Fourteen

2.3K 70 3
                                    


Chapter Fourteen
Our Sweet Escape



KATHRYN



Pasakay na ako ng kotse ko ng nakita kong nakatayo lang siya. "What are you still doing? Hop in!" excited kong sinabi pero parang nagaalanginin kung sasakay ba siya o hindi.

Eto talaga napaka KJ. Sarap niyang kaladkarin.

"Ugh!" pumunta ako sa may passenger side at binuksan yung pintuan saka tinulak siya papasok. "Miss Sandoval hindi porke't mayaman ka eh hindi mo na kayang pumasok sa sasakyan ng hindi ka pinagbubuksan." I said in my sarcastic tone then I started driving.

"Stop with your playful acts Lexi." masungit niyang sagot sabay irap pa sa akin at tumingin sa labas.

Tinigil ko ang sasakyan sa parking lot ng amusement park. Sabay naman kami ng paglabas at nakita ko yung mukha niyang manghang mangha sa nakikitang kapaligiran.

It's a place full of lights, noise and rides. Hmm, I am so excited.

"Wow! Open pa pala kahit 10pm na." sabi niya habang tinitignan ang kapaligiran. "Silly! Ang regular close ng amusement park dito ay 12 am. Ikaw ba talaga yung taga Pinas?" tumango tango naman siya na parang hindi ako pinapakinggan.

Habang papasok kami, rinig mo ang masayang tawanan ng mga tao mapa-pamilya, barkada o magkasintahan man. Kahit na napapalibutan kami ng dilim sa loob nito ang daming ilaw na napakaliwanag na tinatalo niya mismo ang kadiliman ng gabi.

I held her hand. "Ngayon mo isigaw lahat ng nararamdaman mo!" sigaw ko sakanya sabay hila at tumakbo kami malapit sa mga rides.

Sumakay kami ng Swing chair, drop tower, roller coaster at swing boat. Puro sigawan at tawanan ang nangyari ewan ko na lang kung bukas matitira pa kaming boses bukas.

Naglaro din kami ng iba't ibang games gaya ng bump car at dahil dun pagod kaming umupo siya sa isang bench.

Napatayo ako ng may makita akong ice cream sa harap namin kaya iniwan ko siya para bumili. She looks really tired to even get up and walk.
Lumapit ako sa kanya na may dalang dalawang ice cream at binigay ang isa.

"I prefer strawberry flavor though." sabi niyang nakatingin sa isang hawak ko. Cute. "Then say please?" pang aasar ko na naman siya at sinamaan lang ako ng tingin. "Oh say ah na lang. Open your mouth na bebe." natatawang sabi ko.

Ang ganda niya talagang asarin. Mabilis mapikon eh.

"Wag na nga!" sabi niya at kinuha yung vanilla flavor na ibibigay ko sana sakanya kanina. Tumalikod pa saakin, aba bastusan ba! "Ang dali mo naman maasar! KJ ka rin eh." pagrereklamo ko at kinuha yung vanilla na nadilaan niya na saka binigay yung strawberry.

Tahimik lang kaming kumakain ng itinaas ko yung camera ng phone ko. "Hey!" tawag ko sakanya para tumingin at saktong pagclick ko pero seryoso lang siyang nakatingin sa camera at ako naman nakangiti.

"Hindi ka naka smile, isa pa." itinaas ko ulit yung phone ko. "Smiiiiiiiiile!" pagpilit ko habang hinihintay siyang magsmile ng tumingin din sa camera at ngumiti.

Nung tinignan ko picture namin napangiti ako. "There! Perfect." Sabi ko at ipinakita sakanya at tinignan niya lang. walang reaction, jusko magiging maayos pa ba talaga pagsasama namin? Napakaarte ng katabi ko eh!

Nagpost ako sa Instagram ng picture namin at nakatag siya na may caption na 'Sweet Escape with the most annoying girl I've known' #LeXein

Nagpop yung notification ko at nakita kong nagcomment sila.

Selena: OMG!! YOU TRAITOR HINDI MANLANG KAYO NAGTAWAG!!!

And I can already imagine Selena with an angry face while I was reading her comment.

Forbidden Love [EDITING]Where stories live. Discover now