✓ Part 12- My Only Wish

298 9 0
                                    

(Aerin POV)

Matapos magpaalam kay Shamia na uuwi na lumabas na kami ng bahay.

Tumawag si Zheil papunta na daw siya pero nung narinig ni Agus na pupunta si Zheil sa bahay ni Shamia bigla na lang nagyayang umuwi kaya umoo na lang ako.

Halata naman kaseng di gusto ni Agus si Zheil. Sa anong dahilan. Hindi ko alam, pero susuportahan ko si Agus more than Zheil na idolo kong actor.

"Parang uulan." Utal ni Agus.

"Amp baka may daanan kapa sa office mo. Pwede na akong mauna at magtaxi pauwi." Kako.

"No, ihahatid kita!" Aniya binuksan ang kotse niya para saakin.

Ang lamig ng hangin at ang dilim parang uulan nga.

Pumasok na ako sa kotse niya at sumunod naman siya.

Pagkapasok niya binuksan niya ang parang speaker yata at nagsimula ng tumugtog ang kantang Two Of Us.

I'll be living one life for the two of us.

Sabi ng kanta.

Nagulat ako nung pinatay niya.

"Parang pampatay na kanta. Sinong kumanta?" Tanong ko.

"Niall Horan. Joke, it's Louis Tomlinson." Ngiting sagot niya.

Napangiti naman ako.

"One Direction, I miss them ." Malungkot na utal ko.

Pero masaya akong nakakausap ko si Agus sa kahit ganitong usapan lang.

At doon na nagtapos ang usapan namin dahil tahimik na siya hanggang sa nakarating kami ng mansion.

"Pasok ka na. May pupuntahan pa ako." Aniya habang tinutulungan akong tanggalin ang seatbelt.

"Ganon ba? Uuwi ka ba mamaya? Dito ka ba matutulog?" Tanong ko pa.

Bakit ba ako nagtatanong?

"Iwan ko. Siguro. " Sagot niya.

Bumaba na ako ng kotse para di niya makita ang pagkadismaya ko.

Nasa bahay niya nga ako di naman siya umuuwi at natutulog dito.

Ang sakit lang isipin kase akala ko makakasama ko siya ng madalas dahil iisang bahay lang kami, pero mukhang iwas na iwas siya saakin. Umuuwi nga siya minsan lasing naman at kadalasan sa sala pa natutulog.

Para bang dahil saakin lumiliit ang space niya sa bahay.

Agus how I wish to be with you all day and night dito sa bahay, pero malabo.

Pumasok na ako ng mansion at narinig ko pa ang pagharurot ng sasakyan ni Agus paalis.

"My lady. Kumain na po ba kayo? Ipaghanda ko po ba kayo ng hapunan?" Salubong ni Ate Sol.

"No thankyou ate. Gusto ko ng magpahinga." Kako at umakyat na ng hagdan.

Parang ang sikip ng dibdib ko.

Napakalungkot at napakalamig na gabi ko at magsisimula na.

****

(Agus POV)

Palabas na ako ng gate ng mansion nung bumuhos ang napakalakas na ulan.

Bigla akong nagalala kay Aerin kaya hininto ko ang sasakyan ko para tawagan si Ate Sol.

"Hello young lord?" Sagot ni Ate Sol.

"Kumain ba si Aerin?" Tanong ko.

"Hindi po. Gusto niya na daw magpahinga."

"Pagtimpla mo siya ng gatas. Saka ang heater i on mo para di lamigin si Aerin."

"Opo."

"Wag mong sabihing inutusan kita. Gawin mo na lang ate. Salamat." Kako at pinatay na ang cellphone.

Ang sikip at ang lamig ng puso ko. Parang gusto kong bumalik ng mansion para yakapin si Aerin.

Bakit napakahirap para saaking amining nagaalala ako sakanya?

Kung aamin ako ng pagmamahal ko sakanya siguradong mawawala si Uncle, Auntie at lalo na si Dart saakin.

