CHAPTER 42

2 0 0
                                    

JOURNEY'S POV

"ANO? Lumabas na ba si Claire?"

Iyan agad ang bungad sa akin ni Ate Max, pagbaba ko mula sa kwarto ni Claire.

Umiling lang ako.

"Nag-aalala na ako, halos dalawang na siyang hindi lumalabas ng kwarto." Maski kay Ate Max ay hindi siya nakapasok sa kwarto ni Claire.

Lumipas ang dalawang araw ng ma-i-discharge si Tita Andi mula sa ospital, pag-uwi namin ay nanahimik na si Claire. Noong una ay hindi namin pinansin iyon, dahil wala naman kaming nakikitang masama sa pananahimik niya.

Pero isang araw ang lumipas ay nagsimula na kaming mag-alala, ni 'ha', ni 'ho' ay wala kaming napala.

Isang araw pa ang lumipas ay ganoon pa rin, sinusubukan naming katukin siya, pero wala kaming makuhang sagot.

Nang tignan ko ang surveillance video ay naroon lang siya sa kama at nakatalukbong ng makapal na kumot.

Maging si Tita Andi na sinubukang kausapin si Claire ay wala rin kaming napala.

Bakas pa rin ang mga pasa at sugat sa katawan ni Tita Andi, ngunit naghihilom na.

Ayon sa kaniya, pagdating namin sa gate, mayroong biglang nagtakip ng panyo sa bibig at ilong niya at nawalan siya ng malay.

Nang magkamalay daw siya, nandoon na raw siya sa bodega.

Itinanong ko pa nga kung bakit laging sa bodega dinadala ang mga kini-kidnap, pero binatukan lang ako ni Ate Max.

Tapos sinimulan na raw siyang bugbugin habang mahigpit siyang nakatali hanggang sa mawalan siya ng malay. Nung naalimpungatan raw siya, may bumuhat sa kaniyang lalaki, hindi daw niya naaninag yung mukha kase nanlalabo na raw mata niya, tapos may kinausap daw sa phone yung lalake. Tapos paggising niya, nasa ospital na siya at naririnig niya si Claire na umiiyak.

Maski siya raw noong naririnig niya ang paghagulgol ni Claire ay gusto niyang bumangon para aluin ang pamangkin.

Kaya lang ay tinurukan siya ng sedatives dahil nagwala raw siya matapos makita si Megan.

Naitanong pa namin kung totoong nagpunta doon si Megan, pero sabi niya, bago raw siya makatulog ulit, humingi pa ng paumanhin sa kaniya si Megan.

"What's happening?"

Napatingin ako kay Queen Anizire.

Tinawagan sila ni Tita Andi, siya ang nagsabi sa kanila na hindi pa lumalabas si Claire sa kwarto nito ilang araw na ang nakakalipas.

"She's not answering." Imporma ni Tita sa kapatid.

Binalingan naman ng Reyna ang kaniyang asawa.

"Hon, talk to her, please.."

Tumango ang asawa at umakyat patungo sa kwarto ni Claire.

"A-ano'ng nangyari, Andi?"

Pinigilan kong matawa dahil sa accent ng Reyna.

"I was sent to the hospital two days ago and then, after my recovery, Claire is not answering and she's not opening the door."

"Shhh.."

Napatingin kaming lahat sa taas ng sumara ang pinto doon.

"Pinapasok niya!"

ILANG oras ang hinintay namin para sa paglabas ng Hari, until someone knocked on the door.

It's Mom.

"Mom!"

She smiled and said, "I need to get out, J. Your father called me.."

The Royale's Daughter(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon