✓Part 9-My Hero

309 10 0
                                    

(Agus POV)

Papasok na ang kotse ko ng site nang makasalubong ko ang kotse ni Damien at Laiza.

Mukhang tapos na silang tingnan ang lugar.

Si Aerin kaya nakaalis na rin?

Baka hindi pa at sana hindi pa. Gusto kong marinig ang sasabihin niya tungkol sa lugar.

Pagdating sa site nakita ko si Atarah na naglalagay ng tubig sa kotse niya. Kasama din pala siya. Siguro sinamahan niya si Aerin.

"Where's Aerin?" Tanong ko kay Atah pagkababa ng kotse ko.

"Nasa likod pa may titingnan daw. Kanina pa siya nandoon. Susunod na rin ako sakanya pagkatapos ko dito." Aniya.

Damn! Kinabahan agad ako.

Di pa naman safe ang lugar na to!

Tumakbo agad ako papunta sa likurang bahagi ng sirang istraktura.

"Aerin saan ka?"

Shit!

Nagpapanic na ako. Takbo dito takbo doon. Di ko mahanap si Aerin!

Pumasok ako sa sirang building at nagulat pa ako nung biglang bumagsak ang bubong doon kaya napaatras ako at lumabas na.

Shit! Aerin saan ka?

Napalingon ako at nahagip ng tingin ko ang isang bukas na balon.

Siguro kinukuhaan ng tubig ang balon na to sa mga nagtatrabaho dito noon.

Dali dali akong lumapit doon at nakita ko ang isang flatshoes na nakasabit sa may gilid ng balon!

Aerin!

Di ko aninag sa ilalim dahil madilim kaya tumalon na ako pababa!

"Agus nooooo!" Rinig ko pang sigaw ni Atarah. Mabuti at sumunod agad ito.

Pagkabagsak ko sa ilalim ng tubig naaninag ko agad ang katawan ni Aerin!

Damn!
Tinanggal ko ang tarp na nakaharang kay Aerin at sinipa ito pailalim para umangat kami ng konti.

Tumingin ako sa itaas at mukhang tumatawag na ng tulong si Atarah.

Maya maya pa may binaba itong lubid na may nakataling batyang may lamang matigas na semento.

Inangat ko si Aerin.

Ilang minutes at dumating na ang rescue at inangat kami pareho ni Aerin.

Damn!

Tiningnan ko agad ang pulso niya pero pinaalis ako ng medic.

Papalag sana ako pero pinigil ako ni Atarah.

Ano kayang ginagawa ni Aerin doon, nahulog tuloy siya!

"She'll be fine Agus. Thankyou for saving her on time." Sabi ni Atarah habang nakatingin ito kay Aerin na sumusuka ng tubig.

She'll be fine.

"Just take a look on her. I'll go get her clothes and to change clothes too." Paalam ko angat ang sobrang nabasa kong damit.

Pate na rin wallet, cellphone, cards lahat na nasa bulsa ko basa.

Nilingon ko muna si Aerin bago umalis papuntang kotse at kukuha ng damit.

Thank God Aerin is safe!

*****
(Aerin POV)

Nakahiga ako sa loob ng sasakyan ng rescue balot ang katawan ko sa tuwalya ni Atarah, napagod ako sa pagsuka ng tubig.

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon