5

145 7 0
                                    

Chapter 5

"Anak! Kamusta ka na?" Bungad sa akin ni mama tsaka niyakap ang kapatid ko.


"Eto, medyo na-stress sa trabaho." Sagot ko at napangiti na lang. Ayokong mag-alala si mama.


"Naku anak. Sabi ko sayo wag kang masyadong magpakapagod sa trabaho mo." Sabi ni mama at tumingin sa akin na may pag-aalala.

"Ma, okay lang naman ako. Para na din to' sa future natin at sa kompanya natin." Sabi ko at nginitian siya.



"Hay, de bale na lang anak. Halika na at pumasok na tayo sa bahay, naunahan pa tayo ng kapatid mo sa loob."



"Papa!" Sabi ko at niyakap siya. Napangiti naman si papa nang kumalas ako sa yakap.



"Kamusta ka na anak? Isang buwan na nung huli tayong nagkita ah." -papa.



"Okay lang naman po ako. At tsaka naaalagaan ko po ng maayos si Yeonjun." -ako.




"Mabuti naman anak." Pagkasabi niya non ay napatingin si papa kay mama na para bang may gusto silang sabihin.



"Ahm. Anak mag-usap muna tayo ng mama mo halika dito umupo ka." Seryosong sabi ni papa.


Umupo ako sa sofa at kaharap ko sila papa at mama. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin nila. Masyadong seryoso ang paligid.




"Ahm. Anak may gusto sana kaming sabihin ng papa mo sayo. Alam kong gustong-gusto mo namang makatulong sa kompanya natin diba?" Tanong sakin ni mama.




"Oo naman mama. Hinding hindi ko hahayaang bumagsak ang kompanya natin. Gagawin ko ang lahat para doon." Sagot ko.




"Kung ganon nga anak. Nakapagdesisyon na kami ng mama mo na I-arrange marriage ka sa anak ng kaibigan ko na may ari din ng mataas na kompanya. Sa Montero Residence. Medyo nalulugi na tayo anak. Kailangan nating makipag-link in sa kanila para makuha natin ang shares nila. Sana ayos lang iyon sayo, dahil kung hindi, mawawalan tayo ng ari-arian." Pagpapaliwanag ni papa.



Hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni papa. Ano? Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala. Hindi ako papayag pero kailangan. Hindi ko pwedeng hayaan na lang na bumagsak ang kompanya namin.




"Sana pumayag ka anak, ikaw na lang ang pag-asa namin at ng kompanya." -mama.




"Opo ma. Papayag na po ako, para sa kompanya."

Lucid Dreams || K.THWhere stories live. Discover now