14

146 5 0
                                    

Chapter 14

"Vince!"


Nagising ako ng umiiyak. Bakit ganon? Nahulog ako sa taong hindi naman totoo.


5 am na nang maggising ako at hindi na ako makatulog dahil sa panaginip na iyon.

Ang tanga mo Y/N sabi ko sayo wag kang mahuhulog sa kanya, pero anong ginawa mo? Hinayaan mo lang ang sarili mo.


Nararamdaman ko ang mga patak ng luha ko at agad ko ding pinunasan iyon. Kasal ko ngayon kaya dapat hindi nila maghalata na umiiyak ako.


Makalipas ang dalawang oras ay dumating na sila mama kasama ang mga make-up stylists.

"Oh anak. Handa ka na ba sa kasal?" Sabi ni mama habang nakaupo sa monoblock chair ng kwarto ko.


"Yes ma, I'm ready." Sabi ko at ngmiti ng peke.


"Don't worry nak. 1 month lang naman ang itatagal niyo then wala na." -mama.

Mabuti naman kung ganon. Dahil pag nagtagal yan ay tutol na ako.




Pagkatapos nila akong ayusan ay pinasuot sa akin ni mama ang wedding dress ko. Wala naman daw masyadong tao dahil puro buisness partners lang daw ata ang mga pupunta doon.


"Napakaganda naman ng anak ko." Sabi ni mama at napangiti.



"Siyempre naman ma. Mana ako sayo eh." Biro ko kay mama.


"Nako nak. Malilate na tayo sa kasal. Halika na." Sabi ni mama at umalis na kami sa apartment.


May puting sasakyan sa labas at sumakay na kami sa loob.

Habang nasa byahe kame ay hindi ko maiwasang kabahan. What if I messed up? Hays.


Nang makarating kami sa aisle ay lumabas kami ni mama at pumunta na sa tapat ng red carpet kasama ang papa ko.

Nilakad namin ang aisle hanggang marating namin ang altar.


Napatingin ako sa groom at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Katulad ko ay napatulala siya sa akin.

Lucid Dreams || K.THTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang