13

126 7 1
                                    

Chapter 13

Habang naglalakad kami pauwi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa saya na naramdaman ko kanina. Hindi ko aakalaing mamahalin ako pabalik ng taong mahal ko.

Pero panaginip lang ito. Hindi siya totoo.



"Ginoo, hindi mo ba alam na nasa panaginip lang tayo?" Sabi ko at pinipilit ko ang mga luha ko na huwag tumulo.


Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.


"Panaginip? Nasa panaginip lang tayo?" Sabi niya at bakas sa mukha niya nagguguluhan siya sa mga sinabi ko.



"Oo, ginoo. Nasa panaginip lang kita. Hindi ka totoo." Sabi ko at hindi ko na napigilang umiyak.

May mga batang tumatakbo papunta sa gawi namin.


Natalisod ang bata sa bato at sinalo niya ito.

"Ginoo!" Sigaw ko.

Umalis na ang bata at nakatingin siya sa kamay niya.


Unting unti na siyang naglalaho.

"Nakahawak ako ng tao.... Nakahawak ako ng tao, binibini! Halika yakapin mo ako!" Sabi niya at ibinuka ang mga braso niya.


Hindi na ako nagsayang ng oras na yakapin siya. Napapagikbi ako dahil hindi ko matanggap na mawawala na siya.



"Ginoo, wag mo akong iwanan. Mahal kita."

"Pasensya na, binibini. Mahal din kita."

"Binibini, ano ang pangalan mo?"

"Choi Y/N, ang pangalan ko."

"Vince ang pangalan ko, binibini. Ngayong mawawala na ako, sana paggising mo sa panaginip na ito ay hindi mo ako makakalimutan. Mahal na mahal kita Y/N....."

At bigla siyang naglaho.

Lucid Dreams || K.THWhere stories live. Discover now