Masyado ng maraming nawala saakin baka pate si Aerin lalayuan ako kapag nalaman niyang may gusto ako sakanya?!

Pinatong ko na lang ang mukha ko sa minabela at hinayaan ang mga luha kong dumaloy na kanina ko pa pinipigil na pumatak.

Kailangan kong maging matatag at itago ang pagmamahal ko sa isip at puso ko. Ayaw kong may mawala pa saakin at mas lalong ayaw kong mawala si Aerin sa paningin ko!

*****

(Kinabukasan)

(Aerin POV)

Parang premiere night ng movie nina Cristin at Zheil ngayong araw syempre kami ni Shamia at Atarah present. Matagal naming hinintay na ipalabas to.

Iniwan ko muna si Atarah at Shamia sa CR para bumili ng wipes. 1 hour pa bago magsimula kaya lumabas muna ako.

Nagulat ako nung nakita ko si Laiza kausap si Agus.

Damn!

Sa tabi pa naman nila ako dadaan.

"Oh wait Aerin! Nandito ka rin?! Sabagay diba crush na crush mo si Zheil?" Pigil ni Laiza saakin.

Tiningnan ako ni Agus at mukhang di naman ito nagulat.

"Yeah I'm with Shamia and Atarah. Magkasama kayo?" Kako turo tukoy silang dalawa ni Agus.

"Yeah, actually baka first date na namin to. Last day binigyan niya ako ng flowers!" Pagmamalaki pa ni Laiza.

Si Laiza? Binigyan ng flowers ni Agus? Samantalang ako na asawa niya di niya nabigyan kahit petal lang.

Baliw yata tong si Laiza pinagmalaki pang binigyan siya ng bulaklak ng lalaking may asawa na.

Nakakawala ng excitement sa movie!

"Ah ganon ba? Okay alis na ko malapit na magsimula ee. May bibilhin pa ako!" Kako at nilagpasan na sila.

Damn! Naiinis ako!

Iba kadate niya samantalang ako asawa niya.

***

(Agus POV)

"Laiza, hindi ko alam kung bakit nasabi mong may gusto ako sayo. About the flowers binigay ko yon sayo bilang pasasalamat sa pagdesign ng resort ni Aerin. I'll never like you. Stop your illusions! Itigil mo na ang pagpapakalat mong gusto kita. Mali na ang una kong pagkuha sayo as archetic!" Kako kay Laiza at tinalikuran na siya.

"Bakit di mo ko magustuhan? Dahil ba kay Aerin?" Sigaw ni Laiza kaya napatigil ako.

"Laiza stop!"

"I know everything Agus. Nakausap ko si Aunt Rachelle! Matagal na Agus, bakit di mo parin matanggap na si Dart ang mahal ni Aerin? Sumuko ka na!" Aniya pa.

Bumuntong hininga ako.

"Yes. I love Aerin kahit iba ang mahal niya. Mahal ko siya at wala akong balak itigil ang pagmamahal ko sakanya dahil lang sa may mahal siyang iba! At kahit di man mapasakin ang pagmamahal niya wala parin akong balak na magustuhan ka." Malumanay kong sagot.

"Ano bang meron siya at ganyan ka kadesperado sakanya! Ilang taon na ang nakalipas at lahat ng babae inaayawan mo. Bakit siya hindi? Bakit siya pa?" Tanong niya pa ulit.

Hinarap ko si Laiza.

"Dahil mahal ko siya at patuloy ko siyang mamahalin. Mabubuhay ako para sakanya. Lahat ng akin ay para sakanya. Siya ang puso ko at laman ng isip ko. Si Aerin ang buhay ko... ang mundo ko. She is my only wish. My only love." Kako at tumalikod na.

Saktong pagharap ko tumambad saakin ang magandang mukha ni Atarah.

Patay isusumbong ako nito kay Aerin!!

(To be continue)

My Billionaire Subtitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon