Nineteen

2.1K 69 1
                                    

Chapter Nineteen
Date With Ryan Sandoval



KATHRYN

Nakauwi na kami at hindi na talaga kami nagpansinan ni Kiera pagkatapos nung sagot niya sa spin the bottle.

Umuwi rin ako sa bahay namin kasi nami-miss ko na ang pamilya ko. "Hey!" tawag ko sa Kuya ko nung nasa pintuan ako na nakasandal habang pinapanood siyang nakaupo sa sofa at nanonood din.

"Dadalawin sana kita sa condo mo eh, nandito ka rin pala." ngiti niyang sinabi at lumapit siya para yakapin ako. "At bakit ka naman dadalaw?" nagtatakang tanong ko.

I miss my brother though.

"To visit my baby sister, ano pa ba?" natatawang sabi niya pero tinigan ko lang siya. "Okay, okay. Fine. I'm just going to say good bye because I need to go back to US kasi ako na magmamanage ng business natin dun." sabi niya at tumango na lang ako.

"Kumain ka na?" tanong niya. Wala akong ganang kumain ngayon kaya tumango lang ako bilang sagot. "Akyat lang muna ako sa kwarto, Sorry kuya I'm just really... tired today." mahinang ko sakanya at nagsad face pa para payagan niya akong tumaas.

Ewan pero wala ako sa mood makipagkwentuhan sa kanya. "It's okay, pahinga ka na lang muna at magluluto na lang ako ng fave food mo." he sweetly said to me that made me smile, hinalikan niya noo ko at ginulo pa buhok ko.

"Yay! Thanks Kuya. You're the best." sigaw ko habang naglalakad paakyat sa hagdan.

Nagbonding lang kami ni kuya nung bumangon ako. Nagkwentuhan at puro kainan ang dami ba naman niyang niluto! Himala at ang bait ni kuya ngayon. Hmm. Anong meron?

Dumating din sila Mom at Dad galing work. "Bakit hindi ka pa nakaayo?" nagtatakang tanong ni Dad kay Kuya na ikinatingin ko sakanya agad.

"Ngayon flight mo, Kuya?" tanong ko kay kuya at tumango lang siya sa akin. "Ayos na yung gamit ko Dad, magpapalit lang ako." bigla ko siyang hinampas saka siya napasigaw. Arte! Hindi naman malakas yon.

"What?" natatawang tanong niya. "Hindi mo sinabi sa akin." naiiyak kong sabi sakanya, hindi man lang niya sinabi. Edi sana hindi na ako natulog para mas nakapagbonding kami.

"Eto naman parang hindi tayo magkikita eh dun ka rin naman magcecelebrate ng Christmas at malapit narin vacation niyo." I look at him seriously and rolled my eyes. Kainis siya! Hinila naman niya saka niya ako niyakap.

Hinatid namin si Kuya sa airport at bumalik na ako sa condo ko. Gusto ko talagang magpag isa ngayon.

Kinaumagahan, maaga akong nagayos kasi hindi rin ako nakatulog buong gabi. Pumasok ako sa room at ako lang yung tao. Sinuot ko na lang yung headset at nagbasa ng libro.

Maya maya unti unti na kaming napupuno sa room kaya tinanggal ko na head set ko, malapit narin kasi ang time. Nagbukas yung pinto at pumasok si Kiera, umiwas na ako agad ng tingin.

A part of me wants to talk to her para mas maliwanagan ako but also a part me wants to be alone... na ako lang muna, gusto ko muna magisip isip magisa na wala yung side niya.

Natapos ng maayos ang buong klase namin na hindi parin kami nagpapansinan. Hindi na rin ako pumunta sa rooftop o kaya nakikilunch sa kanila dun sa center table.

Pauwi na ako ng maisipan kong maglakad lakad nalang muna malapit lang naman sa condo. Nasa maingate na ako ng may tumigil na sasakyan sa harap ko at nakita kong bumaba si Ryan. Oo nga pala meron pa pala siya. Ang pinakakulit na nakita ko sa buong buhay ko para manligaw.

"Dinner?" tanong niya sa akin. Siguro kailangan ko na rin talaga tapusin yung sakanya. Mabait naman sa akin si Ry, It's just that I don't feel anything for him. Yun yung lagi kong sinasabi pero nagpupumilit parin siya.

Forbidden Love [EDITING]Where stories live. Discover now