✓Part 2-What Happen To Us

482 8 0
                                    

(Aerin POV)

Nasa office ako ni Atarah. Atarah Marchan is my cousin. May sariling mga negosyo siya at successful na sa murang edad pa. Pride siya ng aming pamilya. Di ko pinapahalata pero gusto kong maging katulad niya kaya gagawin ko ang lahat maging successful sa huli.

Sout ang well-fitted purple dress ko at glass color heels nakaupo lang ako sa likurang bahagi ng upuan ni Atarah sa nakaharap sa glass wall.

Ang gandang tingnan ang araw at mga ulap. Kita ko ang init pero di ko ramdam kase aircon ang loob ng office.

"You know cous, Agus is avoiding me recently. Late na siya umuuwi ng bahay sa gabi at bago pa ako magising sa umaga wala na siya. Mukhang masaya naman siya nung ikinasal kami?" Kako at bumuntong hininga.

"Oh he seems so happy before your wedding? What happen? Siguro di ka mabuting asawa?" Tawang sagot ng pinsan ko.

"Parang di mo naman alam na nagpakasal lang kami para sa negosyo ng pamilya niya." Malungkot na utal ko.

"Alam kong nagpakasal ka sakanya hindi lang para makatulong kay Agus, gusto mo talagang makasal sakanya simula palang. I know your love to him!" Dagdag ni Atarah.

"Ipamukha mo pa! Nitong mga nakaraang araw sinubsob niya ang sarili niya sa trabaho at negosyo. Ne hi hello wala kami." Kako lingon siya.

"Medyo busy nga si Agus sa kabilaang appointments and interview. Lalo nga siyang sumisikat. Halos lahat ng babae dito sa kompanya gusto siya. Nako Aerin baka may nagugustuhang babae na si Agus!?" Utal ni Atarah.

"Noooooo he only likes me!" Utal ko at tumayo na.

"Aww. Mag 2 pm na pala. Kailangan ko nang umuwi may papapermahan pa ko kay Agus. A deal na kailangan ko para makipagtulungan siya saakin sa itatayo kong resort." Kako kuha ang bag ko.

Tatalikod na sana ako nung nagsalita si Arah.

"Cousin, let things be. Iloveyou." Aniya.

Napangiti ako.

"Thankyou. Iloveyoutoo." Kako at humakbang na palabas ng office niya.

****

Nagdrive na ako pauwi ng mansion kung saan kami nakatira ni Agus.

Ayusin ko na ang buhay ko. Magsisimula ako ng mga proyektong kasama si Agus para mas madalas ko siyang makakasama.

Kapalaran ito na yon.

Pero pagbumalik na si Dart? Ano kayang mangyayari samin ni Agus?

Bahala na. Sabi nga ni Atarah. Let things be!

***

Papasok na ako ng malaking gate ng mansion.

Napakalaking bahay to ni Agus.

Mula sa gate malayo pa ang mansion mahirapan kang makarating agad kapag wala kang kotse.

Marami na talagang naipundar si Agus. I'm so proud of him! Di naging dahilan ang pagiging ulila at bastardo niya para di maging successful.

Mula sa gate tanaw mo ang mga nakaarrange na may kulay na mga bato. Magagandang landscape, nakashape na mga halaman. Napakaayos na mga bulaklak at nakaarrange na mga puno. Sa malaking mansion sa gilid may malaking swimming pool, sa likod at ang orchid and wild flower garden at ang malaking fountain sa harap.

Napakagarang mansion.

Pinark ko na ang kotse ko sa garage at tatlong kotse lang ni Agus ang nandito ibig sabihin wala pa siya dahil apat ang luxury car niya.

Dali dali akong bumaba at tumakbo papuntang malaking pinto ng mansion.

Pakabukas ko ng pinto tumambad sa akin si Ate Soleng na nagaayos ng mga bulaklak sa vase.

