Chapter 5

30 6 0
                                    

CHAPTER 5
Enemies

Buti nalang at nakatulog ako nang matiwasay nang gabing yon. At kinabukasan naman ay hindi ako nagising dahil sa pang-iistorbo ni Jasper.

Alas nuwebe na ng umaga ako magising at alam kong sasamahan ko si Jasper bumili ng libro ngayon!!! Mamayang tanghali nalang, ayos lang yon. Kaso pagkababa ko ay muntik na akong mahulog sa hagdan kasi naknampucha. Nakaupo lang naman si Jasper sa sofa at nakikipagkwentuhan kay Lola. What the hell?

"Goodmorning Apo! Gigisingin na sana kita kanina kaso sabi naman nitong si Jasper eh hayaan ka nalang muna sa pagtulog. Kumain ka na riyan at nang makaligo ka na rin" bungad sa akin ni Lola pero nanatili ang tingin ko sa lalaking nakangiting nakatingin sa akin ngayon. Sus, bait baitan, inirapan ko siya at dumiretso na sa kusina. Ni hindi ko na nabati si Lola ng goodmorning.

Nagsasandok na ko ng kanin nang dumungaw si Jasper.

"Goodmorning! Aga aga nakabusangot ka" sabi niya, paanong hindi eh siya ba naman bubungad sakin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. "Aga aga ang sungit. Sige kumain ka na muna riyan. Makikipagkwentuhan muna ako kay Lola" dugtong niya at umalis na. Ano naman kayang pinagkukwentuhan nila?

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para makaligo at makapag-ayos. Hindi ako nagmamadali dahil wala akong paki kahit maghintay pa si Jasper.

Dahil nga wala namang pasok at sasamahan ko lang naman siyang bumili ng libro ay naghigh waist shorts nalang ako at tinuck in ang puting tshirt. Nagsneakers na rin ako.

"Tara na" aya ko pagkababa ko. "La alis na po kami" paalam ko kay Lola at humalik sa pisngi.

"Ikaw Eli---"

"Yana" pagtatama ko sa kanya. Hindi pa rin ako payag na tawagin akong Eli ng unggoy na to.

"Crush mo siguro ako noh? Matchy matchy tayo, look" sabay pakita sa ayos niya. Well, he's wearing a plain white shirt, black pants and vans na black. Malay ko ba kasi? Nag-itim ako kahapon eh kaya nagputi ako ngayon, tsaka mainit hello? Inirapan ko siya at nauna na namang maglakad.

"Asa ka" sagot ko.

"Oo naman, aasa ako" pabulong niya.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko ko ang bilis mo" tss. Di pa nasanay. Mga alas diyes pasado na kami nakaalis ng bahay kaya panigurado sa labas kami maglalunch.

Pumara ako sa jeep pagkalabas ng village at sumakay. Dali- dali rin namang sumakay si Jasper at tumabi sa akin.

"Ikaw na muna magbayad dito, ako na sa susunod" bulong ko sa kanya at sumang-ayon naman. Dalawang sakay kasi papuntang mall kaya ganoon.

Pagkarating namin ay dumiretso na kami sa National Book Store. Dalawang subject palang naman kasi ang nagrerequire samin ng libro kaya ayos lang. Hindi rin naman kami nahirapan sa paghahanap nung kailangang libro kaya nagbayad na rin siya agad.

"Ay Jasper pasabay nga ng Gtech. Yung 0.3 ha, thank you! Bayaran ko sayo mamaya" hindi na ako sumamasa kanya sa counter, hinintay ko nalang siya sa gilid. Tinignan ko ang relo ko at 5 minutes before 12. Nice. Dito nga kami maglalunch.

"San tayo kakain?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ng NBS.

"Ikaw san mo ba gusto? Jollibee? Mcdo?" Tanong niya.

"Hmmm. Jollibee nalang" sagot ko naman.

"Alright" at dumiretso na kami sa Jollibee. Buti nalang din at nasa iisang floor ang Jollibee at NBS kaya di kami nahirapan. "Maghanap ka na ng upuan ako na bahalang umorder. Anong sayo?" Tanong niya.

Wind's EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon