12

122 5 3
                                    

Chapter 12

"Bili na po kayo, limang pilak ang isang piraso nito." Sabi ng isang batang lalaki na may hawak na kulay asul at pula na parol.


"Sige, bibili ako, isang pula at asul nga, bata." Sabi niya at naglahad ng sampung pilak sa bata.

Umalis na ang bata pagkatapos niyang bumili ng dalawang parol.



"Eto, binibini." Sabi niya at inilahad ang pulang parol sa akin.



Hindi na lang ako umimik at nakinig sa sinasabi ng matandang lalaki sa unahan.



"Mga kababayan! Sabay sabay nating salubungin ang gabi at sindihan na ang inyong mga parol. Pagkatapos ay paliparin ito sa langit kasabay ng mga paputok." Sabi ng lalaki sa unahan, kagaya namin ay may parol din siya.



Sinindihan na namin ang mga parol at sabay sabay namin itong pinalipad. Sumabay din ang mga makukulay paputok na nagliliwanag sa langit.


Kita sa mga mukha ng tao ang saya.

Napatingin ako sa lalaking kasama ko na nakatingin din sakin. Nakatitig lang kami sa isa't isa.


Inilagay niya ang maskara sa aking mukha at hinalikan ito.


Mas gusto kong walang maskara, ginoo.


"Mahal kita, binibini." Bulong niya akin.


"Mahal din kita, ginoo." Sabi ko at tinanggal ang maskara.


"Umuwi na tayo, binibini. Tapos na ang pista." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

Lucid Dreams || K.THWhere stories live. Discover now