"Hi Ate Sol." Masayang bati ko sakanya.

3:30 pm na ang nasa wallclock.

Tumakbo na ako papunta sa hagdan. Ang ganda at ang gara din sa loob ng bahay lahat nakaayos at napakapresko.

"Lady Aerin, ipaghanda ko ba kayo ng meryenda?" Tawag ni Ate Sol.

"Thankyou Ate pero wag na. Gusto kong maligo muna." Kako at pumanhik na.

Naaamoy ko ang bango ni Agus sa kwarto namin.

Dali dali akong naghubad at pumasok na sa banyo.

Nagshower na agad ako para handa na mamaya sa pagharap ko kay Agus.

**

Pagkatapos patuyuin ang buhok inayos ko muna ang mga papeles na papapermahan ko kay Agus. Asawa ko naman siya at nakatira ako sa bahay niya kaya bakit pa ako magpapaappointment para makameeting siya.

5 pm.

Wala parin si Agus kaya nagpasya akong umidlip muna.....

****

Naalimpungatan ako nung tumunog ang cellphone ko.

Napatingin ako sa wallclock ng room namin ni Agus.

9 pm?

Napahaba ang idlip ko.

Wala parin si Agus?

Baka nasa sala na naman natulog.

Haist.

Dali dali akong bumaba.

At tama nga ako. Nasa sofa si Agus at mukhang lasing.

Mukhang tulog na ito.

Lumapit ako sakanya at hinaplos ang gwapong mukha niya.

Inamoy ko siya at mabango parin ito kahit nakainom.

Napadalas yata ang paginom niya.

Tanggalin ko sana ang necktie niya nung biglang minulat into ang kanyang mga mata.

Nagulat ako nung biglang pagtayo niya.

"TRYING TO SEDUCE ME HUH?" Sigaw ni Agus sakin tulak ako sa sofa!

"No. Hindi ko gagawin yon!" Iwas ko.

"Really Aerin? Akala mo siguro dahil nakainom ako hahawakan ko ang katawan mo. Di ako lasing!" Aniya.

"I didn't mean to!"

"Your so good at acting huh. Bakit ka bumaba dito sout yang napakanipis na nighties at hawakan ako!" Dagdag niya pa.

"I just wanted to check on you Agus. Sout ko to dahil komportable ako sa pagtulog sa nighties na to!" Paliwanag ko.

"Di dahil kasal tayo ibig sabihin non ikakama na kita! Di ako ganon ka gago para dungisan ang tiwala ni Dart habang may amnesia siya."

"Agus...

"Di ko alam kung ano ang nasa isip mo bakit ginagawa mo to. Pinakasalan kita dahil wala si Dart at kailangan ng negosyo pero pagnagising siya magdedivorce na tayo! I don't love you and even like you so please stay away and stop the trick. I will never touch you!" Aniya sa mukha ko kinuha ang coat niya at lumabas na ng bahay.

Ramdam ko parin ang hininga niya sa mukha ko.
Ang amoy niya sa ilong ko at ang init niya sa paligid kahit umuulan.

Kahit anong masakit na salita galing sayo ang marinig ko mahal parin kita!

Di ko alam ang mga iniisip mo!

Bakit naging ganito tayo Agus?

Paanong naging ganito tayo?

Pumanhik ako sa kwarto.

Tunog ng tunog ang phone ko.

Atarah calling.

"Hello cous. It's late." Malungkot na utal ko.

"Babalik na si Dart? May pawelcome party ang family niya" Deretsong sabi ni Arah. Excited siya sa pagbalik ni Dart.

"What? Kailan?"

"Wala pang exact date!"

Dart is coming back! Ano nang mangyayari saamin ni Agus?

Maya maya bumukas ang pinto ng silid at pumasok galing don si Agus at nagulat ako sa biglang paglapit niya at.....

(To be continue)

Don't forget to like, heart, follow and add to your library guys.muah

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon