PROLOGUE

51 9 0
                                    

Unti- unti kong iminulat ang aking mga mata. Dilim ang una kong nakita. Umupo ako at inilibot ang aking paningin.


Gabi na pala. Hindi ko man lang namalayan at napahimbing ata ang pagkakatulog ko. Sino ba naman kasi ang hindi maeengganyong matulog sa lamig ng hangin kanina. Masiyadong nakakakalma at ninais ko nalang munang magpahinga. May kung ano sa hangin na nagpaparamdam sa akin ng gaan. Para akong niyayakap ng hangin. Kahit papaano, binabawasan nito ang pangungulilang nararamdaman ko.


Umupo pa muna ako saglit bago nagpasyang tumayo. Anong oras na, baka hinahanap na ako sa bahay. Nakalimutan ko pa man ding magpaalam kanina.

Bago maglakad palayo ay nilingon ko nalang muli ang puntod. Malungkot na naman akong napangiti.


Hindi ko talaga mapigilan tuwing nagagawi ako rito. Miss na miss na kita. Nangungulila pa rin ako araw-araw. Dalawin mo naman sana ako kahit sa panaginip lang.


Pinulot ko na ang bag kong dala at nagpasyang umuwi na. Baka nag-aalala na sakin si Lola.

Wala pa man din ako sa bahay ay kita ko na sa labas si Lola. Halatang nag-aalala nga. Tinakbo ko ang distansya namin.


"La! Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Tara na pumasok na tayo" sabi ko sa kaniya. Tinignan niya ako at hinampas sa braso. "Aray naman Lola!" Angil ko


"Ikaw talagang bata ka! Pinag-alala mo ako. Saan ka na naman ba nanggaling ha?" bulyaw niya sa akin. Nginitian ko lang siya bago sinagot.


"Nagpahangin lang po. Eh nakatulog po ako kaya ginabi po" paliwanag ko. Hinaplos niya ang ulo ko. Nakita ko ang dumaang lungkot sa kaniyang mga mata.


"Yana apo, nagpunta ka na naman doon ano?" Tanong niya sa akin. Alam naman na yata niya ang sagot kahit hindi ko na sabihin. Dahan- dahan akong tumango, pinipigilang tumulo ang luha.


"Miss na miss ko na po eh. Hindi ko rin po mapigilan. Grabe po kasi talaga yung pangungulilang nararamdaman ko dito" sabi ko sabay turo sa kung nasaan ang puso ko. Ngayon, hindi ko na napigilan ang luha ko.



"Miss na miss ko na po si Mama, Lola" hagulgol ko at walang nagawa si Lola kundi yakapin nalang ako.

Wind's EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon