COMMENT SECTION. PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE THIS STORY TO YOUR FELLOW READERS.

PS. Pasensya na sa mga errors ah? Nagtitiis kase ko sa pagta-type dito sa phone ko eh. Matagal pa iyong laptop ko kaya, nagtiyatiyaga ako sa phone ko. Hehehehe!
PPS. HAPPY 2020! MAY GOD FILL OUR 2020 WITH BLESSINGS. KEEP ON PRAYING!

PPSS. HAPPY BIRTHDAY KAY ATE GHIEbeloved. Hehheehehe! birthday po niya kahapon! We rulers love you ate!

The Royale's Daughter(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon