Chapter 7

10 5 0
                                    

CHAPTER 7
Confused

Wala na akong nagawa. Sumabay nga sa akin pauwi si Jasper dahil magkapit-bahay nga lang naman kami.

"Woy" kalabit ko sa kaniya habang naglalakad papasok sa subdivision. Nilingon niya naman ako agad. "Bakit late ka kanina ha?"

"Late ng gising. Badtrip nga eh. Nag-alarm ako kagabi bago matulog. Sigurado ako kaso hindi yata tumunog" sagot niya at napakamot sa ulo.

"Nichat kita ah. Walang reply. Peymus naman dis boy! Grabe!" Sagot ko with matching slow clap pa. Kumunot ang noo niya.

"Ha? Hindi ko napansin, baka nasa message request, check ko mamaya" sagot niya at tinanguan ko nalang siya. Nang nasa labas na kami ng bahay, kinawayan ko nalang siya nang hindi nililingon.

"La andito na po ako!" Sigaw ko pagkapasok ko palang sa gate.

"Ingay mo!" Sigaw naman ni Jasper sa kabila. Hindi ko nalang siya pinansin. Quarter to five palang naman so baka nanonood si Lola ng paborito niyang drama at tama nga ako! Aha! Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

"Sige na. Umakyat ka na at magpahinga" sagot niya habang tutok pa rin sa pinapanood. Umakyat nalang ako para magpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba na ulit ako.

Trip ko mag-ice cream ngayon at kumain ng chichirya.

"La, labas lang po ako. Kina Aling Milya lang po" pagpapaalam ko kay Lola at dumiretso na sa labas.

Mabilis akong nagtungo sa tindahan nila Aling Milya.

"Tao po?!" Sigaw ko kasi wala na namang nagbabantay! Ano ba 'yan. "Tao po?" Pag-ulit ko.

Wala yatang tao, baka hayop ang meron?

Bahala na nga. Close naman kami ni Aling Milya. Dumiretso ako sa mga ice cream at nag-iisip kung cookies and cream ba ang kukunin ko or pistachio. Nagulat nalang ako nang lumingon ako sa bandang kanan ko ay may tao.

"Ay hayop!" Hindi ko napigilang sumigaw at napatakip nalang sa bibig ko nang marealize ang sinabi ko. "Ah, eh, Aling Milya wala ho akong sinabi. Hehe. Bibili lang ho ako ng ice cream" dagdag ko pa. Lumapit naman siya sa akin at binatukan ako.

"Ikaw talagang bata ka! Nako talaga!" Saad niya habang naglalakad papunta sa lamesa. Kumuha nalang ako ng Pistachio at Nova, Vcut at Mang Juan.

Nagbayad na ako at dali-daling bumalik sa bahay. Sa kwarto ko nalang kakainin at hindi ko rin pwedeng ipakita kay Lola ang mga chichirya na 'to. Panigurado papagalitan ako non dahil sa UTI ko.

Pagkapasok ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kutsara bago patakbong umakyat. Muntik pa akong mahulog sa hagdan.

"Yana! Ano ba yan?!" Sigaw ni Lola sa sala pero hindi ko na siya pinansin.

Una kong kinain yung ice cream dahil kung hindi ay malulusaw lang 'yon. Sunod ang mga chichirya. Nang naubos na ay bumaba ako para uminom ng tubig. Feeling ko sobrang busog ko na.

"La, hindi na po ako kakain ng dinner. Busog po ako eh" pagpapaalam ko. Sinamaan niya ko ng tingin kaya nagpeace sign ako at dali-daling umakyat sa kwarto.

Aayusin ko na muna ang mga gamit ko at kung may kailangan ba akong gawin. May pasok kami bukas buti nalang at 3PM pa naman kaso 9PM uwian. At oo nga pala, kakain nga pala kami bukas nila Vince.

Nag-online ako dahil baka may announcement na naman kaso yung gc naming magtotropa ang bumungad sakin. Pucha oo nga pala!!!

KUPALS

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wind's EmbraceWhere stories live. Discover now