Twenty Nine

1.8K 50 4
                                    

Chapter Twenty Nine
The Best Christmas Eve




ALEXEIN


Nagising ako ng may maramdaman akong gumagalaw sa tabi ko at hinahalik halikan ang iba't ibang parte ng mukha ko. Pagdilat ko nakita ko si Lexi na ikinangiti ko.

"Morning, sleepyhead." bati niya sa akin. I just pulled her closer so that I can hug her. "I'm sorry for not replying." yumakap rin siya sa akin. "You should be really sorry. Silly!"

Umaayos na ako ng upo. I tap my side so that she can sit beside me. "Paano ka pala nakapunta dito?" I asked out of curiousity.

"Since you're not replying my messages, I texted your sister if it's okay to visit you then she said yes so I came here." hinawakan niya ang kamay kong may gauze at hinalikan niya ito.

"Are you okay now?" ngumiti ako sakanya at tumango. "Good then, wait may kukunin lang ako." saka siya lumabas siya ng kwarto ko at pagbalik niya may dala siyang tray ng pagkain. "Breakfast in bed and... a flower to my Kiera." surprise niya na ikinangiti ko at kinuha niya yung bouquet sa baba ng kama.

"Nanliligaw ka ba sa akin Miss Torres?" pabirong tanong ko sakanya. She faked her laugh at hinampas ako pabiro kaya napatawa naman kami. "It's nice seeing you laugh." mahinang sabi niya na ikinatingin ko sakanya.

Hiniwa niya yung meat at binigay sa akin. I was about to do that pero naunahan niya ako. "Where will you celebrate Christmas?" mahinahon niyang tanong.

"I am not sure uhh.. pero baka raw sa... bahay nila Tin. Ikaw?" I said while reading her expression. Sa Japan sana kaya lang naudlot dahil sa nangyari sakin. Hindi alam ng mga bisita kung anong nangyari sa akin. Ang family ko lang at yung mga kaibigan ko.

"Sa US dapat kasi nandun si Kuya but I told my parents, I'll be celebrating here." natahimik ako sa sabi niya habang nakatitig sa kanya.

"With your parents?" nakatingin lang siya sa pagkain. "Uhh, sumunod sila kay Kuya eh." saka kami parehong napatahimik na kumakain.

Pagkatapos namin kumain, nanood lang kami, we just really spend the day doing nothing while cuddling at gabi na rin nung umalis siya. I would love her to sleep here pero ang awkward dahil nandito ang mga magulang at kapatid ko.



***



"Are you ready?" Ate Alexis asked me while I was looking at myself at the mirror. I'm wearing a red polka dot long sleeve dress with black heels. Naka side yung hair ko kaya exposed yung neck area ko, natatakpan din yung wound ko kaya ako naglong sleeves.

"You look beautiful, Axein." sabi ni Ate Alexis at sabay na kaming bumaba. Huminto muna ako para harapin siya. "About the incident..." panimula ako at simpleng ngumiti lang siya.

"It's okay Ax, you don't have to explain. Selena came to find us bago pa magsimula ang gulo kaya nakita namin lahat. Hindi nga lang kami umeksena agad kasi nagbabakasaling hihinahon si Dane at Ryan but we didn't expect Ryan would act like that. Ayun napasugod ng wala sa oras si Xander." sabi niya habang hinahaplos ang likod ko at ngumiti lang ako bilang sagot sakaniya.

Papunta kami ngayon sa bahay nila Tin para magcelebrate dun ng Christmas Eve at hindi natuloy ang Japan because Mom was busy taking care of me in the hospital for three days at ayaw niya daw mabinat ako kapag nagtravel kaya nagpag usapan nalang nila Tito na sa bahay nalang nila.

Wala pa sila Dane. Tito Bernard and Tita Sarrah welcomed us with a hug at umupo kami lahat sa may center table nila na pang maramihang tao, dumating din ang bunsong anak nila na si Liam at si Tin na lumapit sa akin para magbeso saka umupo sa harap ko.

Forbidden Love [EDITING]Where stories live. Discover now