7

124 6 3
                                    

Chapter 7

"Magandang umaga binibini." Bungad niya sa akin. Hindi na siya nakamaskara ngayon.


"Magandang umaga din sayo, ginoo." Sabi ko at napangiti.

Nananaginip na naman ako. Pero bakit ganon pa din at hindi nagbabago?


"Halina't kumain na tayo, binibini." Sabi niya at sumunod ako sa kanya palabas ng kwarto.


Nagbago ang paligid. Naging malinis ito at walan bahid ng alikabok o anumang dumi sa mga bagay.



Nang makarating kami sa hapag-kainan ay hindi ko maiwasang mapa-nga nga dahil napakaraming pagkain ang nakahain sa isang lamesa. Isipin niyo yun, dalawang tao lang ang kakain pero napakadaming pagkain sa lamesa?



"Maupo ka na, binibini at kumain na." Sabi niya at ipinaghila niya ako ng upuan at tsaka siya umupo sa kabila


Magkaharap kaming kumakain ngayon ng tahimik pero hindi ko maiwasang mailang dahil nakatingin siya sa akin habang kumakain ako.


Napahinto ako at tumingin sa kumikislap nitong mata.



"Anong meron, ginoo? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya at napangiti siya.




"Wala naman, binibini. Pero ngayon lang ako nakakita ng magandang dalaga na kagaya mo." Sabi niya na nakapag-painit ng pisngi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi niya.




"Wag mo akong bolahin, ginoo. Marami nang manloloko sa mga panahong ito." Sabi ko at napa-irap.




"Seryoso ako, binibini. Ngayon lang ako nakakita ng magandang dalaga na kagaya mo." Sabi niya at ngumiti.




"Hay nako, ginoo. Kumain ka na nga at wag mo na akong titigan, nakakailang kaya." Sabi ko at napayuko.




"Haha. Wag ka nang mahiya, binibini. Totoo naman ang mga sinabi ko." -siya.



"Tse. Kakain na nga ako." Sabi ko at kumain na lang.





Pero sa kaloob-looban ko ay hindi ko maiwasang kiligin. Bakit mo ako ginaganito, ginoo? Nahuhulog na ako sayo.

Lucid Dreams || K.THWhere stories live. Discover now