3

226 7 1
                                    

Chapter 3

Napunta ako sa isang gubat na walang kabuhay-buhay. Sobrang dilim ng paligid at tanging buwan lang ang ilaw para makakita.


Nananaginip na naman ako.

Napahawak ako sa bulsa ko at nakapa ko ang cellphone ko. Binuksan ko ang flashlight nito para makakita ako sa aking dinadaanan.

Napakatahimik ng paligid at tanging yapak ng aking mga paa ang maririnig.

Sinundan ko lang ang pathway ng gubat hanggang sa dalhin ako nito sa isang palasyo na puro lumot. Marami itong sanga at dahon-dahon sa dingding. Sobrang luma na siguro ng palasyomg ito.


Medyo matagal bago ko nahanap ang daan papasok sa loob. Nagbabakasakaling abandonado na ang ito. Mabigat ang pinto kaya maingay ang pagkakabukas ko. Sana naman walang multo dito.

Pagkapasok ko sa loob ay biglang sumara ang pinto at naubusan na din ng batterya ang telepono ko. Ano ba naman yan, kung kailan kailangan ko na ng ilaw namatay pa ang telepono ko.

Napalinga linga ako sa paligid at nakakita ng kandila sa lamesa at may posporo sa tabi nito. Kinuha ko iyon at sinindihan ang kandila. Medyo nakakakita naman ako ng maayos dahil sapat na ang liwanag ng kandila.


Habang tinatahak ko ang pasilyo ay may mga maalikabok painting ng mga hari at reyna sa paligid. Sila siguro ang namumuno ng palasyong ito.


Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong yapak papalapit sa akin. Lumingon ako pero wala akong nakita sa aking likuran.

Pagkaharap ko ay may isang lalaki na nakasuot ng itim na kapa at may maskara sa mukha.


"Sino ka? Paano ka nakapunta dito?" Tanong ng isang malalim na boses.

Napaurong ang dila ko kaya hindi ako nakapagsalita. Naunahan ako ng kaba kaya nanatili ako sa pwesto ko.


"Tinatanong kita, binibini. Paano ka nakapasok dito?"


"Paumanhin. Naliligaw ako sa labas at hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa makita ko itong palasyo." Pagpapaliwanag ko.


"At tsaka. Wala ka bang kasama? Hindi ka ba nababagot sa lugar na ito?" Tanong ko.



"Hindi. Dito na ako lumaki simula nang mawala ang mga magulang ko. Ako lang ang mag-isa dito. Napakalungkot, hindi ba?" Sabi niya.


"Bakit ayaw mong lumabas? Mas maganda sa labas kesa dito." -ako


"Hindi pwede, binibini. Matagal na dapat akong namatay. Pero may isang diwata ang nagpakita sa akin na nagbuwis-buhay para muli akong mabuhay. Kaso nga lang ang kapalit ay ang sumpa na kapag hinawakan ako ng isang tao ay bigla akong maglalaho." -siya.



"Napakalungkot nga." Sabi ko at napayuko.


"Mabuti pang dito ka muna tumuloy at mukhang delikado na sa labas."

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad kami ay huminto siya sa isang kwarto at bumungad ang napakalinis at maaliwalas na paligid. Hindi ko aakalaing ganto ang magiging hitsura ng loob kumpara sa labas ng palasyo. Sobrang dumi.




"Dito ka muna magpalipas nga gabi, binibini." Sabi niya at akmang aalis na pero pinigilan ko ito.



"Sandali." Tugon ko.


Napahinto siya at humarap sa akin.


"Gusto kitang makita, ginoo. Pwede bang tanggalin mo ang iyong maskara." -ako.

Mga ilang segundo ay bago siya pumayag at napa-buntong hininga.


Dahan-dahan niyang inialis
ang maskara at tumambad ang isang napakaamong mukha.


Hindi ko alam kung bakit mabilis ang kabog ng puso ko.

Lucid Dreams || K.THWhere stories live. Discover now