CHAPTER 23

8 0 0
                                    

CALEB'S POV

KAPANSIN-PANSIN ang kawalan ng kibo ni Journey. Matapos kong banggitin ang bunso namin.

'Hayyy, namimiss ko na rin siya. Matutuwa pa naman iyon, kapag nakita ako.'

Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood sa TV at pagkain.

Nawala ang atensyon ko sa panonood nang tumayo si J.

"Kuya, sa kusina lang ako. Magluluto ako ng pananghalian, tawagin mo na lang ako kapag may gusto ka, ha?" nakangiti ng sabi niya.

Ngumiti rin ako. "Gusto mo bang tulungan na kita?"

"Sige ba."

"Sige, tara. Anong lulutuin natin?" tumayo na ako at pinatay ang TV.

Binitbit namin ang mga pinagkainan namin at nagpunta sa kusina.

"Ano'ng  gusto mo, Kuya?"

"Basta manok, kahit ano, ayos sa'kin."

"Hahaha! Sabi na eh. Nagmumukha ka nang manok, Kuya." natatawang sabi niya.

"Hahahaha! Ang gwapong manok ko naman?" Nagtawanan kami papasok.

Tumagal kami ng halos isang oras sa pag-prepare ng food, dahil puro kami tawanan. Saktong naghahain na kami ay bumukas ang pinto sa sala.

Nagpunas ako ng kamay.

"Ako na ang titingin, ituloy mo na lang 'yan, J." nakangiting prisinta ko.

Tumango siya at nagpunta na ako sa sala.

"Journey!" rinig ko pang tawag ni Max.

"Hey, Max!" saktong labas ko ng kusina. Gulat namang tumingin sa akin si Max, na unti-unting napalitan ng ngiti.

"Leb! Kanina ka pa?" nakangiting tanong niya, saka lumapit sa akin para yumakap.

Gumanti ako. "Oo, ang tagal mo nga eh."

"Hahaha! May sasabihin ako sa'yo mamaya. Kumusta?" bumitaw na ako sa yakap ng makita ko ang isang lalaki, may kasamaan ang tingin sa akin.

"Hindi mo naman sinabing may kasintahan ka na pala." nakangising bulong ko.

"Huh? Sino naman?" si Max.

Nginuso ko ang lalaki. Na sinundan naman niya.

"Ahh! Tuleg! Si Lohrid 'yan. Sigurado akong kilala mo na, dahil alam kong iku-kwento ni Journey." natatawang sabi niya na sinabayan ko rin ng tawa saka ako bumaling kay Lohrid.

"Lohrid, right? Hey, I'm Caleb, Max's cousin slash closest friend." baling ko kay Lohrid at inilahad ang kamay ko.

Lumiwanag naman ang mukha niya. "Oh, yes. It's nice to meet you, Caleb."

"Same here. Welcome to Philippines!" magiliw na bati ko pa.

"Thanks." nakangiting sagot niya.

Ngumiti ako at bumaling kay Max. "Tara na sa kitchen, marami kaming 'pinrepeyr' na foods doon."

"Manok?" nakangising tanong ni Max.

"Ano pa ba?" natatawang sagot ko.

Sabay kaming natawa. "Hahahahahahaha!"

Wala sa sarili naman akong napatingin kay Lohrid na kanina pa palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa na tila naliloto at naguguluhan.

Huminto naman ako sa pagtawa at tinapik si Max, nginuso ko ulit ang katabi niya.

Pinagpalit-palit pa ni Max ang tingin sa akin at kay Lohrid, saka kami,  "Hahahahahaha!" sabay na tumawa muli.

"Can we go first at the kitchen?" naguguluhan paring tanong ni Lohrid.

The Royale's Daughter(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon