Twenty Seven

1.9K 52 42
                                    

Chapter Twenty Seven
The Big Revelation




ALEXEIN


Today is the anniversary of my parents umuwi rin sila Ate Alexis at Kuya Xander para din makapagbakasyon ng ilang araw.

I'm wearing Trendy Lace Sunflower Pattern 3/4 Sleeve Above Knee Dress White. Lahat kami nakawhite, yun kasi ang theme nila and my Dad is wearing his barong. Ang pogi niya tuloy tignan.

To be honest, nabobored na ako dito kasi naman puro kainan at usapan ng matatanda ang nangyayari, kausap din nila Ate at Kuya yung mga business partners nila kaya wala talagang maayos na kausap ngayon ng biglang may kumalabit sa akin at binigyan ako ng champagne.

"Feeling bored huh?" tanong sa akin ni Ryan at tumango lang ako maya maya nakita ko nasa entrance yung apat kong kaibigan.

Finally!

I kissed their cheeks as I welcome them. "We're here to save you from boredom, sweetheart!" nagwink sa akin si Aly at napatawa na lang ako.

"Hi Kat!" rinig namin si Ryan at lahat tumingin sa kanya ngumiti lang din si Lexi at binati niya si Ryan. Kumain na kami at umupo sa may round table namin, naki upo si Ryan sa amin pero maya maya kinalabit siya ni Tito, siguro may irereto na naman yata si Tito na anak ng mayaman para sakanya.

"Family parties are really boring." rinig kong sinabi ni Selena. "Yeah that's I why I invited you guys." nakakalokong ngiti ko naman. Pumasok na kami sa loob ng bahay namin. Nasa garden kasi lahat ng tao, walang tao dito sa loob ng bahay.

Nagkwekwentuhan kami ng pumasok sila Mom and Dad. Kilala na nila yung tatlo kaya ang pinakilala ko lang ay si Lexi. "Oh by the way Dane it's good that you're here, may bisita pa naman kayo ni Axein." natutuwang sabi ni Mom na ikinakunot ng noo namin at may pumasok na matandang mag asawa.

I was shocked seeing them. It's been years since the last time I saw them. Anong ginagawa nila dito? Vacation? O babalik na ulit sila dito? Wala na rin kasi kaming balita sakanila magmula nung umalis silan ng Pinas.

"Hi Tito Bernard and Tita Sarrah." ngiting sabi ni Dane at magmano, halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Axein say Hi to your Tito and Tita." natauhan ako sa sinabi ni Mom at nagtatakang nakatingin naman sa akin yung tatlo at unti unti akong lumapit sa kanila para magmano.

"It's good to see you both ladies, ang lalaki niyo na mga anak and I'm pretty sure that my daughter miss you so much." maamong sabi ni Tita Sarrah at ngumiti lang ako ng pilit kaya si Dane na ang sumagot sa kanya.

"Oh nandito ka na pala anak eh." rinig kong sinabi ni Tito Bernard kaya tumingin ako sa may pinto.

No way.

She's here?

"Hindi ba si Tin yan?" rinig kong tanong ni Aly ng mahina. Lumapit siya kay Dane at niyakap ito. "I missed you so much!" sabi niya at tumingin sa akin saka lumapit.

Pinulupot niya yung kamay niya sa leeg ko at niyakap ko. "You still look good, Xein!" and then she kissed my cheek.

Hindi ako makagalaw, I can see in my peripheral vision that they're all looking at us. Nilapit niya lang mukha niya sa akin habang nakapulupot parin ang kamay niya sa akin. "Did you miss me too hmm?" hindi ako nakasagot.

Kabado lang ako sa kung ano mangyayari ngayon. Nandito si Ryan, Tin, Lexi at Ako. Parang gusto ko tuloy maglaho.

I wanna end this party right now.

"Osige, iwanan na muna namin kayo at mukhang na miss talaga nila ang isa't isa." rinig ko si Daddy at umalis silang apat. Medyo lumayo naman ako kay Tin nung napansin kong masyadong matagal na ganun yung posisyon namin.

Forbidden Love [EDITING]Where stories live. Discover now